Gaize
"Ms. Lariosa, proceed po tayo sa visiting room."
Napukaw ang atensyon ng kinakabahang si Gaizelle nang tawagin siya ng warden sa pinaghihintayang pwesto para sa request na pagbisita sa isang bilanggo.
Urong-sulong si Gaize mula pa kanina nang malaman kay Bob ang address ng kanyang ama.
Nagbakasakali lang naman siya na sasagutin nito ang text kahapon. Actually, nagpapansin lang siya. Naisip niyang gawing dahilan ang tungkol sa ama niya para mag-reply ito. It worked.
Hindi agad siya nakapaniwala nang makuha ang address. Inisip pa niyang baka nagbibiro si Bob at gusto siyang gantihan.
Bilibid sa Muntinlupa? Totoo ba iyon?
Tinawagan niya agad ito pero ini-off na ang cellphone.
Siya na rin ang nag-conclude na kapag tungkol sa kanyang ama, alam ni Bob na walang biro doon. She realized that Bob will not stoop down that level just to make a revenge. He could be hurt and jealous but these kind of information especially about her father should not be brought up. Di nga ba't ito ang nakahanap kay Raul Salcedo? Pangalan lang ang ibinigay niyang impormasyon at ito na ang trumabaho sa iba pang detalye. Kaya imposibleng magbiro ito o gusto siyang pasakitan. They have a fight as lovers but he can't be that insensitive as a friend.
Speaking of Bob, pinapahirapan talaga siya nito. Well, siguro naman mag-boyfriend pa rin sila.
Misunderstanding lang naman iyon at di pa naman sila nagbe-break. Hindi pa rin kasi sila nagkakaayos mula nang gabing iyon.
Sinundan niya si Bob pagkatapos sila nitong makita ni Reese pero mabilis itong nakawala sa kanyang paningin. Pinuntahan rin niya ang condo unit nito sa pagbabakasakaling doon didiretso.
Alam niya ang passcode ng pintuan kaya naghintay pa siya sa loob. Ngunit inabot na siya ng umaga ay di naman ito umuwi. She could have gone to his office. But up to now, she doesn't know the location of his agency. Poor Gaizelle. A very useless girlfriend.
Mental note, alamin ang exact address ng office ni boyfriend.
Bumalik siya kina Bob kinabukasan pagkagaling sa opisina. Inabutan niya ang cleaning lady na si Ate Mira. May sarili itong taga-linis ng bahay at taga-laba ng damit. Sa totoo lang, mas magara at mas malaki ang unit ni Bob kumpara sa unit niya. Nabanggit ni Ate Mira na ilang buwan na nga raw na di umuuwi doon ang kanyang boss.
"Medyo matagal yata yung renovation na ginawa kaya di muna siya umuwi dito." Natatandaan pang sabi niya.
"Naku Ma'am, e last year pa huling nagpa-renovate si Sir, di ba? Iyong pinagdagdag na guestroom sa taas."
"Ang sabi niya may pinagawa siya kaya kinailangan niyang makituloy muna," giit pa niya.
"Hindi talaga Ma'am. Araw-araw akong naglilinis dito nitong nakaraang tatlong buwan at wala naman akong nakitang gumagawa dito," pagpatuloy pa ni Mira.
Nabigla tuloy siya. Hindi kaya't gawa-gawa lang ni Bob ang sinabing renovation dahil nga sa nagbabanta sa buhay niya.
Hay naku Bob! He always has his ways to protect her. Even if his own convenience suffered.. most especially his life. Itataya nito para lang maprotektahan siya.
Patong-patong na tuloy ang guilt sa puso niya.
At ngayon nga na galit ito sa kanya dahil kay Reese, lalo tuloy na-miss niya ang nobyo. Two days with a fight gave her a very heavy heart. Dalawang araw pa lang iyon. Paano pa pag tumagal?
Ayaw pa nga niyang harapin ang ama noong una silang nag-attempt ni Bob na puntahan ito. Di naman kasi nito sinabing nasa kulungan pala. Sino ba naman ang hindi mag-aalala kung bakit nasa kulungan ang taong posible ngang kanyang ama? Dumoble pa ang mga nagliparang tanong sa isip niya. What the hell happened to him?
BINABASA MO ANG
The Great Seduction
AventuraSuntok ba sa buwan ang magmahal ng babae na babae rin ang gusto? Si Bob, guwapo, successful chief inspector, mapagmahal, ladies drool over him pero malungkot. Very much willing na mag-travel back and forth kahit pa sa Mars kung ang kapalit nam...