Part 25

3K 117 8
                                    

"Magseselos na ba ko?" Tanong agad sa akin ni Jon pagkabalik ko sa university canteen kung saan nya ko hinihintay.

Umupo lang ako sa harapan nya at saka tinusok ang straw sa binili nya sa aking juice at saka sya ngitian.

"Kausapin ka daw nya, nandun sya sa quadrangle." Saad ko.

Natigilan naman saglit si Jon pero ilang sandali lang ay tumayo na sya upang puntahan si Alfer sa University quadrangle hindi kalayuan mula sa amin.

2nd semester na ngayon at kanina ay nagusap kami ni Alfer. Ang totoo ay kanina lang talaga kami nagkausap ng maayos, simula kasi nung magkaaminan na kami ni Jon ilang araw pa lang ang nakakaraan ay hindi na nya ako kinulit tungkol sa panliligaw daw nya. Nag stay pa rin naman sya dun sa bahay nila Ken pero pansin namin ni Jon ang pagiwas nya samin. Nakikitawa sya kapag may nagpapatawa, bumabati din sya ng good morning at good night pero hanggang duon lang talaga.

At kanina nga ay nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang kaibigan namin. Nagulat pa nga ako ng sabihing nyang sa simula pa lang naman daw talaga ay alam nyang kami talaga ni Jon ang nagmamahalan. Ganun ba talaga kami kamanhid ni Jon para kaming dalawa na lang ang hindi nakakaalam na mahal pala namin ang isa't isa?

Masaya daw si Afer para sa amin. Alam daw nyang pareho kaming masaya ngayon at wala din naman daw syang magagawa kung ipagpipilitan pa nya ang sarili nya. Masyado nya daw kaming mahal pareho ng bestfriend nyang si Jon para hindi maging masaya para samin. Nung mga oras na yon ay naramdaman kong mahal pala talaga ako ni Alfer bilang kaibigan, sya yung kaibigan na tatanggapin ka pa rin sa lahat ng magiging desisyon mo sa buhay.

Nangako syang magiging magkakaibigan pa rin kami at walang magbabago. Isa na siguro si Alfer sa mga kabigang ite-tresure ko habang buhay.

"Ganyan ka ba talaga mainlove? Ngumingiti mag isa?" Si Kath na nakaupo na pala dito sa upuan sa harap ko na nabakante ni Jon kaninan.

"Hindi ako ngumingiti mag isa." Sagot ko sabay inom ng juice sa harapan ko.

"So kumusta na kayo ni dadeh Jon? Alam mo ba kung ilang tissue ang naubos ko kakaiyak dahil sa tuwa hanggang makapasok na tayo ng kwarto nung sinabi nyong magsyota na kayo?" Si Kath

"Naka isang box ka dun palang sa sala. Pati tshirt ko iniyakan mo din." Sagot ko.

"Hindi mo kasi alam yung nararamdan ko. Feeling ko nga ako yung pinakamasayang tao nung araw na yun kasi finally nagkatuluyan na kayo." Si Kath na nagsisimula na namang umiyak habang pinapaypayan ang mga mata nya gamit ang kanyang kamay.

"Wag ka na ngang umiyak dyan baka kung anong isipin nung mga tao oh." tingin ko pa sa paligid namin dahil may mangilan ngilang estudyante na rin ang napapatingin samin.

"Hayaan mo na ko, hindi ko lang talaga macontain yung happiness ko para inyong dalawa. Oh ito nga pala, muntik ko ng makalimutan kung bakit ko kayo hinahanap. Teka nasan pala yung jowa mo?" Si Kath sabay abot sa akin ng isang nakatuping papel mula sa bag nya.

"Nandyan sa labas kausap si Alfer." Sagot ko at saka kinuha yung binibigay nyang papel.

"Bakit sila magkausap? Bantayan mo yon Kit baka mamaya sila ang magkatuluyan sa huli." Si Kath

"Gagi."

"Una na ko, may klase pa kasi ako. Galing kay Ken yang sulat." Si Kath sabay tayo na.

Tiningnan ko lang si Kath hanggang sa lumiko na sya palabas ng canteen at hanggang sa hindi ko na sya nakita pa. Pagkatapos ay tinuon ko ang atensyon ko sa hawak kong papel.

Bubuksan ko na sana yung papel ng bigla ko namang maramdaman na may yumakap sa akin mula sa likuran. Amoy pa lang ay di ko na maipagkakailang si Jon yun.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon