Almost lunch time when i woke up, sobrang sakit ng ulo ko. Napansin kong mag isa nalang ako sa kwarto at may naririnig akong ingay sa sala. I get from bed at pumunta ng CR, inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.
"Goodmorning Xia!!" Masayang bati nilang lahat sa akin.
"Goodmorning din! Pasensya na, ako pala pinaka late na nagising. Ang sakit ng ulo ko, may pain reliever ba kayo?"-Ako
May inabot sa akin si Alex na gamot. "Before taking the medicine, you eat first." Inabutan niya ako ng plate.
"Sige. Thank you." Nagsimula na akong kumain. At habang kumakain ako ng pancit canton with sunny side up eggs, nakatingin lang sila sa akin. "Ano? Kung makatingin kayo. Anong meron?" Tanong ko sakanilang lahat.
"Wala naman. Pinagod ka ba ni Alex kagabi?" Seryosong tanong ni Pat.
"What? Shut up Pat. Walang ganun. You and your dirty mind. Kumain ka na nga." Si Alex ang sumagot.
"Uy, uy! Masyadong defensive bespren. Di naman ikaw ang tinatanong ko ah. Bakit ikaw sumagot. Oo at hindi lang din ang sagot. So Xia, ano na?" Tumingin ulit siya sa akin at inaantay ang sagot ko.
Napaiwas naman ako ng tingin bago sumagot. "Hindi"
"Weh! Di nga? Iyong totoo! Nagsisinungaling ka eh! Aminin."-Pat
"Sinagot ko na nga, di ka pa maniwala. Gusto mo kwento ko iyong nangyari para di kung anu ano yang iniisip mo Pat!"-Ako
"Sure! Tutal tapos na kaming kumain. Magkwento ka na habang kumakain ka."-Pat
"Ish! Nakakadiri iyon nangyari. Bahala kayo. Makinig kayo, para malinawan yan utak niyong kung anu anong iniisip." Habang nakatingin kay Pat.
FLASHBACK
"Last nalang. Please."-Alex
Ako na humalik sa kanya sa lips. Smack lang. "Goodnight na." Nahihiyang sabi ko.
Hinawakan niya iyong chin ko then he looked straight into my eyes. Linapit niya iyong mukha niya sa mukha ko then he told me "thank you so much" and he kiss me. He's kissing me in my lips. Nung una nakadampi lang ng matagal then he started deepening the kiss. Nadadala ako kaya gumanti ako sa paraang alam ko. Sinusunod ko kung anong ginagawa niya.
D*amn! It feels so good to be hugged and be kissed by him.
Masarap sa pakiramdam, nadadala ako. He put his hand on my nape and he positioned my head. Humigpit iyong yakap niya sa akin. He started to kiss my neck, at sobrang nakikiliti ako. Napahigpit iyong yakap ko sakanya. His hands rubbing on my back that makes me shiver.
I put my hand on his chest and the kiss went on and on. Naramdaman ko nalang na nakataas na iyong t shirt na suot ko hanggang sa may tyan ko. "Alex! Alex! Stop!" Sinusubukan ko siyang itulak.
"Why? Ayaw mo ba?" He stopped for a while and then started to kiss me on my neck again.
"Alex! Ano ba?!" Tinulak ko na talaga siya ng mas malakas kaya tumigil siya.
"Im sorry Xia. Nadala lang ako. Di ko sinasadya. Im sorry. Im sorry." At niyakap niya akong mahigpit.
"Ok lang iyon. Ano ka ba?!" Sabi ko nalang para lumayo siya sa akin. Masyadong mahigpit iyong yakap niya sa akin at hindi na ako makahinga.
"Ok lang pala. Bakit tayo tumigil?" Lumapit nanaman iyong mukha niya sa akin.
"Bukod sa may kasama tayo dito sa kwarto mo. Sobrang nasusuka na ako. Kaya bitaw na para makapunta na ako sa banyo. Parang awa. Baka gusto mo, dito nalang ako sumuka. Nilisan mo." Bumitaw naman agad siya sa pagkakayakap sa akin. Tumayo siya at inalalayan niya akong tumayo.
"Napaka wrong timing naman niyan Xi. Sayang. Ok lang naman pala sayo." Tinignan ko siya ng masama. "Syempre joke lang. Eto naman. Make it fast so you can sleep and take a rest. Sa susunod huwag kasi masyadong uminom." Sermon niya pa.
"Oo na. Oo na. Labas na. Okay na ako. Mag toothbrush lang ako." Tinulak ko na siya palabas. Naghilamos ako at nag toothbrush. Medyo nahimasmasan ako doon. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin sabay hawak sa lips. "Muntik na iyon ah!" Sabi ko sa sarili ko.
Nakahiga si Alex paglabas ko ng banyo, tumabi ako sakanya. "Lets sleep Xia, its almost 3am na." Hiniga niya iyong ulo ko sa braso niya at niyakap niya ako. He kissed me on my forehead and whispered "goodmorning Xia. Sleep well." Then everything became peaceful. Nakatulog akong di ko namalayan habang nakayakap sakanya.
END OF FLASHBACK... Hindi ko lahat sinabi sa kanila syempre. Especially sa kissing scene.
"Hahahahahaha!" Tawa ng tawa si Pat "Kadiri ka. Buti napigilan mo. Nasukahan mo sana si bespren. Hahahaha."
"Shut up Pat!" Saway ni Zoe. "Kain ka lang ng kain Xi, huwag mo pansinin yan si Pat. Nag iimagine nanaman kasi ng kung anu ano. Wala kasing kasama kagabi." Pang aasar niya kay Pat.
"O di sige. Kayo na ang may mga katabi kagabi." Nagtatampo kunwaring sabi niya kay Zoe. "Dito nalang ulit tayo matulog mamayang gabi. Ubusin natin iyong alak na natira. Sayang eh."
"Kayo nalang. Uuwi na ako mamaya."-Ako
"Wala toh! KJ talaga kahit kailan. Sige na Xi, ngayon lang tayo makakapag bonding ng matagal. May mga darating kasi kaming mga kaibigan, mas madami na tayo mamaya mas masaya kaya huwag ka ng KJ dyan."-Pat
"Wala akong damit alangan namang hindi na ako magbibihis."-Ako
"Susunod daw si DD dito. Sunduin nalang namin sa town mamaya kasi imi meet ko un pinsan ko kasi kukunin ko din iyong damit namin."-Zoe
"Sige na nga. Dito na din matutulog si DD."
Madaming nangyari ng gabing iyon at sobrang nag enjoy ako, actually kaming lahat. Nalasing ang lahat at kanya kanyang pwesto kung saan maabutan ng antok dun na matutulog.
Hindi ako masyadong uminom ganun din si Alex. Nang makatulog ang lahat nagdecide kaming magpahangin sa labas ng apartment nila.
"Xia, i'm leaving soon. I will surely miss you. For the short time I spent with you, i learned to love you. I love you Xia and i'm serious. Alam kong mahirap paniwalaan kasi nga chickboy daw ako. Pero totoo talagang mahal kita."-Alex
Nagulat ako at di ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumahimik lang ako. Hinawakan niya iyong kamay ko, hinayaan ko lang siya. Matagal kaming nakatayo at di nag uusap habang siya ay nakahawak lang sa kamay ko. Masarap sa pakiramdam na hawak niya ang kamay ko. Hay Alex, kung alam mo lang. Sobrang mamimiss din kita pag balik mo ng Korea. Mahal na nga din ata kita, natatakot nga lang ako sa pwede nating kahinatnatnan.
"Tara na sa loob. Ang ginaw na at inaantok na din ako."-Ako
Hinila niya ako at niyakap. "Let's stay this way for a while, kahit 5 minutes lang. Please!"-Alex
Niyakap ko din siya. "I'll miss you Alex." Then he kissed me on my forehead. "Tara na sa loob. Antok na talaga ako." Hinila ko na siya papasok.
BINABASA MO ANG
One Night with a Korean Guy (EDITING)
RomanceNang dahil sa curiosity ni Xia sa pagkakaroon ng one night stand at dahil na din sa influence ng gay friend niya, nagawa niya iyon. Pero ang sabi niya sa sarili niya "hindi ako nagsisisi, dahil nag enjoy ako.. hahahaha" and the guy was korean.