Part 17

3.4K 126 20
                                    

"Tol ano gusto mong gawin ngayon?" Si Jon sabay akbay sakin habang palabas na kami ng classroom.

3pm pa lang at tapos na ang pinaka huling subject namin para sa final exam week ng semester na 'to. Ang sarap lang sa pakiramdam na nairaos na namin ang first sem dito sa college. Ginawa naman namin ni Jon ang lahat para maipasa lang ang mga subjects namin, araw araw kaming nagreview bago pa man ang finals week.

Nakakatuwa lang dahil ngiting tagumpay kami sa tuwing matatapos namin ang exam sa isang subject. Lumalabas kasi yung mga nirereview namin kaya kahit papano ay kumpyansa naman kami na maipapasa namin ang mga exams namin.

Magaan din sa pakiramdam yung isipin na wala ka munang babasahing libro, kakabisaduhing mga terminologies at ico-compute na mga numbers sa susunod na tatlong linggong sembreak.

Finally pwede ko ng i-unload at itaktak sa muna kalsada yung mga excess na laman ng utak ko, feeling ko kasi sasabog na to dahil sa naging paghahanda namin ni Jon para sa finals week eh.

Tapos na yung isang sem, pitong semester nalang gagraduate na kami. Medyo madami pa pala pero kayang kaya yan sabi nga ni Jon.

Bago ang finals week ay nag final meeting narin ang student council para sa matatapos na sem. Nag discuss lang ng mga nagawang projects, mga on-going pa na kailangang tapusin sa second sem. At yung iba hindi ko na masyadong naintindihan dahil binanatan na naman ako ng bunganga ni Kath. Dami nyang plano para sa bakasyon at kasama kami dun. Sinabihan ko nga sya na may balak kaming magtrabaho ni Jon pero sinabihan nya lang ako ng kj.

Tungkol naman kay Alfer, simula nung umalis kami sa lugar nila ay hindi pa rin sya nagpapakita samin. Minsan nagtetext sya ng good morning sakin na sinasagot ko naman ng casual na pagbati na sinasabayan ko na rin ng pangungumusta. Pero hanggang dun lang kasi hindi na sya magrereply. Puro good morning, good afternoon at good night lang amg texts nya. Kahit papano nakakamiss din ang kakulitan at company ng unggoy na yun eh.

Yung sinabi nyang mahal nya ko? Hindi ko na lang masyado iniisip. Ang totoo hindi ko pa nga nababanggit kay Jon ang tungkol sa bagay na yun eh. Hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Natatakot ako na nahihiya.

Basta.

Ewan.

"Ikaw, ano na gusto mong gawin?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang tinatanong ko tol eh tapos ako ang tinatanong mo. Samahan mo muna ko sa CR." Si Jon sabay pasok sa nadaanan naming CR.

Hindi naman ako naiihi pero pumasok na rin ako dahil nakaakbay nga sya sakin at nahila na rin nya ako. Ewan ko ba kay Jon, hindi naman na sya bata para samahan ko sya tuwing magsi-CR sya. Kaya nasanay na rin ako na nagpapasama sa kanya kapag kaylangan ko rin mag CR.

Papasok na sya ng cubicle pero bakit nakaakbay pa rin sakin 'to? Balak nya ba kong isama sa loob sa loob ng cubicle?

Agad naman akong yumuko para matanggal ang pagkakaakbay nya sakin dahilan para mapalingon sya sakin ng nakakunot ang noo.

"Bakit mo tinaggal tol?" Tanong nya sakin.

"Isasama mo ko sa loob?"

"Oo nga no? Hehe sorry" si Jon habang nagkakamot ng batok sabay pasok sa loob ng cubicle.

"Ang tanga mo pre" rinig ko pang saad ni Jon ng makapasok na sya sa loob ng cubicle.

"May sinasabi ka ba Jon?" Tanong ko pa.

Narinig ko na nga eh pero tinanong ko pa rin. Sino ba kasing kausap nya?

Hindi ko na narinig ang sagot nya kaya pumunta na lang ako sa may harap ng salamin, nagbasa ng kamay at saka inayos ang gulo gulo ko ng buhok dahil sa kakasabunot ko dito kanina habang nageexam. Tanungin ba naman kami kung ano ang pangalan ng lolo ng kartun karakter na si Heidi para sa bonus question?

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon