Part 23

2.9K 117 9
                                    

That's it. I give up.

Sinarado ko na lang ng pagkalakas lakas ang bintana ng makita kong yumakap ang tol ko kay Alfer at saka ako pabagsak na nahiga sa kama.

I know nagulat sila sa ginawa ko at nageexpect na ko na anytime soon ay kakatok na sila dito kaya pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil naguumapaw talaga ang emosyon ko sa mga oras na to.

Oo nagseselos ako.

No, don't get me wrong. Hindi ko sinusuko ang tol ko. Sinusuko ko na ang pagtatago nitong nararamdaman ko para sa kanya.

Mahal ko sya. Hindi bilang kaibigan, kundi mahal ko sya ng higit pa sa isang kaibigan o kapatid.

Pero kailan nga ba nagsimula ito?

Ang alam ko lang galing kami sa psychiatrist ko sa Manila ng gabing yon para sa regular check up ko. I was suffering from post traumatic stress disorder nung mga oras na yun. Ang sabi ng doktor ay medyo nag iimprove na daw ang kalagayan ko at pwede na daw akong iexpose ng paunti unti sa mga tao, sa mga social gatherings halimbawa.

Hindi ko naman inakala na ibababa nila ako sa perya nung gabing yon.

I was hesitant at first dahil ang daming tao at karamihan pa ay mga bata pero wala na akong nagawa ng itulak ako ni yaya papasok sa isang magic show.

Umupo ako sa gitna ng mga excited na bata ng wala sa sarili at hinintay na lang na matapos na ang palabas para makauwi na rin ako.

Hindi ko naman alam na ang gabi pala na iyon ang magpapaikot ng mundo ko. No, hindi pala yung gabi. Yung taong nakilala ko ng gabing yun ang nagpaikot ng mundo ko. Right there sa harapan ko, nakatayo sa isang maliit na stage, wearing a blue bonnet that makes him cool than other magicians.

Nagpalabas sya ng ibon at rabbit mula sa bonnet nya. Old tricks na sa isip ko pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong mamangha sa kanya.

Nakita kong nagsimula ng magpalakpakan ang mga bata sa tabi ko and unconciously ay napagaya na rin ako. Minutes later, natagpuan ko na lang ang sarili ko na aliw na aliw na sa mga magic tricks nya. Tawa na ako ng tawa sa mga jokes nya. Nakakapanibago para sakin na marinig ko ang sarili ko na tumawa ng ganito kalakas after so many months but hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganito ang epekto nya sakin.

At para sa huling act nya, ibinigay nya sa akin ang isang kwintas. May laman yung tatlong crystall balls na katumbas din ng tatlong kahilingan. Sounds childish pero sobrang naniwala talaga ako dun sa binigay nyang kwintas sakin na agad ko pang isinuot. Hindi pa ko nakakalabas ng tent nya ay nakaisip na agad ako ng first wish ko.

Yun ay ang maging kaibigan sya.

For so many months i isolated myself sa mga tao sa paligid ko sa takot na traydurin at talikuran lang din nila ako katulad ng ginawa ng bestfriend at girlfriend ko.

Pero bakit iba sya?

Siguro dahil nakikita ko na mabuti syang tao, na napapasaya nya yung mga bata sa munting paraang alam nya.

Hawak hawak ang kwintas na ibinigay nya ay naghintay ako sa labas para personal na makapag pasalamat sa kanya at para makipagkilala na rin.

At first parang wala syang interes sakin pero dahil na rin siguro sa kakulitan ko ay nakuha ko ang pangalan nya.

Kit.

Kit ang pangalan nya.

Halos hindi pa ko nakatulog ng gabing yun kakaisisip sa mga nangyari sa perya habang pinapanood ko yung kuneho nya na ipinagkatiwala nya sakin na kumakain sa loob ng kwarto ko.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon