SPECIAL CHAPTER VI

3.5K 62 0
                                    

Aabutin ata ako ng sampung special chapter netong kwentong toh. Hindi ko alam kung paano ko paiiksihan. Pasensya na guys! Sana suportahan niyo pa rin ang kwento ko. Salamat sa mga nagbabasa! Love you all❤

-------------------------

Nagising akong may mabigat na nakadagan sa legs ko, magmulat ko ng mata ko si Alex agad ang nakita ko. Totoo nga, hindi nga panaginip na andito siya simula pa kagabi. Napatakip ako sa mukha ko at sa bibig ko. Gusto kong sumigaw sa saya. Naramdaman ko siyang gumalaw kaya bigla akong pumikit ulit. "Goodmorning hon! I know you're awake! So open your eyes." Hinawakan niya iyong pisngi ko and kissed me on my forehead. Sweet gestures of him na gustong gusto ko.

"Goodmorning too. Bangon na tayo para makapag breakfast na. I'm hungry." Tinanggal ko ang legs niyang nakadagan sa akin tsaka tumayo na. May nakita akong bag sa upuan malapit sa kama at pamilyar yun sa akin dahil akin iyong bag pack na yun. Paanong nangyaring nandito toh?

"Zane gave me that yesterday. I didn't know they put your clothes there. Planado pala nila tong mga toh. Iyong booking ng 2 rooms at iyong patulugin ka dito. Iyong friend is crazy you know that kaya huwag ka ng magtaka." Iiling iling niyang sabi. Magaling talaga ang babaeng iyon. I should thank her dahil sa ginawa niya, nakakahiya man pero she gave me more time to be with Alex.

"I know. I'll take a bath first." Tumango siya kaya kinuha ko ang bag ko at dumeretso na sa CR para maligo. Nagmessage si Zane at nasa pool side daw sila for breakfast, plano nga din pala nilang magswimming after breakfast. Hindi na ako sasali sakanila mamaya. Papanuorin ko nalang sila.

After 30 minutes nung natapos ako. Nakaayos na ang kamang tinulugan namin. "Wait for me. I'll take a bath now coz' I don't want to swim later. Then we'll go for breakfast." Pumasok na si Alex para maligo. Saglit lang siya mga 15 minutes natapos na.

Sabay kaming nagtungo sa pool sode at nakita namin sila Zane na nagsimula nang kumain, ang dami nilang inorder na food. "Goodmorning!" "Goodmorning girls!" Sabay naming bati ni Alex. Iyong mga tingin nila sa akin kakaiba. Parang may gusto silang sabihin pero hindi nila matuloy tuloy dahil nandito si Alex sa tabi ko, inirapan ko silang tatlo. "Hala sige! Magsikain ka tayong lahat at akoy gutom na gutom na talaga!" Kumuha ako ng tinapay at naglagay ng butter.

"Gutom ka ba friend dahil napagod ka?" May himig panunukso ni Yana.

"Heh!" Singhal ko pabalik. "Tigilan niyo ako. Wala kaming ginawa kaya kung ano man yang mga iniisip niyo, mali yan. Mali." Depensa ko.

Nagtinginan lang sila tsaka tumawa at nagpatuloy na sa pagkain. Nakakahiya kay Alex na kung anu ano ang iniisip ng mga kaibigan porke natulog kami sa iisang kwarto eh pakana naman lahat ni Zane ang nangyari. Tinignan ko ng matalim si Zane kaya tahimik nalang nilang pinagpatuloy ang pagkain. Ganun din kay Alex na busy sa pagbabasa ng kung ano sa cellphone niya habang nagkakape.

Nang matapos silang kumain ay umalis na silang tatlo para magbihis ng pang swimming, kanina pa daw sila atat na atat maligo kaya nauna na rin silang kumain at hindi na kami hinintay. Napansin kong puro kape lang ang iniinom ni Alex kaya nilagyan ko ng tinapay iyong platong nasa harap niya. "You're too busy on your cellphone! Eat!." Utos ko sakanya.

"Jealous hon?!" Nakangising tanong niya kaya inirapan ko siya ng bonggang bongga. Kahit oo, in his dreams hindi ko aaminin. "I am browsing on google for the places we can visit. I will start working next month, I have a month to enjoy. So what do you think?"

"I will file for a vacation leave too!" Excited kong sabi. Dapat mag lo local leave lang talaga next months, wala pa akong planong umuwi ng Pinas sa susunod na taon nalang.

"Good! Para maipasyal mo ako. I'm so excited!" Halata naman sakanyang excited talaga siya.

"Yeah! Me too! But for now we need to eat so we can go home and take a rest tomorrow we need to go to work. I will file my vacation leave tomorrow as well para sulit ang isang buwan mong bakante. So anong plano mo?" Gusto ko sana mag out of the country iyon kasi ang nasal plano ko dati pa ang magpunta ng Armenia at Georgia.

Medyo matagal siyang nag isip. Nag antay lang ako. "Nothing!" Nag isip pa talaga. Nothing lang naman pala ang sasabihin. "We will see! I don't want to make plans, baka hindi matuloy. Alam mo na ang kasabihan mas maganda ang mangyayari kapag hindi plinaplano."

Tama nga naman. "Okay. Sabi mo eh!"

Tumambay pa kami hanggang before lunch sa pool side at nagkwekwentuhan ng kung anu ano at kung saan kami mamasyal hanggang sa napagod sila Zane at nag aya na silang umuwi.

Nang makarating kami sa bahay ay agad nila akong tinanong kung ano ang nangyari sa amin sa kwarto ni Alex, kwinento ko sa kanila lahat, iyong totogong nangyari at syempre hindi sila naniwala pero wala na akong magagawa. Kung anu ano ang nasa isip nila ka greenan. Pinapaamin sa mga bagay na hindi naman talaga namin ginawa, hanggang sa magsawa rin sila dahil hindi nila makuha sa aki ang gusto nilang sagot.

Sinabi rin nilang masaya sila para sa akin dahil finally daw ay kasama ko na si Alex, naniniwala daw silang kami talaga ni Alex ang para sa isa't isa kaya pag nanligaw daw ay sagutin ko, agad agad. Huwag ko na daw patagalin kasi doon din naman ang punta. Unang una, syempre ayokong umasa kasi baka hindi naman ganun ang gusto ni Alex masaktan lang ako. Kung ano nalang ang mangyari ay yun na yun. 

Masaya akong kasama ko na ulit siya, alam kong madami pa kaming pagdadaanan, kung sakali mang maging kami nga talaga in the future I will be the luckiest girl. Pero ang dami ko paring kinakatakutan mas lalo sa family niya.

Ang advance ko na mag isip, hindi pa nga nanliligaw iyong tao.

Pagod pa rin ako at puyat, gusto ko nalang matulog magdamag. Naglinis ako ng katawan tapos nahiga sa kama ko, ang dami ko nanamang iniisip. Kung ano ang pwedeng mangyari sa amin ni Alex ngayong nasa malapit nalang siya.

Nakatulugan ko na ang pag iisip. Nagising nalang ako nung naramdaman kong may sumusundot sa mukha ko, si Ayen pala, ginising ako para mag dinner. Pagtingin ko sa orasan 8PM na, 5 hours, ang tagal kong nakatulog baka hindi na ako makatulog mamaya.

Tinatamad aking bumangon sa kama hindi na ako nagabalang ayusin kahit iyong magulong buhok ko. Nagtatagal pa ako ng muta sa mata nung palabas ako ng kwarto. Pagtingin ko sa dining table at nandoon na sila Zane at Yanang tatawa tawa at biglang lumitaw si Alex na nakangiti sa akin para akong tangang tumakbo sa loob ng kwarto at tinignan ang sarili sa salamin. Mukha akong bruha! Walangyang Ayen hindi man lang sinabing andito si Alex. Nakakahiyang nakita niya akong ganto ang hitsura. "Xia! Labas na! Gutom na kami. Kain na tayo, si Alex nagluto!" Sigaw ni Zane.

Tinali ko ang buhok ko tsaka ako lumabas. Umupo ako sa tabi ni Alex. Nilagyan niya ang plato ko ng pagkain. Hindi ako nagsasalita dahil sa kahihiyan ko kanina. "Eh kung dito nalang kaya tumira si Alex, friend. Tutal parang aaraw arawin naman ata ang punta niya dito eh tsaka para may magluto, sarap ng foods oh!" Mukhang sarap na sarap nga silang tatlo. "What do you think?" Tanong ni Yana.

"Hindi pwede! Kumain na nga lang kayo. Kung anu anong sinasabi niyo. Gutom niyo lang yan!" Tahimik na rin akong kumain. Masarap nga ang mga niluto ni Alex, lagay siya ng lagay sa plato ko kain naman ako ng kain.

Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta akong ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Inayos nilang tatlo ang table at naglinis. Nang matapos sila tsaka naman ako nagsimulang maghugas. Tumabi sa akin si Alex. "I will help you." Nagsimula niyang banlawan ang mga nasabunan ko na. "Thank you. Thank you for helping me and cooking food for us." Tinignan ko siya at ngumiti. "It's nothing." Sagot niya. "Can we go out for a date soon?" Ansabeh? Date daw? Dahil sa gulat ko at kinilig talaga ako tumango tango ako ng paulit ulit na ngiting ngiti.

Date! Date! Date! Soon!

One Night with a Korean Guy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon