Part 12

3.2K 133 29
                                    

Matapos ang mahigit isang oras pang byahe pauwi ay sa wakas nandito na kami ngayon sa University, 5pm at uwian na ng karamihan kaya maraming estudyante ngayon dito sa harapan ng university kung saan huminto ang bus namin.

Pinauna na namin ni Jon na bumaba ang mga kasamahan namin dahil marami rami rin kaming bibitbitin pagbaba ng bus.

"Hey una na ako sa inyo guys" paalam ni Kath.

Tinanguan naman namin sya ni Jon at nakita ko na nginitian naman sya ni Alex sa tabi nya.

Pagkababa namin ay inilapag muna namin ang mga dala dala namin sa isang malapit na bench sabay upo namin sa katabing bakanteng upuan.

"Parating na siguro yung sasakyan tol. Pagod ka na ba? Dun muna tayo bumaba sa inyo para makapag pahinga ka na agad" ngiti nya pa.

Tingnan mo ang isang to, matapos akong halikan kanina parang wala lang nangyari sa kanya, eh ako nga hanggang ngayon lumalakas pa rin ang kabog ng puso ko tuwing maaalala ko yung pag halik nya sakin sa harap nina Kath. Buti nalang at tulog si Alex nung mga oras na yun.

"Huy tol ok ka lang ba dyan?" Alalang tanong nya.

"Ok lang ako, nahihilo lang ako ng konti" sagot ko.

"Nahihilo ka tol? Nasusuka ka ba? Teka kukuha ako ng plastic, nasan na ba yun?" Sabay halungkat sa mga dala dala namin.

"Hindi ako nasusuka Jon"

Napahinto naman sya saka bumalik sa upuan sa tabi ko.

"Akala ko pa naman nasusuka ka, ilalagay ko sana sa plastic. Sabi ni buknoy pwede pa daw ipalaman sa pandesal yun eh"

"Kadiri naman yan Jon, ikaw yata nagtuturo kay Buknoy ng mga ganyang kalokohan eh"

"Good boy toh tol, puro good manners lang ang tinuturo ko kay Buknoy. Nahihilo ka pa ba? Sandal ka muna dito oh" sabay tapik nya sa balikat nya.

Tiningnan ko naman yung balikat nya.

"Sige na, sandal ka muna para hindi ka na mahilo, malapit na rin dumating yung sundo natin" ngiti nya pa.

"Ayoko" saad ko. Sigurado makukuryente na naman ako kapag nagdikit ang mga katawan namin eh. Hindi pa nga ako nakakarecover tapos dadagdagan ko na naman ngayon ang kilig ko sa katawan.

"Bakit naman? Sasandal lang naman para hindi ka na nga mahilo dyan" sabay hawak nya sa ulo ko at inilagay iyon sa balikat nya.

At ayun na nga, nakasandal na ako sa kanya. Syet. Para kaming magsyota sa itsura namin ngayon, idagdag mo pa ang sunset sa harapan namin, kulang nalang lumabas si David Pomeranz mula sa likuran namin sabay kanta ng It Might Be You.

Pangarap ko yun eh. Bakit ba?

Sa pagsansal kong iyon parang bumagal ang lakad ng mga tao sa harapan namin, nakikita kong bumubuka ang ang mga bibig nila, mula sa di kalayuan ay nakikita ko rin ang mga nagdadaang sasakyan pero wala akong naririnig na kahit ano, kahit ang It Might Be You ni David Pomeranz hindi ko naririnig. Tanging ang paghinga lamang namin ni Jon at ang tibok ng puso ko ang aking naririnig.

Ilang sandali pa kami sa posisyon naming iyon ng marinig ko ang pagtunog ng message alert ni Jon. Mula sa pwesto ng ulo ko ay nakikita ko ang harapan ng phone nya, ayoko sanang tingnan dahil personal na bagay ang text message pero nakaharap na sakin kaya di ko na napigilang makibasa.

Nakita ko naman yung wallpaper ng phone nya matapos nya itong i-unlock. Pareho yun nung akin, yung nakaakbay sya sakin sa likod ng university bulletin board na hindi kalayuan sa pwesto namin ngayon.

Pagkabukas nya ng text ay number lang at walang pangalan ang sender kaya medyo na curious ako kung sino yun.

"Ser deto na na ako sa parkeng" basa ko sa text gamit ang isip ko.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon