Part 9

3.3K 132 7
                                    

"Ready ka na Jon?" Sabay akbay ko sa kanya.

Naglalakad kami ngayon papunta sa first subject namin at ngayon din ang araw ng varsity tryout para sa basketball team ng University namin.

"Kinakabahan ako tol"

"Ngayon ka pa talaga kinabahan Jon? Teka, alam mo bang nag youtube ako kagabi?"

"Ano naman ang kaugnayan nyan sa kaba ko? Nanonood ka ba ng porn?"

"Gagi hindi. Yung mga laban mo dati. Pinapalabas pala sa TV yun. At hindi lang yun ang nalaman ko, nanalo ka pa palang rookie of the year di mo man lang nakwento sakin"

Narinig ko naman ang pag buntong hininga nya. Sakto na nasa tapat na kami ng room namin, medyo maaga pa kaya wala pa masyadong estudyante. Umupo na muna kami sa madalas naming pwesto sa may unahan.

"Ang sinasabi ko Jon, kung nagawa mo dati, sigurado magagawa mo rin ngayon at sigurado ako mas mahihigitan mo pa yung mga nagawa mo dati" pampalakas ko ng loob ko sa kanya.

Nakita ko naman ang tipid nyang pag ngiti.

Kagabi sinubukan kong i-type ang pangalan nya sa youtube at lumabas nga sa resulta ang mga laban nya para sa dati nyang university sa Manila, malayo dito sa lugar namin ngayon. Sikat pala talaga sya, kaya naman pala madalas nagugulat na lang ako kapag may mga nakakakilala sa kanya na hindi naman nya kakilala.

Sa pagba-browse ko pa kagabi ay marami akong napanood, kabilang na yung interview nya kasama ang dati nyang girlfriend na si Mari. Napaka ganda nga pala talaga ni Mari, malumanay at mahinhin magsalita na maski ako ay humanga sa kagandahan at personalidad nya.

Napaka sweet nila sa interview na iyon. Parang ginawa sa loob ng university nila para i-feature sa isang sikat na magazine. Mayroon din itong million views at umuulan ng suporta at paghanga sa comment section. Nalaman ko na simila High School ay magkasintahan na sila, alam nila ang hilig at ayaw ng isa't isa. Hindi ko nalang tinapos ang video dahil hindi ko maintindinhan yung nararamdaman ko. Minsan ko na tong naramdaman pero mas grabe yung naramdaman ko habang pinapanood ko yung video na sweet na sweet si Jon at Mari. Alam ko selos yung naramdaman ko at hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil ako lang naman tong patuloy na nagmamahal sa kaibigan ko.

"Huy tol natutulala ka na dyan?" Si Jon na may kasama pang pagpitik ng kamay sa harap ng mukha ko.

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Sabi ko bakit mo naisipang panoorin yon?"

"Nacurious lang ako kung magaling ka nga ba talaga mag basket ball and..."

"And..?" Si Jon

"..and base sa napanood ko, sakto lang." Walang gana kong sagot

Kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Jon.

"Ganon?"

"Oo, sakto lang. Sakto lahat ng shoot mo. Ang galing mo pala talaga tol, dati si Jaworski ang idol pero ngayon ikaw na" masayang sagot ko na sinamahan ko pa ng pagtaas at baba ng kilay.

"Ang luma naman ng idol mo tol. Kelan ka ba huling nanood ng basketball?"

"Eh yun lang kilala ko eh, pasalamat ka nga idol na kita"

Sasagot pa sana si Jon ng pumasok si Kath dala dala ang dalawang pares ng kulay asul na pompoms at isang malaking blankong kartolina.

"Ready na ko to cheer you dadeh Jon. Oh ito sayo dadeh Kit" abot sakin ng isang pares ng pompoms.

Tinalikod naman nya yung hawak nyang puting kartolina at nakasulat pala dun ang GO DADEH JON.

"Sigurado ka bang ako ang maghahawak nito?" Tanong ko kay Kath habang nasa kamay ko pa rin ang pompoms.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon