Umupo ako sa tabi ni DD nung napagod ako sa pasimpleng kalilinga kung nasaan na si Alex. "Ano o orderin mo beh?" Tanong ko sakanya.
"Oh bakit parang malungkot ang maganda? Haha." Pang aasar nanaman niya sa akin.
"Tantanan mo nga ako DD, baka di kita matantsa di na kita isasama sa susunod" Pananakot ko.
"Siyempre joke lang po. Ikaw naman di na mabiro. Oh sige na order na tayo. Babalik din iyon don't yah worry"-DD
"Sige na. Sige na. Orderan mo nalang ako. Iyong di tayo magkapareho para share tayo."-Ako
"Sige. Stay put ka lang dyan! Ako na bahala."-DD
Tumahimik nalang ako at nag antay ng order. 10 minutes na, di pa din siya bumabalik. Baka umuwi na siya. Nagugutom na din ako. Then suddenly dumating iyong waiters dala iyong foods. Kaso iyong akin, wala pa. "Ang daya! Bakit iyong akin wala pa. Sabay-sabay lang naman tayong nag order ah. Nagugutom na rin ako. Kuya pa follow up naman nung order ko! Please po." Tahimik lang iyong mga kasama ko sa table na nakatingin sa akin. Then after a while may nag abot sa akin nung food ko. At nagulat ako dahil ang nag abot ay si Alex with roses again na color pink. Ayiiiee. Kinikilig nanaman ako! Ngumiti lang ako then kinuha iyong plate at nilagay sa mesa then kinuha ko ulit iyong roses sakanya.
Lumipat si DD ng upuan at umupo si Alex sa tabi ko. "Hi there! Missed me?" Tanong niya.
"Kapal! Hindi din. Anyway, thank you sa roses. Favorite ko iyong pink" Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"I know. Haha. Madami akong sources about sayo. Kain na tayo, alam ko din na you're hungry na." Inayos niya iyong food at nilagyan niya iyong plato namin. Then we started to eat.
"Thanks"-Ako
"Guys, since matagal naman na tayong di nakakalabas. Tarang RL to drink after here. Maaga pa naman. Lahat sasama walang KJ. Intindi??"-Pat
"Sure! Sige! Okay!" Sabay sabay na sagot nilang lahat.
We're enjoying the food nung nagsalita ulit si Pat "Guys, do you know that Alex knows how to play the piano. Ah no! He's good at it. Go Alex, why dont you give it a try?" Pangungumbinsi niya.
Give it a try daw! Nanaman.. Ansabe?! Parang may pinapahiwatig tong mga toh. And then Alex stand up and walked towards the piano. Tumingin muna siya sa amin then nagsalita sa mic. "Hey Pat! Pagbibigyan kita pero hindi ito libre. Ikaw ang magbabayad ng bills natin tonight. Dito at sa RL later."
Tumawa ng malakas si Pat "Iyon lang ba men? Sure. Haha. Iyon lang pala eh. Galingan mo dyan nang hindi ako mapahiya. Pinagmamalaki pa man din kita bespren! Hahahaha"
"This is for my friends!" Turo ni Alex sa table namin. "Especially to the girl who's wearing red dress, this is for you Xi. Listen!"
Ayiiiee! Yan nanaman ang mga banat niya. Namula ata ako ng bongga doon ah. Yumuko ako at ngumiti ng wagas at tsaka inangat uli iyong ulo ko para tumingin kay Alex. Then he started playing Beautiful in my Eyes. Ghaaaad!! Siya na may magandang boses. Perfect na talaga. Matalino na, talented pa. Papable pa. Nasakanya na ang lahat. Give it a try na nga. Bahala na.
Nung natapos siyang tumugtog lumapit siya sa table namin at tumayo sa harap ko. Di ko siya pinansin kasi akala ko uupo na siya Nahihiya pa din ako eh. Pero nanatili pa din siyang nakatayo. Nung hindi parin siya umuupo, tinaas ko iyong ulo ko para tignan siya at nakakangawit kaya, matangkad siya eh. "Eh, ano pang ginagawa mo? Bakit di ka pa umupo? Umi eksena ka pa dyan? Di pa ba tapos moment mo?"
"Xia, I'm serious when i told you a while ago that lets give it a try. Can you give me a chance and then lets give it a try? Wala naman masama diba, malay mo mag work out." Sabi niya. Hala! Ansabe? Ansabe?
LOOOOOOOAAAAAAADIIIIIINGGGGGG!!!
Ay potek! Bakit hindi na ako makapagsalita. Oh please! Baka ma misinterpret niya ako. Baka sabihin niyang ayoko. Utak gumana ka na!
"Okay! If you're not yet ready its okay with me. I can wait. Huwag lang masyadong matagal ha. We don't have enough time na." Sabi niya. Oh my ghad!
Kainis! Kainis! Alex!!!! Hindi mo ba alam iyong Slience means YES!! Tumango nalang ako. Then iyong mga kasama namin parang disappointed sila sa akin. Pati si DD tumingin lang sa akin tapos iiling iling. Wala naman akong ginawang masama. Hindi lang ako nakasagot kaagad kasi nga nagloloading pa sa utak ko iyong mga sinabi ni Alex.
Hanggang ngayon nga nasa PROCESSING palang.
Ano nalang mangyayari niyan.. Baka maghanap na ng iba si Alex.....
Pero hindi!! Kung talagang seryoso siya konti man iyong pabahong natitira sa amin, mag aantay siya. Di naman ako oa hard to get. Napipipi lang talaga ako pag si Alex na ang kumakausap sa akin. Mas lalo pag ganitong topic na, wala na akong masabi.
Give it a try?
Am i willing to take the risk if i'll give him the chance?
Less than 2 months nalang o!!
Bahala na. Bahala na talaga....
BINABASA MO ANG
One Night with a Korean Guy (EDITING)
RomansaNang dahil sa curiosity ni Xia sa pagkakaroon ng one night stand at dahil na din sa influence ng gay friend niya, nagawa niya iyon. Pero ang sabi niya sa sarili niya "hindi ako nagsisisi, dahil nag enjoy ako.. hahahaha" and the guy was korean.