Gaize
Gaize has never been this surprised! Imagine, her boyfriend made so much effort of visiting herby travelling 244 kilometers from Manila to Baguio. Kaya kahit pagod na sa maghapong activity ay mataas pa rin ang kanyang energy.
"Ma'am, how long will the guest stay?" Tanong ng receptionist sa counter nang i-check-in niyasi Bob sa hotel. May ka-share kasi siya, si Attorney Anabel Tan kaya di niya pwedeng patulugin si Bob sa room niya.
Napapangiti pa si Gaize habang binabalikan ang pagkakita nila ni Bob sa loob ng taxi kanina. Sabi nito, kanina pa raw siya sinusundan at nasa likuran lang niya ito.
"Sorry... overnight stay." Parang teenager na hanggang ngayon ay kinikilig.
Nagpresinta na siyang i-check-in ang boyfriend dahil kausap nito sa cellphone si Director Sarmienta.
"For a while Ma'am, I will process the registration."
She handed the girl some cash to complete the transaction. "Thank you."
Mamaya na niya sisingilin si Roberto. Few minutes after, the receptionist gave her the keycard and receipt.
Hinanap niya si Bob at natagpuan ito sa hotel lobby. Wala na itong kausap sa cellphone pero may kausap namang mestisa.
Hanggang tainga ang ngiti ng walanghiya! Tuwang-tuwa sa mala-model na babaeng nanlalandi!
"No problem." Sabi pa ni Bob nang makalapit siya. Nakita siya nito at mabilis na hinigit ang kanyang bewang. Buti na lang at naramdaman ni Bob ang presence niya.
Kinagat niya tuloy ang labi para pigilan ang ngiti. Di naman pala siya ide-deny!
"You can ask my girlfriend. She's been here for 3 days." Binalingan siya ni Bob.
"Ha?" Nabigla pa siya pero na-gets naman niya. "Oh? What about it?" Tanong niya doon sa babae.
"Yes.. yes. It's about the spa. I was asking him if he tried it, before I made a reservation. Just need some opinion. You know?" The girl said in a British accent.
"I'm sorry. But I haven't tried it yet."
"Well that's okay. I'll ask somebody around. Thank you." She smiled and walked away.
"Oh dearie! Here's your keycard." Ginaya niya ang accent ni British girl habang inaabot iyon kay
Bob.
"Thank you My Lady!" Nag-curtsy pa ang mokong. Feeling gentleman.
Akala niya natangay na ng alindog ni tisay si boyfie. "Dinner?"
"Sure. Saan ba kainan dito? Naglalamunan na ang malaki at maliit na bituka ko."
"This way Sir..." Nilahad niya ang daan patungo sa malapit na restaurant.
"My pleasure."
"Hindi ka bagay magpaka-gentleman. Pilit na pilit. Swak pa ang bad boy."
"Sobra naman 'to. Tagal ko na kayang nagpapaka-gentleman sa iyo di mo man lang naramdaman?" Umarteng parang dismayado si Bob.
"Baka pagtalunan pa natin ito. Let's go na." Hinila na niya ang kamay nito at dinala si Bob sa entrance ng resto.
Siya na ang pumili ng mesa. Tinawag niya ang waiter. Mabilis namang lumapit ang unipormadong lalaki bitbit ang menu.
Lamb chop steak at rice ang inorder ni Bob. Samantalang, beef lasagna ang sa kanya.
"So, ganon lang... na-miss mo ako kaya ka sumunod. Wala ng ibang dahilan?"
BINABASA MO ANG
The Great Seduction
AdventureSuntok ba sa buwan ang magmahal ng babae na babae rin ang gusto? Si Bob, guwapo, successful chief inspector, mapagmahal, ladies drool over him pero malungkot. Very much willing na mag-travel back and forth kahit pa sa Mars kung ang kapalit nam...