Part 24

3.4K 134 44
                                    

"Ok na siguro lahat 'to, nagdala ko ng mga extrang shirts kasi bukid daw yung lugar kaya sigurado pagpapawisan tayo lagi dun tol. Kasya na ba lahat sa bag mo yan? Malaki pa ang space dito sa bag ko tol. Teka yung sabon mo ba nadala mo na pati yung toothpaste?" Si Jon.

"Diba nasayo yung toothpaste at toothbrush ko? Sabi mo isasama mo na lang sa mga gamit mo." Paalala ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa loob ng tent at kakatapos lang namin sa pangalawang magic show. Ngayon ko palang naaayos yung mga dadalin kong gamit para sa tatlong araw at dalawang gabing immersion namin. Yung gamit naman ni Jon ay kaninang hapon nya pa natapos iimpake at nandito na yung dala nyang malaking bag. Dito na daw sya matutulog para sabay na kaming pumunta sa meeting place bukas ng umaga.

Kanina ay ipinakilala na sa amin ang makakasama namin sa bahay ng foster family namin. 17 years old sya na lalaki na kumukuha ng engineering sa university namin. Katulad ko ay scholar din sya. Hindi pa namin sya ganong nakilala dahil sandali lang yung ginawa naming meet up kanina. Bukas pagalis namin ay makakasabay na daw namin sya. Nakalimutan pa nga namin tanungin kung anong pangalan nya eh.

"Nagtext si Alfer" si Jon sabay abot sakin ng phone ko.

"Binasa mo?" Tanong ko sa kanya ng makitang nakaopen na yung message.

"May mababasa ba ko dyan? Para goodnight lang nakalagay eh. Wag mong rereplyan huh." Si Jon habang tinulungan na rin ako sa pagtutupi ng mga dadalhin kong damit.

Akmang pipindot na sana ako sa phone ko ng bigla na naman nya itong agawin mula sa kamay ko.

"Bakit mo rereplyan tol? Ako nga hindi mo nirereplyan tapos sya isang text lang sasagot ka agad?" Si Jon habang tinatago sa bulsa nya yung phone ko.

"Hindi naman ako magrereply, iseset ko lang yung alarm." Sagot ko at saka nagpatuloy sa pagtutupi ng damit.

"Oh" si Jon sabay hagis sa harapan ko ng hair wax.

"Ubos na pala yung wax mo, gagamitin ko sana kanina kaso wala na palang laman."

Kinuha ko na lang yung hair wax at saka ipinatong sa katabi kong drawer. Hindi ko naman siguro kakailanganin yun sa bukid.

"Tol titimpla muna ko ng milk huh?"

"Sige lang, matatapos ko na rin to."

Matapos maisiksik lahat ng dadalhin kong gamit sa bag ay agad na akong tumayo para sundan si Jon sa labas. Nagpaalaam lang kasi syang kukuha ng mainit tubig pero hindi na bumalik pa.

Magaalas onse na rin ng gabi pero marami pa ring tao dito sa perya. Nakakatuwa lang dahil buhay na buhay ang negosyo at kumikita ang mga kasamahan ko dito. Kakaunti na lang ang mga bata dahil masyado na rin gabi para maglaro pa sila dito.

Agad namang hinanap ng mata ko kung nasaan nga ba si Jon pero hindi ko sya makita. Naglakad lakad pa ko sa paligid ng perya pero wala talaga. Sinubukan ko rin syang hanapin dun sa lutuan ni Nanay pero nakita ko lang yung dalawang baso ng gatas ang na nakapatong sa mesa. Pero wala naman si Jon.

Tatalikod na sana ako para lumabas dun sa kusina ng may marinig akong nagsasalita sa may likod at kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Jon yun. Dahil likas na usisero naman ako ay umikot ako sa may likod at bahagyang lumapit sa nakatalikod na si Jon para marinig kung sino ba ang kausap nya at bakit kailangang dito pa talaga sya makipagusap sa napakatagong lugar.

"Sige po. Salamat."

"Pakitext nalang po sakin yung buong address."

"Opo, sa bank account na lang po ni Mama."

"Sige po salamat po ulit."

Yun lang ang narinig ko sa mga sinabi ni Jon sa kausap nya sa kabilang linya dahil ng maramdaman kong patapos na ang usapan nila ay agad na akong umalis sa lugar na yon.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon