PROLOGUE

34 2 0
                                    

Tubig...

Halos patak nalang ng tubig ang laman ng water container na dala ko. Naubos na pala ito.

Sigh.

Malayo pa kami sa bayan at wala pa rin akong nakikitang ilog.

"Hindi ba muna tayo magpapahinga? Kanina pa tayo naglalakad."

Mula sa loob ng bag na dala ko ay lumabas ang ulo ni Onyx. Isa syang batang Chimera kung titignan pero nasa daang taon na ang kanyang edad. Bata palang ako ay kasama ko na sya kaya pamilya na ang turing ko sa kanya.

Saglit ko lang syang sinulyapan at tipid na ngumiti. "Hindi naman ikaw ang napapagod dahil ako lang ang naglalakad."

"Pero nagugutom na ako. Wala na akong makitang pagkain sa loob ng bag mo."

Huminto ako sa paglalakad. Pati pala pagkain ay naubos na rin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Mabuti nalang at nasa loob kami ng gubat. Madali nalang makahanap ng pagkain dito.

Naisip ko na magpahinga na muna at dito na magpalipas ng gabi. Malapit na rin namang dumilim. Gamit ang dala kong tolda ay gumawa ako tent na pwede naming tulugan.

Inilapag ko sa loob ng tent ang mga gamit namin. Lumabas naman mula sa bag si Onyx at bahagaya pang nag-inat.

"Eris, saan ka pupunta?" napansin ata nya ang pag-gagayak ko.

"Maghahanap lang ako ng makakain natin. Dito ka lang. Bantayan mo nalang ang mga gamit natin."

Nagpaalam na ako sa kanya at nagsimula nang maglakad.

Mabilis naman akong nakakita ng mga prutas na pwede naming pagsaluhan. Natuwa naman ako ng makakita rin ng maliit na bukal at agad na nilamanan ang dalawang container na dala ko.

Pagbalik ko sa tent, kumain na rin kami agad at nagpahinga. Maaga pa kami para bukas. Konti nalang at mararating na namin ang Asyria.

Asyria (EDITING/ON GOING)Where stories live. Discover now