Bob😁
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan ...
Napapangiti si Bob habang naririnig ang kanta sa car stereo. Syempre naman pag mga tibong usapan, unang-una na sa listahan niya ang kanyang best friend/girlfriend na si Gaize.
Big accomplishment talagang maituturing sa buhay niya ang mapaibig ang mailap, maganda at matalinong si Attorney Gaizelle Regina Lariosa!
Who would have thought that this day will come? Fresh na fresh pa sa memory niya ang ginawa nito sa mall last week na pinakilala siya sa security guard at sa mga ilang tao pang nakasalubong nila na kung di niya pinigilan ay mukhang tototohanin nito ang pagpapakilala sa kanya sa publiko as her boyfriend. So sweet of her.
But then, the so called first date did not push through dahil biglang pinatawag si Gaize ng prosecution team sa kaso ni Red at natagalan pa ito roon. Kaya tuloy ginabi na sila at papasara na ang mga mall. Ang ending ng araw nila noon, isang dinner sa pinakamalapit na fast food chain at umuwi na pagkatapos.
That was last week. Ang bilis lumipas ng araw. Pareho pa silang abala sa kanilang mga career. Nag-resume na rin ang hearing ni Gaize sa kaso ni Red. Ang balita nga niya ay malapit na ang final verdict. Nagkasunod-sunod rin ang kanyang meeting sa mga prospect clients. Kailangan niyang makapagsara ng projects para maka-survive ang kanyang ahensiya. Good thing, he was able to close Project Firebird. Investigation sa mga anumalya ng kumpanya ang magiging trabaho nila. Sisimulan na rin niya ang pagha-hire at training ng mga security personnel.
Ganon siya ka-busy. Sa condo naman, halos di sila magkita ni Gaize dahil tulog na ito kapag nakauwi na siya. Si Naynay Rita pakiramdam niya may nalalaman na dahil palaging gwardyado si Gaize at doon pa natutulog sa room ni Gaize kahit may sariling kwarto naman. Di nga nito hinahayaang mapag-solo silang dalawa. Nagkakasya na nga lang siya sa mga phone calls at text messages kapag nasa trabaho ang isa't-isa. Miss na miss na niya ang girlfriend. Pero dahil nag-back-out ang supposed client meeting niya this afternoon ay di na siya nagdalawang-isip na i-surprise si Gaize. Di na rin ito binabantayan ni Rachel dahil safe na at wala ng banta sa buhay nito.
Tinawagan niya kanina si Joonie para itanong ang schedule ni Attorney at sinabi naman nito na sa opisina lang maghapon.
Tamang-tama dahil Friday at weekend nga, aayain niya ito ng dinner date. Actually, may pencil reservation na siya sa isang restaurant kanina. Bumili pa siya ng isang bouquet of assorted flowers na nasa backseat.
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
Sa'king buhay nagpapasarap
Saktong natapos ang awitin, nasa basement parking na siya ng law firm.
So, kelangan niya palang alagaan ng dilig at katamtamang sikat ng araw ang pag-ibig niya kay Gaize. Which is true naman... Hindi siya pwedeng maging kampante. Naglipana ang mga karibal, lalaki man o babae.
Nagdalawang-isip pa siya kung dadalhin ang bulaklak. Medyo malaki siya, kaya huwag na lang kaya. Iaabot niya mamaya pagkasakay ni Gaize.
Diretso sa elevator sabay pindot ng floor number na kabisadong-kabisado. Wala pang five minutes nasa harapan na siya ng mesa ni Joonie. Pero wala ang sekretarya ni Gaize. Wala rin iyong isa pang girl na sekretarya ni Cyrus dati kaya dumiretso na siya sa office nito.
BINABASA MO ANG
The Great Seduction
AbenteuerSuntok ba sa buwan ang magmahal ng babae na babae rin ang gusto? Si Bob, guwapo, successful chief inspector, mapagmahal, ladies drool over him pero malungkot. Very much willing na mag-travel back and forth kahit pa sa Mars kung ang kapalit nam...