Gaize
Patuloy ang lakas ng ulan habang tumitindi ang kaba sa dibdib ni Gaizelle. Dinala siya ng agent sa loob ng isang van sa di kalayuan sa labas ng warehouse. Matapos siyang iwan doon ay umalis rin kaagad ang naghatid sa kanya at bumalik sa bakbakan. May nag-abot ng tuwalya pagka-upo pa lang niya sa van at iyon ang ibinalot niya sa sarili pamatid ng lamig.
Naroon ang ilang agent na siyang nagra-radyo sa mga kasamahan. May nakita siyang aparato na mukhang gamit sa komunikasyon ng team. Lumapit siya sa lalaking nag-o-operate ng makina.
"Makikita ba d'yan ang lagay ng mga agents?" Tanong niya sa medyo chubby pero mestisong lalaking operator.
"Oo narinig ko! Copy." Sagot nito sa kausap sa headphone. "Yes, Ma'am," baling nito sa kanya.
"Kung ganon puwede mo ba akong bigyan ng update kung anong kalagayan ni Chief Aguilar?"
Nangunot ang noo nito. "He's fine Attorney. But it will help me so much if you would let me do my job and be quiet for a while. We are doing our best to complete this mission." Bumalik na ito sa ginagawa na parang hindi siya naghihintay sa matinong sagot nito.
"Pasensiya na." She is just worried to her friend. Kung normal na araw lang iyon ay makakatikim ito sa kasungitang ibinigay sa kanya. Ngunit, nasa gitna ito ng isang misyon at ang abalahin nga naman niya sa trabaho sa kabila ng putukan ng baril ay di makatarungan.
At least she heard him that he is safe. Lumipat siya ng pwesto sa dulo ng van. Sumiksik siya sa sulok at nanalangin.
Diyos ko...alam mong mula ng naguluhan ako sa pagkatao ko ay dumalang ang tawag ko sa iyo. Pero naririto ako ngayon at nagpapakumbabang humihiling na iligtas mo ang kaibigan ko. He's done so many things for me. He is a good person. Please protect him.
She is fully aware that Bob's profession is very dangerous. Tuwing may misyon ito, palaging nasa hukay ang isang paa. Pero ngayon niya lang napatunayan kung gaano kadelikado pala talaga ang trabaho nito.
Bumukas ang pinto ng van. Nagulat siya at napahigpit ang hawak sa silya sa takot na baka natunton sila ng kalaban.
"Attorney.. nandito na ang sasakyang maghahatid sa iyo sa safe house." Isang babaeng agent pala ang dumating. "Tara na at aalis na tayo."
"Ngayon na?" Nabigla pang tanong niya. Ang akala niya kasi ay doon siya maghihintay sa kahihinatnan ng operation.
"Oo. Mas ligtas ka kung doon ka muna."
"Salazar, nagkakaproblema ako sa connection. Iyong sattelite natin baka nagalaw," sabi ni Agent Chubby.
"Sige, ipapasilip ko. Tara na Attorney!"
Wala ng nagawa si Gaize kung hindi ang sumunod doon sa babaeng agent. Sinundan niya ang pagtakbo nito at sa di kalayuan ay natanaw niya ang isang itim na kotse. Doon nga ito nagtungo. Binuksan nito ang pintuan sa likod para makapasok siya. Dumiretso naman sa unahan si Miss Agent para makaupo.
"Let's go Vargas." Umandar nga naman ang kotse.
"Calling Alpha Unit... Check the satellite connection in the main office. Now! This is an emergency for Operation Cobra.... Okay... Call Santiago in the unit. Thanks.." Narinig ni Gaize na may kausap si Miss Agent. Di nga lang niya sure kung sa cellphone o sa radyo ba iyon.
"Miss, may impormasyon ka ba kay Chief Roberto Aguilar?"
Hinarap siya ng babae. "Attorney, sanay si Chief sa trabahong ganito. Kaya huwag kang mag-alala. Siguradong, ligtas iyon. Ilang operation na rin naman ang dinaanan niya kaya for sure maning-mani sa kanya ito. Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang muna. Siguradong di biro ang dinanas mo sa kamay ng sindikato."
BINABASA MO ANG
The Great Seduction
AdventureSuntok ba sa buwan ang magmahal ng babae na babae rin ang gusto? Si Bob, guwapo, successful chief inspector, mapagmahal, ladies drool over him pero malungkot. Very much willing na mag-travel back and forth kahit pa sa Mars kung ang kapalit nam...