Part 8

3.5K 130 21
                                    

Pagkalipas lamang ng tatlong araw ay nakatakda na ang election para sa student council. Nakapag room to room na rin kami sa blocks at departments. Nung una ay nahihiya talaga akong magsalita sa harap ng mga kapwa ko freshmen pero dahil na rin sa tulong nina Kath at Alex ay nagawa ko naman ng maayos. Idagdag mo pa si Jon na pinanindigan talaga ang pagiging assistant ko at ang pangako nyang hindi sya aalis sa tabi ko. Kahit hindi nga sya excuse sa mga klase namin ay sumasama pa rin sya mga activities namin. Present sa lahat ng speech ko sa mga classsrooms. Unang pumapalakpak at sumisigaw matapos kong magsalita kaya nadadala na rin yung ibang mga estudyante dahil sa taas ng energy nya. Mas pagod pa nga sya kaysa sakin pagkatapos eh.

"Bukas election na tol. Excited na ko saka sa wakas makakapahinga na tayo."

Nandito kami sa isang karenderia sa likod ng school.

"Salamat nga pala Jon sa pagsama sama sakin huh. Laking tulong mo lalo na sa mga babae, isang salita mo palang OO na kaagad lahat sila hahaha"

"Atleast may gamit pala tong charm ko para matulungan ang tol ko diba? "

Matigas pa yung kalabasa" sabay luwa nya ng kalabasa na buo pa rin.

"Kuha ka nalang nito oh" alok ko sa kanya ng ulam ko.

"Ano ba yang ulam mo tol? Lagi ganyan inoorder mo."

"Dinakdakan" sagot ko.

"Dinakdakan? As in yung idu-dunk sa ring?"

"Dinakdakan as in tinadtad. Pero di ko rin sigurado, baka yan at atay ng manok tapos suka at sili yung sabaw."

Kumuha naman ng kaunti si Jon at saka tinikman. Umasim pa ang mukha nya dahil sa suka. Ang cute lang haha.

"Parang pulutan naman yan tol" sabay inom ng tubig.

"Ano gusto mo? Pulutan o matigas na kalabasa?"

"Sabi ko nga pulutan, may tinda kaya silang beer?"

"Langya"

Pagkatapos kumain ay diretso na kami sa PE Complex ng University. Sumakay pa kami ng motor para makarating dun, medyo malayo kasi yung PE complex mula sa pinagmulan naming building. Folk and modern dance ang kinuha namin ni Jon para sa PE 1, nung una nga dapat ball games kaya lang puno na at wala na kaming makuhang section.

"3 weeks from now na ang 77th Foundation Day ng University, every year lahat ng year level ay may kanya kanyang representative na section para magperform sa venue. At dahil kayo ang maseswerteng pumili ng Folk and Modern dance PE, ang section nyo ang ipanglalaban ng First Year Educ Daprartment" bungad samin ng PE instructor namin. Nakaupo kami ngayon ng pabilog dito sa gym, malambot naman ang sahig dahil goma, puro salamin din ang harapan at likod namin maliban nalang sa gawing pintuan kayang kitang kita talaga kung hindi ka nakakasunod sa mga dance steps.

"Dapat talaga tol sa ball games nalang tayo nag enroll eh" reklamo pa ni Jon sa tabi ko

"At bago kayo magreklamo pa, dahil kayo naman ang representative, syempre may kapalit naman yung incentives. Additional percentage sa midterm exam. Take note additional percentage not points."

"Sir magsasayaw po ba kami?" Tanong ng isa naming kaklase

"Hindi, baka magswimming at volleyball kayo dun" sagot ni Sir. Patawa din eh.

"Kumuha na ang Department head ng choreographer nyo, mind you class seryoso sya ngayon at gusto nyang manalo ang bawat year level ng educ department. For the past years kasi lagi kayong talunan" tatawa tawa pa si Sir.

"And don't worry about sa costume dahil kung ano ang suot nyo ngayon ay iyan na yon. PE uniform" nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Sir. Naisip ko kasi baka kung ano anong ipasuot samin eh.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon