Puyat

1K 33 3
                                        

Bob

Dumiretso si Bob sa kanyang silid. Hindi na niya pinansin si Reese. Naisip niya na bakit ba siya matataranta at matatakot kung sabihin man nitong lumabas silang dalawa. Kung talagang matibay ang friendship nila ni Gaize ay di ito dapat maniwala ng hindi siya kinu-kumpronta. Confident siyang lohikal mag-isip si Attorney at di padadaig sa feelings kay Reese.

Kung dumating man ang pagkakataon na kailangan ng confrontation, malinis  ang kanyang konsensiya.

Inilabas niya ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Gaize.

Kung lalabas kayong dalawa ni Reese, kailangan kasama ako!

Mabilis na nag-reply si Gaize.

Don't worry. I don't have plans of going out. May hearing pa ako bukas. Dito daw siya matutulog.

Nakahinga ng maluwag si Bob sa reply ng kaibigan na di na ito lalabas. Nakakabigla lang na makikitulog si Reese ngayong gabi. Sa kabilang banda, baka naman dati na itong nag-sleepover at di lang niya alam. Hay naku! Bago pa makulot ang utak niya ay kinuha na ang kanyang tuwalya para mag-shower. Narinig pa niyang nagku-kwentuhan ang dalawa nang lumabas siya ng silid at nagpunta sa banyo.

Presko na ang kanyang pakiramdam nang binalikan sina Gaize sa kusina. Naroon na  ang pizza na in-order niya for dinner.

"Kain na Bob!" Bati ni Reese. Ngiting-ngiti pa na kumakain sa mesa pati na rin si Gaize.

Naglabas muna siya ng beer sa ref. "Gusto n'yo ng beer?"

"Sige," rinig niyang sagot ni Gaize.

Tatlong boteng SMB ang inilapag niya sa mesa.

"Hon, kulang pa itong pizza. Order ka pa. Chicken din sana. Please..." Nakakairita ang lambing ng boses ni Reese para utusan si Gaize.

"Ako na lang ang mag-o-order," prisinta niya.

"Sige Bob.... Paki na lang." Nakangiting sagot ni Gaize. "Gamitin mo na ang phone ko." Inabot nito ang cellphone sa kanya.

"Huwag na. I-redial ko na lang yung number sa phone ko."

Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay ni Reese habang paalis siya. Ano kayang iniisip ng babaeng ito?

Bumalik siya sa kanyang silid at tumawag sa pizza house. Di niya kasi nabitbit iyon kanina nang lumabas. Thirty minutes pa raw bago dumating.

Matapos ang tawag ay doon ulit siya sa kitchen at nakiupo kina Gaize. Kumuha na rin siya ng isang slice ng pizza.

"Bob, sa iyo na iyan. Ang takaw kasi ni Reese." Inilapit nito ang kahon  na may dalawa pang slice ng pizza.

"Dito ka pala tumutuloy ngayon Bob." Si Reese na nakatingin sa kanya.

"Yup. Ilang araw lang naman." Sumulyap siya kay Gaize na abala sa pagkagat sa pizza. "Habang nire-repair iyong unit ko."

"Boarder ko iyan.. Dagdag kita rin." Sabay tawa ni Gaize. "Ilang araw daw ba gagawin ang pag-repair?"

"Two weeks." Talagang ini-script na niya sa utak ang mga tanong na ito. Dasal lang niya na huwag naman sanang magawi si Gaize sa condo niya. At the back of his mind, imposibleng mangyari dahil nakabantay siya at si Danny sa mga pinupuntahan nito. Mukhang safe siyang mag-assume na di siya mabubuko roon.

"Mabilis lang naman pala. Mabuti nga iyon may kausap ako dito sa bahay. Basta siguruhin mo lang na di ka mag-uuwi ng babae dito ha. Huwag mo namang gawing motel ang bahay ko."

Sarap sanang pakinggan na nagseselos si Gaize! 

"Bakit Hon, babaero ba itong best friend mo?" Nakataas na naman ang isang kilay ni Reese nang balingan niya. Mayamaya pa ay hihilahin na niya ang kilay nito pababa. Akala mo kung sinong magaling!

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon