Part 30

4.4K 191 118
                                    

"May namuong blood clot sa isa sa mga major vein sa utak ng pasyente. Binigay na namin ang initial dose of medicines na kailangan nya but that won't be enough para matanggal ang blod clot. We need to remove the blood clot as soon as possible dahil mas delikado kung kusa syang matatanggal sa pwesto nya at magcirculate sa sistema ng pasyente. Ito po ang consent for craniotomy surgery." Paliwang ng babaeng doktor. Nandito kami ngayon sa labas ng emergency room at 30 minutes na rin ang nakalipas magmula ng madala namin si Jon dito sa ospital.

"Craniotomy?" Si Tita na syang kausap ng doktor. Nandito lang ako sa may gilid at nakikinig sa mga pinag uusapan nila.

"Craniotomy means bubuksan po ang skull ng pasyente to romove the blood clot. The surgery usually lasts for 6 hours. Nilalagay ang pasyente under general anesthesia meaning wala syang mararamdaman during the whole surgery. Sa ngayon unconcious ang pasyente and according to our SOP, kayo bilang parents ang may karapatan para pirmahan ang consent." Dagdag pa ng doktora. Nakita ko naman ang pagtingin ni Tita sa hawak na papel.

"There are risks but the only way para maisalba ang pasyente ay through surgery." Dagdag pa ng doktora.

Lumingon muna sa akin si Tita kaya tumango ako sa kanya ng marahan pagkatapos ay saka nya pinirmahan ang hawak na consent para sa surgery.

Pagkatapos pumirma ay ibinalik na ni Tita ang hawak na papel sa doktor na mabilis naman nitong kinuha at saka iniabot sa katabi nyang nurse.

"Prepare for craniotomy ASAP." Dinig ko pang utos ng doktor.

Parang ang bilis ng mga pangayayari na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Kanina lang nasa school pa kami, nag magic show pa kami, nanakot sa horror house tapos ngayon nasa ospital na kami at ooperahan si Jon sa utak.

Kanina nung bumalik ako sa pwesto namin pagkakuha ko ng dinner ay wala na sya dun sa inuupuan namin. Narinig ko na lang ang sigawan ng ilang tao dun sa may ferris wheel kaya agad akong tumakbo papunta roon. Nakita ko lang si Jon na nakaakyat na at sinusubukang sagipin yung batang nakasabit sa itaas. Nakahinga na ako ng maluwag ng papasok na sya duon sa isang unit na bukas pero parang tumigil ang mundo ko nung makita kong dumulas ang isa nyang paa sa inaapakan nya, kung paano sya nahulog, kung paano tumama yung ulo nya sa isang bakal, kung paano sya bumagsak sa lupa. Sinubukan ko syang saluhin pero hindi ko naman nagawa, masyadong mabilis ang mga pangyayari at ang tanging nagawa ko na lang kanina ay agad syang buhatin para dalhin dito ospital, nung una ay pinipigilan nila akong galawin ang katawan ni Jon dahil baka mas lumala pa daw ang kalagayan nya. Pero nung malaman kong wala na syang malay at hindi na humihinga ay agad ko na syang binuhat at sinakay sa dumaang tricycle. Ayokong paghintayin pa si Jon na dumating ang tulong, ayokong panoorin na lang sya sa harapan ko na walang malay at wala man lang akong ginagawa na kahit anong paraan. Pigil na pigil ang mga luha ko kanina dahil ayokong panghinaan ng loob, alam ko kaya naman ni Jon 'to eh. Malakas sya at hindi basta basta nagpapatalo sa mga ganitong bagay lang.

Habang nasa byahe ay nagpapasalamat pa ko dahil himalana wala man lang syang sugat sa lakas ng pagkakahampas ng ulo nya sa bakal pero mas delikado pala yon sabi ng doktor dahil posibleng nagkaroon sya ng internal bleeding. At ngayon nga ay inihahanda na sya para isang anim na oras na operasyon.

Kanina kinakausap ko rin sya habang nasa tricycle pero parang hindi naman nya ko nariring, wala akong nakukuha na kahit anong response mula sa kanya. Bagsak lang ang katawan nya habang walang malay.

Alam ko naman na malapit ang loob ni Jon sa mga bata pero hindi ko naman inisip na aabot sa ganito ang lahat, na kailangan nya pang mag agaw buhay para masagip yung bata kanina. Wala naman akong sinisisi sa nangyari dahil tapos na yon. Ang importante sa ngayon ay ang mailigtas si Jon. Sa kahit anong paraan kung may maitutulong ako gagawin ko, kung pwede nga lang na ipalit na lang yung sarili kong utak dun sa kanya ay ok lang kung yun naman ang paraan para magising sya ulit.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon