1 month 2 weeks nalang before my flight! Ambilis naman ng araw. Kung kelan naman nag e enjoy na ako tsaka parang bumilis iyong araw.
Mamaya na iyong first date namin ni Alex, na e excite na kinakabahan nanaman ako. Bakit ba?! Pag kay Alex na, sobrang nahihiya talaga ako. Feeling ko dapat perfect ako, ayokong maging pangit sa paningin niya although sinabihan niya naman ako before na "Just be my self" daw pag kasama ko siya. Pero di pa rin eh, naiilang at nahihiya pa din ako.
Nakahiga pa din ako sa kama at nag iisip kung ano ba iyong susuotin ko. Nakakastress naman! May 3 hours pa naman ako kasi 11am pa kami magkikita. Late na nga ako natulog kagabi ang aga ko pang nagising. Gigisingin ko nalang si DD. "Ui, gising na! Need your help! Please help me naman DD."
Di niya ako pinapansin, kainis naman tong babaeng to kahit kelan ang hirap gisingin. Niyugyog ko siya ng paulit-ulit. Bahala siya jan, kelangan ko ng tulong niya, magalit man siya sa akin ngayon wala akong paki alam.
Medyo natagalan ako sa paggising sakanya mga 5 minutes siguro ang nakalipas bago siya nagmulat ng mata. "Xia naman. Ang aga pa oh! Patulugin mo muna ako. Parang awa mo na. Sobrang inaantok pa ako!!" At pumikit nanaman siya.
"Deee naman! Kelangan ko nga ng damit! Magkikita kami ni Alex mamaya. First date toh! First date! Kaya tulungan mo na ako. Sige naman na. Please!" Pagmamakaawa ko sakanya niyayakap yakap ko pa siya.
"Aish! Xia naman! Naman! Kahit na anong suotin mo, keri mo na. Natural na maganda ka kaya be at your best nalang. Matutulog na ulit ako. Parang awa!" Nagtalukbong na siya! So wala! Wala din lang siyang naitulong sa akin. Bahala na nga. Bahala na talaga!! Maliligo nalang muna ako.
After kong maligo naghahalungkat na ako ng damit na susuotin ko. Almost 1 hour na ata akong naghahanap, ang sakit naman sa ulo neto! Grrr! 1 hour 40 minutes nalang to prepare, kumusta naman iyon.
It's been one hour, natapos din ako. Naka jeans lang ako and simple shirt. Haha. Eh bakit ba, be your self nga eh. Sabi nga nila "Simplicity is beauty" so better be simple. Tinali ko ung buhok ko and put on make up. Kahit simple, maganda pa rin!! Habang nakatingin ako sa salamin.
15 minutes before 11 noong dumating si Alex, as expected ang gwapo nanaman niya kahit napaka simple ng suot niyang damit, siya na talaga. "Hi, goodmorning Xi!" bati niya sa akin nang makapasok siya sa apartment namin.
"Goodmorning din!" pinaupo ko siya saglit. Magpapaalam pa ako kay DD at iyong bag ko di ko pa tapos ayusin. After 10 minutes bago ko binalikan si Alex "Let's go. I'm sorry kung napag antay kita."
Tumayo na siya at inayos iyong pantalon niya. "It's okay. I was just too excited so i came 15 minutes early. Let's go." Pinauna niya ako lumabas ng bahay at siya na ang nag lock ng pinto. Kinuha niya iyong bag ko at siya na ang naghawak. Weeh? Gentleman!?
Nang makasakay na kami sa sasakyan niya tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain. Sinagot ko nalang siya na siya na ang bahala, tutal nagugutom na ako kasi di din ako nakapag almusal. Sana lang bilisan niya ng makarating na kami sa paroroonan namin.
10 to 15 minutes travelling nang makarating kami sa isang korean resto. Umorder siya ng paborito kong pagkain, ang samgyupsal. Meron ding kimchi at kimbab. Ewan ko na kung ano iyong mga pangalan nung iba pa niyang inorder. Madaming foods at natatakam na talaga ako.
"Alex, let's eat. Actually, gutom na gutom na talaga ako. I didn't eat my breakfast. So pagpasensiyahn mo na kung mapaparami ang kain ko. Hehe." Walang hiyang sabi ko. Eh sa nagugutom na talaga ako eh.
Tumawa naman siya at inayos iyong mga kakainin namin. Siya ang nagluto nung samgyupsal at nilalagyan niya iyong plate ko. Kain lang ako ng kain, bahala siya kahit na ano ng isipin niya. Matakaw talaga ako. Hindi ko siya kinakausap habang kumakakain ako, ganito lang talaga ako ayaw paistorbo mawawalan ako ng gana. "Hey! Baka may balak kang uminom ng tubig. Baka mabilaukan ka. Ngumunguya ka pa ba o lunok nalang ng lunok. Hahahaha." Tatawa tawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
One Night with a Korean Guy (EDITING)
RomanceNang dahil sa curiosity ni Xia sa pagkakaroon ng one night stand at dahil na din sa influence ng gay friend niya, nagawa niya iyon. Pero ang sabi niya sa sarili niya "hindi ako nagsisisi, dahil nag enjoy ako.. hahahaha" and the guy was korean.