Umit

1.4K 55 5
                                    

Bob 😕

Mauubos na ni Bob ang pulutan nilang barbeque at french fries ay di pa rin bumabalik si Gaize sa mesa nila sa Fishing Village. Magta-tatlong oras na siguro silang naroon at makailang beses na ring naputol ang kanilang usapan dahil sa tawag at mga text ni Reese. Kulang na lang na sabihin niya na pasunurin na lang niya iyong dyowa niya para di na ito mahirapan.

Pero for sure, siya ang magsa-suffer pag ginawa niya iyon. Baka maghyper-ventilate pa siya. Pag nagkataon, di niya hahayaang magkasarilinan iyong dalawa. Ang sarap pa naman ng hangin na nasasagap niya doon sa pwesto nila sa may tabing dagat. Heto si Reese at sinisira na naman ang pagkakataon niya.

Muli niyang nilagok ang SMB. Nakakarami na rin sila ni Gaize ng order. Pareho silang mataas ang alcohol tolerance. Kaya nga nagkakasundo sila pagdating sa inuman. Sana lang ay makiayon din ang kanilang mga atay sa pag-inom nila.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa. Si Adrian ang tumatawag. Sinagot niya iyon habang nakatutok ang kanyang mata at pinapanood si Gaize na paroon at parito ang lakad habang kausap si Reese.

"Pare, napatawag ka."

"May good news ako sa iyo Tol." Puno ng enthusiasm at energy si Adrian. Baka nga good news. Ano naman kaya ang ibabalita ng pahamak niyang katrabaho?

"Sigurado kang good news iyan?"

"Siguradong-sigurado. Tol, inurong na ni Carlee ang demanda niya sa iyo. Kababalita lang ni Dianne sa akin. O di ba, magandang balita nga?"

Totoo nga pala ang lahat ng narinig niya kay Gaize kaninang umaga. Di naman sa nagdududa siya dahil narinig na nga niya ang recorded converstation nina Gaize at Carlee. Ang pinagdududahan niya ay kung ano ang aksyon na gagawin ni Carlee. Pwede kasing kunwari ay napapayag ito ni Gaize pero sa huli naman pala ay itutuloy pa rin nito ang demanda.

Dahil sa nangyari nga ay napatunayan niyang tuso at manggagamit si Carlee. Tamad pa. Iasa ba naman sa mga nabibiktima nito ang ikabubuhay. Talaga namang may kakaiba sa babaeng iyon. Hinding-hindi na talaga siya padadala sa mga babaeng kamukha ni Gaizelle.

"Totoo?" Sumagot siyang parang di niya inaasahan ang nangyari. Galing niya talagang umarte. Pwede na rin siyang mag-artista. "Hindi ka talaga nagbibiro?"

Nakita niyang sinipa ni Gaize yung basurahang malapit sa kinatatayuan nito.

"Oo. Pumunta na si Carlee sa office of the prosecution at ipina-kansel na raw ang demanda niya sa iyo."

"Hindi naman sa ayaw ko itong nangyayari pero gusto kong malaman kung bakit niya ginawa iyon. May idea ka ba?"

"Wala nga e. Nakakapagtaka. Kahit itong si Dianne ay nagulat sa ginawa ng kaibigan niya. Baka naman na-realize niya na hindi naman talaga siya pinilit kaya nagbago ng isip."

"Totoo namang di ko siya pinilit. Siya pa nga ang umakit sa akin tapos kakasuhan niya ako ng sexual assault?"

Malutong na tawa ang pinakawalan ni Adrian. Nakita niyang papalapit na si Gaize na nakabusangot. Sa hakbang pa lang nito ay siguradong kakapit ang away pag di napigilan ang galit nito.

"Ingat-ingat na lang sa susunod. Baka ipatawag ka na ni Boss sa Lunes."

"Sige Pare. May aayusin lang ako."

"Basta siguruhin mo lang na maaayos iyan at di panibagong gusot."

"Sira-ulo." Pinindot na niya ang end call button.

Nakabalik na si Gaize at padabog na hinila ang upuan sabay upo at tungga sa isang bote ng beer.

Ibinaba niya ang cellphone sa mesa. Pinanood si Gaize habang nilalaklak iyong beer. Napailing si Bob.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon