Gaize
Eating ice cream is always a perfect activity to end a day for Gaize.
But eating ice cream alone now made her realized that consuming it by herself is depressing.
Nasanay na rin kasi siyang kumain nito na kasabay si Bob kahit pa noon na doon ito umuuwi sa sariling condo .
It's been two weeks since he went to that mission.
Panay "OK", "K", "I'm fine" lang ang mga text nito sa kanya. Every other day pa. Hindi naman sa nagde-demand siya na i-text nito araw-araw o kada-oras. Iyon man lang malaman niya kung kamusta ba ito roon sa Palawan o kung successful ba ang operation nila ay sapat na sa kanya. Ganon naman ito dati. Kahit nga wala siyang balak alamin kung nasaan ito ay nagte-text out of the blue at ipinapaalam kung ano nangyayari sa buhay nito.
Ganon ba kahirap ang signal sa Palawan? Di man lang makatawag at di man lang makapag-kwento ng mahaba-habang mensahe!
Inisip na lang niya na baka top secret mission para matuldukan ang mga tanong sa utak niya.
Kaya dahil sa inis niya ay napangalahati tuloy ang isang pint ng salted caramel ice creamhabang nagpapalipat-lipat ng channel sa TV.
She's very frustrated today. Bumlik na si Cyrus from Cebu at kinausap na naman siya nito kanina to drop Red's case. Nakukulitan na siya kay Cyrus pero hindi pa rin nagbibigay ng rason. Pakiramdam niya ay may pinagtatakpan ito. Naiintriga tuloy siyang alamin kung ano iyon. Magsisimula na ang hearing next week at hindi na talaga siya pwedeng mag-backout pa. Unless siguro ma-tigok na lang siya at wala ng choice ang panel kundi ang palitan siya.
Nakaka-bwisit pa iyong isang kliyente niyang paulit-ulit na nagpa-follow-up at minamadali pa ang report na hinihingi e wala pa naman ang mga detalye ng assets na kailangan niya.
Dahil it's the time of the month din, pati puson niya ayaw makipag-cooperate. Ito talaga ang parte ng pagkababaeng hate na hate niya. iyong hormones niya tuloy, di na naman malaman kung sino ang pag-iinitan. Since wala nga si Bob, si Joonie tuloy ang nasigawan niya kanina nang makalimutan nitong magpa-reserve ng restaurant para sa client meeting niya.
Poor Joonie.
Hiyang-hiya siya sa nagawa. Bukas na lang siya magso-sorry.
Sinilip niya ang kanyang cellphone na nagpapahinga sa tabi niya sa sofa. Wala namang bagong text. Kahit si Naynay Rita ay di rin nga natuloy na lumuwas ng Maynila para sa birthday celebration niya dahil may business trip daw sa Baguio.
Nailipat niya sa isang boxing fight ang channel. Naisip niya tuloy na pwede nga pala siyang mag-boxing doon sa fitness center sa ibaba. Ibubuhos na lang niya roon ang init ng ulo kaysa dito sa ice cream. Kaya ibinalik niya sa freezer ang ice cream at nagpalit ng gym outfit.
Bababa siya sa fitness center kahit pa alas d'yes na ng gabi. Twenty four hours naman iyon na bukas.
Nagulat pa siya nang makita si Danny pagbukas ng main door na naroon pa pala.
"Bakit di ka pa umuuwi?"
Hitsurang nagulat rin ang junior agent nang makita siya. "Hinihintay ko pa iyong kapalit ko Attorney. Malalagot ako kay Chief kapag nalaman niya na hindi ko nahintay iyong night duty. May pupuntahan ka?"
"Nagkakausap ba kayo ni Bob?" Takang tanong niya.
"Oo naman. Every two hours nagpapa-update iyon kung anong nangyayari sa iyo?"
Naningkit ang mga mata niya. Seryoso ba itong si Danny? Siya nga hindi man lang mai-text ng isang complete sentence tapos every 2 hours pa palang kausap si Danny!
BINABASA MO ANG
The Great Seduction
AdventureSuntok ba sa buwan ang magmahal ng babae na babae rin ang gusto? Si Bob, guwapo, successful chief inspector, mapagmahal, ladies drool over him pero malungkot. Very much willing na mag-travel back and forth kahit pa sa Mars kung ang kapalit nam...