Pagkakataon

1.1K 44 8
                                        

Gaize

"Order in the court! Order in the court!" Sabi ni Judge Mario Agoncillo habang nagkakainitan ang magkabilang panig dahil sa testimonya ni Charmaine Mondejar. "We will resume after 3 days."

Pilit na kinokontra ni Attorney Del Mar, abugado ni Red Tuazon ang salaysay ni Charmaine tungkol sa mga nalalaman nito.

Tinanguan ni Gaize si Charmaine sa witness stand. Matapos ang mga ipinagtapat nito ay nagwala si Red kung kaya't nagkaroon ng kaguluhan. Nang bumalik si Charmaine sa puwesto nila ay bakas ang pag-aalala sa maamo nitong mukha.

"Good job Charmaine." Masayang bati niya sa babaeng artista nang makalapit.

"Thank you Attorney." Sagot nito pero ang mata ay nakatuon kay Red habang hinihila ng security palabas ng korte.

"Sa tingin ko ay magiging mabilis ang kaso. First day pa lang mabigat na agad ang ating mga ebidensiya at statements." Masayang pahayag niya sa dalaga. "You're doing the right thing, Charmaine. Don't you ever feel burdensome."

Ilang araw niyang pinaghandaan ang hearing. Sinamantala na niyang mag-concentrate sa trabaho habang sick leave sa bahay. Pinadala niya kay Joonie sa condo ang mga gamit niya sa office para doon na muna magtrabaho. Wala namang nagawa si Cyrus nang kausapin niya ito para magbakasyon.

Habang sa bahay siya namamalagi ay naroon din si Bob. Ang sabi nito ay pinayagan ulit itong magbakasyon hanggang sa ma-resolve ang kaso niya.

"Sana nga magkatotoo iyang sinasabi mo. Gustong-gusto ko ng umuwi." Malungkot na tugon ni Charmaine.

"Huwag kang mag-alala. Maayos din ito." Tinapik pa niya ang balikat nito.

"Ipapahatid ko muna si Charmaine sa safe house at saka tayo tutuloy sa ospital." Sabat ni Bob nang makalapit ito sa kanila.

"Sinungaling ka Charmaine! Sinungaling ka!" Nagwawala pa rin si Red. Paulit-ulit nitong sinasabi hanggang sa mailabas ng korte.

She saw Charmaine holding back her tears while looking at Red. She can't help but form a deep sigh on the heaviness of the mood.

"Let's go Charmaine." Sabi ni Bob sa dalaga bago ito tumingin sa kanya. "Wait for me here."

Tinanguan niya ito at nagsimulang linisin ang mga dokumentong dal na naroon sa mesang itinalaga sa kanila. Di pa rin kumportableng kumilos na may cast pero nasanay na rin siya. Tatanggalin na rin naman iyon mayamaya. Konting tiis na lang. May ilang kakilala ang lumapit sa kanya at nakipag-usap sandali hanggang sa makabalik si Bob.

Sa sasakyan na nito sila dumiretso. Ito na ngayon ang driver niya, bodyguard, assistant minsan secretary o researcher. Napakarami nitong ginagampanan sa buhay niya. Pakiramdam nga niya nakadepende na sa lalaki ang lahat sa kanya. Nang dahil doon, pinilit niyang isantabi na baka kaya best foot forward ang kaibigan ay dahil sa damdamin nito sa kanya.

"Hindi man lang nagsisisi ang Red na iyon sa mga kabulastugang ginawa niya." She sensed Bob's anger while driving on their way to Makati Med.

"Ipupusta ko ang lisensiya ko na nagsisisi rin iyon kahit konti. Hindi pa nga lang niya matanggap kasi umaasa pa siyang makakalusot." Sagot niya habang nakatingin sa labas ng kalsada.

Kahit ilang araw na ang dumaan matapos ang confession nito, parang normal din naman ang kanilang turingan. Maliban nga lang na madalas niyang nahuhuling nakatitig ito sa kanya, mas attentive at mas vocal sa mga pagpaparamdam ng feelings.

She tried to act naturally. Binabara na lang niya kapag dumada-moves o nagpapahaging. Dinadaan niya sa biro ang lahat. It worked naman for them pero di niya maitatanggi na may kakaibang awkwardness sa pagitan nila. Aminin man niya o hindi, may nagbago sa relasyon nila.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon