Nabigla

1.1K 44 4
                                    

Bob

Kahit sobrang pagod at antok na antok na ay nilabanan ni Bob iyon habang nagdi-dinner. Masarap ang hapunang inihanda ni Naynay Rita para sa birthday nito. Mabuti na lang at nasa opisina pa siya kanina nang ito ay tumawag. Kung hindi ay baka nilamok na iyon sa bus station.

Tama, dalawang linggo na ngang di siya nagpapakita kay Gaize. Nasaktan siya sa sinabi nitong nagkabalikan na ito at si Reese for real. Kahit naman on and off ang relasyon ng dalawa, kailanman ay di niya pinaniwalaan na magtatagal iyon. Lalo pa at maharot si Reese. May hinala rin siyang ginagamit at pinaglalaruan lang nito si Gaize.

Pero noong sinabi nga ni Gaize na nagkabalikan na sila for good at may isang buwan na rin silang hindi nagkakatampuhan ay naalarma na siya.

Baka nga sa pagkakataong ito ay totoo na silang dalawa. Na baka nga this time na-realize na ni Reese na mahalaga rin Gaize sa kanya.

Ilang gabi siyang di nakatulog. Tiniis niya ang sariling di kausapin at makita ang love of his life. Kaya lang nang umabot na ang isang linggo ay di na rin niya natiis at patago niyang inabangan si Gaize sa pag-uwi sa condo. Kahit masakit, dahil nakikita niyang kasama nito si Reese minsan pag-uwi ay kinakaya niya.

Tanga nga kasi siya... Martir pa.. Matagal na niyang alam iyon. Hanggang kailan ba siya magiging ganito?

Nagsimula na siyang humakbang palayo sa pintuan ng unit ni Gaize nang mapansing may isang kahon na kasinglaki ng sa sapatos ang nakahara sa daraanan niya. Nakabalot ng manila paper at may nakasulat na Attorney Lariosa sa ibabaw.

Dulot ng pagiging imbestigador ay umiral ang pagiging mausisa niya. May tamang lugar na lalagyan ng package ang mga tenant sa condo. Hindi pwedeng basta iwan lang sa harap ng pinto ng unit. Imposible rin namang nalaglag o naiwan ito ni Gaizelle kanina dahil di nito ugali ang mag-iwan ng mga bitbitin sa pintuan kahit gaano pa iyon karami.

Inangat niya ang kahon, ineksamin at sinipat. Mukha namang normal. I-e-enter na sana niyang muli ang passcode sa pintuan para maipasok ang kahon nang may napansin siyang gumagapang sa isang panig ng box na hawak niya. Maliwanag naman ang hallway kaya kitang-kita niya iyong gumagapang. Medyo namamasa pa nga ang ilalim ng package nang mahawakan niya. Nang papalisin na niya iyong gumagapang ay kanyang napagtanto na isa pala iyong uod.

Bakit naman kaya may uod ang kahon?

Di kaya pagkaing nabulok ang laman noon?

Kung ganon pala ay mas kailangan na niyang ipasok sa loob ang package. Muli niyang tinipa ang passcode. Pero bago pa niya mai-enter ang huling numero sa birthday ni Naynay Rita ay nag-ring naman ang kanyang cellphone. Tumatawag si Steve. Mabilis niyang pinindot ang answer call button. Baka ito na iyong hinihintay niyang tawag kanina pa.

"Anong balita Steve?"

"Sir, may bagong operation si Red. Si Senator Barcelon ang bago niyang kliyente."

"Ano pa ang impormasyong nakuha mo Steve?" Naglakad na siya ng malalaking hakbang palayo ng bitbit ang kahon.

"Ngayong alas dos daw ang palitan ng drugs sa Passage Inn. Maghahanda ba tayo Sir?"

"Ano ang assurance ng impormasyong ito?" Pumasok siya ng elevator sabay pindot patungong basement kung saan naroon ang naka-park ang sasakyan niya.

"Siguradong-sigurado ito ayon sa informant," sagot ng kausap niya.

"Hindi natin ito pwedeng palampasin. Saan ang location ng Passage Inn?" Tanong niya.

"Sa Paranaque Sir, malapit sa airport."

"Tawagan mo sina Ric, Marvin at Gimo. Ako na ang bahala sa iba pang team. Magkita tayo sa Almers."

Isang bilyaran ang Almers na malapit sa airport. Kilala niya ang may-ari at pwede nilang hiramin ang isang silid doon para gawing base.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon