Part 7

3.5K 160 17
                                    

Lunes na naman. Ang bilis lang lumipas ng araw. Dating gawi, sa perya ulit nag almusal si Jon, yung bag nya dinala na kaninang umaga. Sabay pa rin kaming naligo sa likod ng tent. Sinuklayan nya ko at sinuklayan ko rin sya bago tuluyang pumasok sa university. Yung naging pahayag nya kagabi tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ng parehong lalaki ay hindi na nawala sa isip ko. Oo, umaasa ako at wala na akong magawa dahil eto na yung nararamdaman ko eh, kahit pigilan ko pa. Di ko rin naman masisisi si Jon kung bakit ako nagkaganito dahil sa bawat act of sweetness nya sakin ay sinasakyan ko nalang din sya. Pero bago kami matulog ay sinabi nya rin na pangarap nya ang magkaroon ng pamilya, ng sariling mga anak. Doon palang talo na ako, hindi pa ako sumusugal para sa nararamdaman ko para sa kanya pero taob na kaagad ang baraha ko.

"Tol yung id mo daw" gulat sakin ni Jon. Nasa harapan na pala kami ng entrance ng university sakay pa rin ng motor pero nakaharang samin ang malaking tao na to security guard pala. Agad ko namang nilabas ang id ko mula sa bulsa ng polo ko kaya pinapasok na kami. Pagkarating namin sa parking ay agad na akong bumaba para tanggalin ang helmet ngunit mas maagap si Jon kaya sya na mismo ang nagtanggal ng helmet ko.

"Tol, may problema ka ba? Kanina ka pa kasi tulala eh. Salita ako ng salita kanina sa byahe di mo naman ako sinasagot, tapos kanina sa entrance gate wala ka din sa sarili mo" si Jon habang tinatanggal ang helmet ko. Pagkatanggal nya ng akin ay sinunod nya ng tanggalin yung kanya. Nakita ko naman na nagulo ang buhok nya kaya inayos ko ito gamit ang kamay ko, yumuko naman sya ng bahagya para maabot kong mabuti ang ulo nya.

"Yan ok na" sabay tapik sa balikat nya.

"Ok ka lang ba tol? Muli nyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ayos lang ako, napuyat lang siguro ako. Tara na baka malate tayo." Ngumiti naman sya pabalik sa akin at saka pumwesto sa likuran ko katulad ng lagi nyang ginagawa. Tinulak nya lang ako ng marahan habang nakakapit sa balikat ko hanggang makarating kami sa classroom. Nakaupo na si Kath pagdating namin, nagpipipindot na naman sa phone nya as usual.

"Wala pa syota mo?" Tanong ni Jon kay Kath pagkaupo namin sa tabi nya. Tinampal naman ng bahagya ni Kath ang bibig ni Jon dahilan para matawa ako.

"Makatawa tol huh? Kiss mo nga, ang sakit eh" si Jon habang himas himas ang labi nya. Hinalik ko naman yung kamay ko sa labi ko pagkatapos ay ikiniss iyon sa labi ni Jon.

Pansin ko ang biglang pagkagulat ni Jon dahil sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata nya kaya nanlaki na rin ang mata ko. Syet, sobra na yata yung ginawa kong pagsakay sa mga biro nya?

"Ano first kiss? Tulala lang ganon?" Pambasag ni Kath sa akward moment. Pero mas naging awkward lang dahil sa sinabi nya. Nag iwas ako ng tingin at nagkunwaring may kinukuha sa bag, si Jon ganun din na dumiretso naman ng tingin sa harapan.

"Oo nga pala Kit, after ng class natin dito may meeting yung Student Org Party natin sa Liberal Arts Building. Magpaplano na tayo para sa campaign strategies para mag sure win tayo pagdating ng election day." Napalingon naman ako kay Kath dahil pagtataka.

"Pumayag na ba ko sa alok nyo?" Turo ko pa sa sarili ko.

"Oo diba? Pumayag ka na? Remember magka text kayo ni Alex I mean ni Sir Diaz tungkol sa pagpayag mo? Sya kasi ang magiging adviser natin sa campaign eh"

"Nagtext ako?" Si Kath ang tinatanong ko pero kay Jon ako nakatingin. Sya na naman sigurado ang katext ni Alex.

Napatingin naman si Jon sa akin kaya sinamaan ko sya ng tingin, alam ko dinig na dinig nya ang pinag uusapan namin ni Kath.

Agad naman syang lumapit pa sa akin at bumulong.

"Tol sorry na, eh papayag ka din naman kaya sinabi ko na sa kanila na oo tsaka para matigil na rin sila kakukulit sakin sa text" medyo kinilabutan pa ko dahil sa pagbulong nyang yon. Ramdam na ramdam ko kasi yung init ng hininga nya sa tenga ko. Nakaisip naman ako ng magandang ideya.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon