Bob
May bahid ng dugo ang kamay na ipinampunas ni Bob sa kanyang labi. Di na siya nagtakang nasugatan sa lakas ba naman ng impact sa pambabato ni Gaize.
Nang tingnan niya ito sa tapat, namumutla itong nakatingin sa kanya. Kita ang takot at pag-aalala sa mga mata. May phobia sa dugo si Gaize. Specifically, iyong dugo na nagmula sa taong nasugatan. Agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng suot na pantalon at tinakpan ang bahagi ng mukhang humahapdi.
"Bob! Ang daming dugo!" Tinakpan pa ng kanang kamay nito ang bibig.
"Alam ko. Kasalanan mo ito." Nabasa agad ang panyo. Di sapat ang tela para ampatin ang
likido.
"So-sorry. Magpunta na tayo sa ospital." Bakas ang kaba sa boses nito. Bagama't nag-aaya nga sa ospital ay di naman gumagalaw para makaalis na sila.
May traumatic experience si Gaizelle na naikwento nito. Noong seven years old pa lang ito ay nakasaksi ng krimen at sa mismong harapan binaril iyong lalaking kapitan daw sa probinsiya ng mga ito sa Nagcarlan. Bumaha raw ng dugo sa sahig at iyon ang pinagmulan ng takot ni Gaize sa dugo.
Nakikipaglaro si Gaize sa mga kakilalang bata sa playground ng plaza. Katapat ng barangay hall ang playground. Dahil siguro sa ingay ay pinuntahan amg mga ito ni Kapitan upang sawayin. Mayroon daw meeting sa barangay hall at di raw magkarinigan dahil sa ingay nila.
Paalis na dapat si Gaize nang may humintong motorsiklo sa dadaanan sana at pinagbabarilsi Kapitan. Ilang linggong di nakapagsalita si Gaize.
"Di ko sinasadya. Bob, tumutulo iyong dugo..." Sabay yuko at umiwas na ng tingin.
Pinulot niya iyong tissue holder at kumuha ng tissue papers para idagdag sa panyong nakatakip na. "Tumayo ka na d'yan at samahan mo ako sa clinic!" Ramdam niya na pinagtitinginan sila ng ilang customers. Buti na lang at kaunti pa ang naroon.
Nakatungo pa rin si Gaize. Mukhang ito pa yata ang madadala niya sa ospital kaya kumilos na siya. Patatayuin na sana niya ito nang may lumapit na staff ng coffee shop. Nakatagilidsiya noon dahil aalalayan na niyang tumayo si Gaize.
"Sir! Sir! Congratulations!"
Congrats daw! Saan? Sa pagkakatama ng tissue holder? Mukhang clueless iyong babaeng crew.
"Nanalo po kayo ng overnight stay for 2 sa Island Cove dahil kayo po ang pang one thousandth customer na nag-order ng mango cheesecake! Ito po ang voucher." Sa gilid ng mata ay nakikita niyang may inaabot ang babae.
"Seryoso ka?" Humarap na siya ng tuluyan.
"Ano pong nangyari sa mukha n'yo Sir?" Gulat na tanong nito.
"Konting aksidente lang kaya kailangan na naming umalis. Pasensiya na." Pagtataboy niya. Ayaw na niyang makipagtalo pa.
"Sir, pasensiya na rin po pero ibibigay ko lang po ito at may papipirmahan pwede na po kayong umalis. Kahit sandali lang. Sayang naman po ito. Mapapagalitan po ako pag di ko naayos itong trabaho." Nagmamakaawang sabi ng babaeng crew na si Gelai. Nakalagay sa kanyang nameplate.
Pagkakataon nga naman! Sa tanang buhay ni Bob ay di pa niya naranasang manalo kahit pa sa ending ng basketball o sa raffle sa mga christmas parties. Ngayon pa lang. Ngayon pa lang habang dumudugo ang nguso niya.
Tahimik na pinapanood siya ni Gaize. Si Gelai naman mukhang iiyak na. Kung sa takot bang mapagalitan o dahil din sa dugong nakikita? Ano ba naman ito? Napapalibutan siya ng dalawang babaeng kailangang i-console.
Naawa naman siya kay Gelai kaya tiniis na muna ang sakit at mabilis na pinirmahan ang logbook. Umalis kaagad sila ni Gaize at nagtungo sa malapit na diagnostic clinic na naroon din sa kanilang building. Buti na lang at bukas na kaya nalapatan agad ng lunas ang kanyang nguso.
BINABASA MO ANG
The Great Seduction
AdventureSuntok ba sa buwan ang magmahal ng babae na babae rin ang gusto? Si Bob, guwapo, successful chief inspector, mapagmahal, ladies drool over him pero malungkot. Very much willing na mag-travel back and forth kahit pa sa Mars kung ang kapalit nam...