Part 26

3K 121 7
                                    

JON's POV

Badtrip.

Kung hindi ko lang kasama ang tol ko kanina malamang until now hinahabol ko pa rin yung babaeng yun. Hagisan ba naman ako ng isang plastic na floor wax sa uniform ko. Para tuloy akong sinaksak sa dibdib ngayon. At ang nakakainis pa, amoy gaas ako ngayon.

Sinusumpa ko talaga na magku-krus pa ang landas namin ng babaeng yun.

"Hubarin mo na lang yan oh." Si Tol ko sabay abot sakin ng p.e. uniform nya.

"Bakit dala mo 'to? Bukas pa PE natin ah?" Tanong ko sabay kuha na rin nung shirt.

"Araw araw ko naman talagang dala yan."

"Pahiram muna tol huh."

"Kaya ko nga binigay sayo eh." Ngiti nya pa sakin.

Kapag ganitong badtrip ako, kailangang kailangan ko talaga ang ngiti ng tol ko. Kapag ngumiti na kasi sya ay natatanggal lahat ng stress ko sa katawan. Nawawala lahat ng inis ko.

"Ngingiti ka na lang ba dyan? Bihis na dali." Natatawang tanong sakin ng tol ko sabay tulak pa sakin papasok ng banyo.

May mga pagkakataon talagang napapatulala na lang ako sa tol ko. Ganun kalakas ang epekto nya sakin eh. Yung parang nawawala lahat ng tao sa paligid tapos sya lang ang natitira at wala na akong ibang choice kundi ang titigan sya.

"Plastic Jon oh." Rinig kong saad ni Kit sabay pasok ng isang plastic bag sa ilalim ng cubicle ko.

"Para saan 'to tol?" Tanong ko pagkakuha nung plastic bag.

"Dyan ka umihi." Sigaw nya mula sa labas.

Natawa na lang ako dahil sa sinagot nya. Isa pa yan sa nagustuhan ko sa tol ko, lagi nya akong napapatawa sa mga simpleng banat nya. Alam ko naman na para talaga dito sa namantsahan kong uniform itong plastic bag pero tinanong ko pa rin kasi gusto kong barahin nya ko eh. Ang weird pero kinikilig ako sa tuwing ginagawa nya yon.

Siguro next kay Mama, si tol ko na yung pinaka maaalalahaning tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Kung dati sinasabi nyang hindi kasya ang daliri nya sa keypad kaya sya tinatamad mag text, ngayon naman halos mahulog na sa side table ko yung phone ko kaka vibrate dahil sa dami at sunod sunod na texts nya.

No, im not complaining, tuwang tuwa nga ako kapag tinetext nya ko eh. Kahit simpleng good morning, kain na, at good night na naka send lang ng multiple times ay sapat na para mapasaya nya ko.

"Medyo fit pala sayo yung uniform ko. Kasya naman sayo dati yan ah. Tumataba ka na." Si Kit pagkalabas ko ng cubicle.

"Ganun?" Tanong ko sabay hawak pa sa tyan ko. Tumataba na ba talaga ko? Dapat yata ang mag gym na ko ulit. Gusto ko kasi lagi akong gwapo sa paningin ng tol ko.

"Pero, ayos lang. Gwapo ka pa rin." Ngiti nya pa sabay kuha ng hawak kong plastic laman yung uniform ko at saka ito ipinasok sa bag nya.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Simula nung maging kami ni Kit maya't maya na nya ako kung pakiligin. Hindi ko alam kung sinasadya ba nya o sweet lang talaga sya. Pero wala na din akong pakialam, ang sarap kaya sa pakiramdam ang kiligin.

"Date tayo tol ko?" Akbay ko pa sa kanya habang palabas na ulit kami ng building. Inalerto ko na rin ang mga mata ko dahil baka nasa paligid na naman yung babae na yun mahirap na.

"Sige, pero fishball naman tayo dyan sa may labasan." Suggestion nya.

"Gusto ko yan." Ngiti ko pa sa kanya.

Pagkatapos ng "mini date" namin ng tol ko ay agad na rin kaming umuwi sa kanila. Marami kasi kaming assignments na gagawin at aaminin ko na kailangan ko talaga ng tulong nya sa ibang subjects na nahihirapan ako. Matalino kasi ang tol ko, isa pa yon sa mga dahilan kung bakit ako proud na proud sa kanya. Hindi nga ako magtataka kung magiging dean's lister sya pagkatapos ng scholl year namin eh.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon