Part 4

4.2K 177 14
                                    

Gabi na naman, ang bilis lumipas ng mga araw. Bukas ay pasukan, start na ng first semester ko bilang freshman sa University na pingarap ko lang na mapapasukan ko noon. Kakatapos lang ng unang magic show ko, meron pa sana mamayang alas diyes pero pinayuhan ako ni Nanay at Kuya Pedring na matulog na lang ako ng maaga para bukas. Natutuwa talaga ko dahil buong buo ang suporta nila sakin para sa pag aaral ko. Halos lahat ng kasamahan ko dito sa perya ay natuwa para sakin ng ibalita kong nagkaroon ako ng scholarship galing sa Mama ni Jon. Alam din naman kasi nilang lahat kung gaano ko kagustong mag aral kaya todo todo ako sa pagtatrabaho. Malapit lang ang university dito sa lugar namin kaya naisip ko na lalakarin ko nalang yung pagpasok at paguwi. Kumpleto na din ang mga gamit ko mula sa libro, bag at kulang nalang yata ay ibili pa ko ng Tita ng lunch box eh. Sabay kaming nag enroll ni Jon nung isang linggo, nagulat nalang ako ng pumila din sya kung saan ako nakapila. Ang akala ko kasi ay ipagpapatuloy nya ang course nyang business management dahil 3rd year na sya kung sakali. Pero nagpa enroll sya sa kursong secondary education, kasama ko. Ang sabi nya hindi naman daw nya talaga gusto ang course nayun. Kinuha nya lang dati dahil sabi ng Papa nya. At nung nag paenroll kami wala daw syang maisip na ibang course kaya gumaya na lang sya sakin. Pareho naman kaming natuwa sa idea na magiging magkaklase kami. Sabay na papasok, sabay na mag aaral, sabay na kakain at sabay na uuwi. Ang dami na nga nyang plano para bukas eh, pinauwi ko nalang sya kanina para makatulog na din sya ng maaga.

Nandito ako ngayon sa likod ng tent namin, nakatanaw sa mababang parte ng lungsod. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sakin, sobrang bilis kasi. Yung nararamdaman kong espesyal para Jon? Nandito parin, hindi nagbabago. Parang mas lumalalim pa nga eh. Pero pinipigilan ko pa rin dahil hindi tama at imposible na magkagusto rin sya sakin.

Mula sa loob ng damit ko ay kinapa ko ang kwintas ko at napangiti. Sa tuwing hahawakan ko kasi to ay ang nakangiting mukha ni Jon ang naaalala ko. Kung paano sya tumawa sa mga jokes ko, kung paano sya mamangha kapag gugulatin ko nakang sya ng magic tricks.

"Kit anak bakit hindi ka pa natutulog diba maaga ang pasok mo bukas?" Si nanay

"Sandali nalang po nay" Lumapit sakin si Nanay at umupo sa tabi ko.

"Anak masaya ako para sayo, diba eto na yung matagal mo ng pangarap? Ayan na, unti unti mo ng natutupad. At saka anak pagpasensyahan mo na rin si Nanay kung kinailangan pang iba yung tumustos sa pagaaral mo, kung hindi kita kayang suportahan.."

"Nay opo masaya ko. Hindi na importante kung hinsi nyo man po ako kayang suportahan sa pinansyal na pangangailangan nay. Malaking bahagi ka ng pangarap ko nay. Ikaw ang inspirasyon ko kung bakit ko guatong makatapos sa pag aaral, para maka hanap ng magandang trabaho. Dahil gusto kitang bigyan ng komportableng buhay nay, kaya wag ka na mag drama dyan nay"

"Basta masaya ko para sayo Kit. Gawin mo din to para sa sarili mo. Gusto kong magkaroon ka ng magandang kinabukasan sa piling ng magiging pamilya mo, ng magiging mga anak mo. Tandaan mo na mahal na mahal kita Kit"

"Mahal din kita Nay" ngiti ko kay Nanay at niyakap ko sya ng mahigpit. Minsan lang kami mag drama pero hindi naman kami ni nanay yung tipong nag iiyakan pa.

"Papasok na ko, sumunod ka na ha?"

"Opo nay"

Muli kong ibinalik ang tingin sa mababang parte ng lungsod. Sa mga ilaw sa poste, sa mabagal na daloy ng trapiko. Parang hindi naman ako makakatulog kahit humiga pa ako. Sobrang excited ko eh. Yung feeling na halo halo yung nararamdaman ko. Excited, kinakabahan. Alam ko hindi naman ako magiisa dahil kasama ko si Jon pero nag aalala pa rin ako pag naiisip ko yung mga magiging kaklase ko. Mamahalin kasi yung university na papasukan namin kaya sigurado mga anak mayayaman ang mga nag aaral duon. Baka hindi ko sila makasundo, baka hindi ko trip ang mga trip nila sa buhay. Worse baka ma bully pa ko pero hindi naman ako papayag dun.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon