Body Shot

8.4K 106 4
                                    

10AM. Paggising ko, ako nalang mag isa sa kwarto kaya bumangon na ako at dumeretso sa banyo para mag ayos. Nagugutom ako kaya binilisan ko ang galaw ko at tumungo papuntang kusina.

Pagdating ko doon ay natahimik ang lahat. Malamang tinutukso nila si Alex dahil sa maling iniisip nila sa amin. "Goodmorning Xia!" Bati ni Prey at Tin.

"Goodmorning din. Bakit di niyo ako ginising?" Tanong ko sa kanila.

"Baka kasi napagod ka kagabi eh. Kaya di ka na namin ginising. Hehe" Sagot ni Pat kaya binatukan siya ni Alex. "Joke lang. Eto namang si bespren! Ayaw ka ipagising ni Alex kasi baka pagod ka nga raw! Hahaha!" Tinignan ko si Pat ng masama at muntik nanaman siyang batukan ni Alex. "Joke lang ulit!" with peace sign.

"Kain ka na Xia. Di ka na namin ginising kasi baka mabitin tulog mo sasakit ulo mo. Kakagising din lang namin."-Prey

"Ah! Ganun ba? Buti nalang, walang hangover. Ayoko na ulit uminom ng ganun."-Ako

"Bakit Xia? Muntik na ba? Hahaha."-Pat

"Shut up Pat! Pauwiin na kita eh!" Singit ni Alex kaya tumahimik si Pat sa pang aasar. "Kumain ka na. Coffee, you want?" Tanong niya sa akin.

"Sure. Thank you." Tumayo siya at nagtimpla ng kape. Kumain na ako para matapos agad dahil sobrang nagutom talaga ako.

"Stay ulit tayo dito tonight guys?" Tanong ni Prey.

"Uuwi na ako mamaya." Sagot ko.

"Grabe Xia. Magstay ka nalang muna. Lets enjoy pa. Last nalang ngayon. Bukas na tayo umuwi."-Tin

"Oo nga Xia, para masaya si Alex"-Zoe

"Wala akong pagbibihisan. Pwede bang umuwi nalang muna. Babalik nalang ako."-Ako

"Tinawagan ko na si DD kanina. Sabi niya di pa daw uuwi mama niya. Andun pa daw sa apartment niyo. Baka bukas pa daw uuwi. Pinadalhan ka nalang namin ng damit na pagbibihisan mo."-Prey

"Talagang wala akong lusot ah. Kayo na gumawa ng paraan para wala akong mairason pang iba."-Ako

"Xempre naman. Dapat laging ready. Hahaha."-Pat

Natapos ang pag aasaran at paguusap ng kung anong mga gagawin namin sa araw na to. Nang matapos akong kumain si Pat at Alex ang nagayos ng table at naghugad ng mga pinagkainan namin.

"Paano pala makukuha iyong damit ko kay DD?" Tanong ko kay Prey.

"Punta sila mamaya sa town para bumili ng pagkain natin. Imi meet din nila iyong mga pinsan namin para kunin iyon pinadala naming damit."-Tin

"Okay. Pwede bang matulog muna? Inaantok pa ako eh."-Ako

"Sige lang. Iyon din ang plano namin eh. Pero mamaya pa kami matutulog pagkalabas nung tatlo. Mauna ka na kung inaantok ka pa talaga."-Prey

"Sige. Mauna na ako. Paki gising nalang ako pagkagising niyo. Salamat." Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa couch at pumunta sa kwarto ni Alex. Pagdating ko doon ay andun si Alex, nahiya tuloy ako bigla dahil sa nangyari kagabi.

"Anong gagawin mo? Don't tell me matutulog ka ulit?" Tanong niya.

"Eh kung oo. Inaantok pa ako eh." Asar kong sagot.

"Eh magbibihis ako dito mamaya eh. Baka makita mo."-Alex

"Tulog na ako pagkatapos mo maligo kaya wala akong makikita. Magtatalukbong ako at tatalikod sa'yo kung gising pa ako. Hay naku!"-Ako

"Ok. Ok. Matulog ka na."-Alex

"Paki bilhan naman ako pizza pagbalik niyo. Kahit anong flavor basta pizza. Salamat." Humiga na ako sa kama niya. "Balik din kayo agad, para makaligo na ako. Iyong damit ko kasi kukunin niyo kay DD. Salamat ulit."

Lumapit siya sa akin at kinumutan ako. "Sure, no problem. Pizza lang ba?" Tumango ako bilang sagot. Pumikit ako para alam niyang matutulog na ako. Hinalikan niya ako sa noo tsaka ko narinig na sinarado niya iyong pinto ng CR.

Nagising ako sa mga pangangalabit sa akin ni Prey. Di pa ako kontento sa tulog ko eh! "Oh bakit?"

"Gising ka na. Isang oras ka ng tulog. Nakaalis na sila Zoe."-Prey

"Isang oras palang? Inaantok pa ako. Tulog ulit ako."-Ako

"Mamaya na Xi. Kwentuhan muna tayo. Kwento mo kung anong nangyari sainyo ni Alex kagabi. Napasarap tulog ko eh. Wala akong narinig. Hehe."-Tin

Sinasabi ko na nga ba eh! Naiintriga tong mga to sa amin. "Walang nangayari. Ok? Wala talaga. I swear." Nakatingin lang sila sa akin na parang di naniniwala. "Wala talaga promise!"

"Weh! Iyong totoo kasi."-Tin

"Totoo nga. Wala talaga. Kiss lang. Ok na ba? Wala talagang nangyari. Pwede na ba ulit akong matulog? Please."-Ako

"Sige. Mamaya ikwekwento mo na ng buo ha. Matutulog din muna kami."-Prey

"Oo sige." Nagatalukbong ulit ako. Natulog si Prey sa kabilang kwarto at si Tin sa tabi ko.

Almost 4pm na nung nakabalik sila Pat. Dalawang box ng pizza iyong binili nila at madaming chips. Binigay ni Alex iyong bag ko. "Bakit ang dami naman ata netong damit ko?"

"Ewan ko kay DD, sabi niya magpa ampon ka na daw kay Alex. Haha. Kaya yan medyo naparami binigay niyang damit mo."-Pat

"Baliw talaga iyon. Maliligo muna ako."-Ako

"Sige. Aayusin lang namin toh taz movie marathon tayo."-Zoe

"Boring!!! Shot ulit taz game ng truth or consequence!"-Pat

"Nanaman. Wala ng bago?"-Alex

"Mamaya na pagusapan kung anong lalaruin. Truth or consequence muna. Maligo na kayo!" Pagtataboy sa amin ni Pat.

Pumunta ako sa kwarto ni Alex para maligo. Pagkatapos ay pumunta ng sala. Nakaayos iyong mga pagkain at alak sa center table. Nanunuod sila habang umiinom. Naupo ako sa tabi ni Alex at nakinuod.

Pagkatapos nung pinapanood namin almost 7pm na. Naginuman at puro pang aasar ni Pat ang nangyari. Naglaro ng kung anu ano.

Natapos ang larong truth or consequence na 3 bote lang ng alak iyong naubos namin. Mejo malakas na talaga iyong tama ng alak sa akin at medyo nahihilo na ako at sumasakit na iyong ulo ko.

"Let's try new one!" Suggestion nanaman ni Pat "Para maiba. Game kayo?!"

"Di mo pa nga sinasabi kung ano yang new one mo, tinatanong mo na kami kung game kami?"-Zoe

"Body shot! hahahaha!" Ang lakas pa ng tawa niya. "Exciting right?!" Tahimik lang kaming lahat na nakatingin sa kanya. Kakaibang trip, nababaliw na ata to! "Game na! Game na! May tequila akong dala sa bag." Sabay tayo at pumunta sa bag niya.

"Wow, di ka prepared ha!"-Zoe

"Hindi masyado. Kuha na kayong salt and lemmon. Bespren, bahay mo toh.. Kaya kuha ka na." Utos niya kay Alex.

Tumayo si Alex at pumunta sa kusina. "Come with me Xia." Kaya tumayo narin ako. Masakit sa legs iyong naka squat ng matagal.

Pagbalik namin isang bote ng asin iyong dala namin at sangkaterbang lemmon. Inabot niya kay Pat. "Ayan na po kamahalan ang inyong ipanakuha. Isaksak mo sa baga mo. Kainin mo lahat yang lemmon na yan. Siguraduhin mo."-Ako

"Galit-galitan ang Xia! Smile na para mas gumanda ka!" Pang aasar niya sa akin pero di ko siya pinansin. Umupo ako sa sofa dahil sobrang antok na talaga ako.

"Tseh! Tigilan mo ako Pat, inaantok na ako. Di nalang ako sasali dyan. Panoorin ko nalang kayo."-Ako

"Lahat sasali. Walang excuse! Di ka malalasing neto Xia. Mag eenjoy ka. Hahahaha!"-Pat

"Whatever! Kahit naman ipipilit kong ayaw ko, di ka din lang papayag for sure! Sige na, umpisahan na yan para makatulog na." Lumapit ako sa tabi ni Alex at umupo.

One Night with a Korean Guy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon