Napatakip ng bibig si Ella matapos marinig ang sinabi ko.
"OMG! Buhay ka?" ang akala ba talaga nila ay patay na ako? Na walang natira sa pamilya ko? "Paano? Ang akala ng lahat ay kasama kayong pinatay n-ni..." nag-alangan pa sya na banggitin ang pangalan ng aking ina.
"Ni Queen Erich ba? Ng aking ina?" hindi sya sumagot at naghihintay lang ng iba ko pang sasabihin.
"Hinding-hindi magagawa ng aking ina na patayin ang kanyang asawa at mga anak. Sino ba ang nagpakalat ng ganung impormasyon?" halata sa boses ko ang galit na kanina ko pa kinikimkim. Mukhang nahimigan nya iyon kaya napayuko nalang sya.
Ikinwento ko sa kanya lahat ang totoong nangyari noon. Maging ang pagpadpad ko sa Maldera at kung bakit ako bumalik sa Asyria ay sinabi ko na rin. Gulat man sa mga nalaman ay kakikitaan parin sya ng simpatya para sa akin. Pakiramdam ko ay nabawasan ang tinik na nakatusok sa dibdib ko ngayon dahil sa pagtatapat ko kay Ella. At least kahit papanao ay naitama ko ang baluktot na impormasyon tungkol sa nangyari sa pamilya ko ten years ago.
"I'm sorry Princess Ryia, hindi ko alam. Buong akala ng lahat ay ganun ang nangyari. Napakasama talaga ng bruhang witch na yun. Hayaan mo at wala akong pagsasabihan ng sikreto mo. Nakakatuwa naman 'to. Kaya pala magaan ang loob ko sayo kasi pareho tayong princess! Hihi." sabi nya.
"Call me Eris. Hangga't maaari ay hwag mo akong tatawaging Princess." sabi ko sa kanya. Alam kong inilalagay ko sya sa kapahamakan dahil sa lihim kong pagkatao. Hindi man sabihin sakin ni Onyx ang dahilan ay alam kong may kinalaman ito sa pagitan namin ni Luanda. Pero tama nang si Ella lang muna ang nakakaalam ng tungkol sakin. Bukod sa kanya ay wala na dapat na iba pang makaalam.
"Okay, Eris." nakangiti nyang sabi kaya nginitian ko na rin sya. "Tutulong na rin ako sa paghahanap kay Prince Alfred. Uutusan ko ang mga kaibigan kong wind fairies para hanapin sya. Kelangan na natin ng bagong hari. Kelangan nang matapos ang paghahari ni Luanda." mas lalo akong napangiti sa mga sinabi nya. Dun palang ay nakakasiguro akong mas mapapabilis nga ang paghahanap ko sa kuya ko. Sa isip ko ay ipinagpapasalamat ko na iyon ng malaki kay Ella.
Sabay kaming dalawang napalingon sa may pintuan nang bumukas ito at pumasok ang dalawang babae. Sina Amphy at Flor. Mga ka-room mate ko.
"Mali nga kasi ang ginawa mo. Hindi nga ganun yung tamang paggawa ng potion. Tignan mo ang nangyari sa buhok ko!" reklamo ni Flor na nagpapadyak pa ang mga paa at animoy maiiyak na.
"Tama ang ginawa ko. Hindi lang talaga fit sa buhok mo ang potion na yun. Sabi ko naman sayo na yung isa nalang ang gawin natin. Ang kulit mo kasi, tignan mo ang nangyari." sermon naman ni Amphy dito. Mukhang hindi pa nila kami napapansin dahil busy sila sa pagbabangayan.
Hindi rin naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahihinang paghagikhik nitong kasama ko. Sino ba naman ang hindi matatawa sa itsura ng room mate ko. Sa dating itim at bagsak na bagsak na buhok nito, ngayon ay kulay green at sabog sabog na. Nagmistula na tuloy itong pugad na may kulay.
"Eherm." sabi ko para mapansin nila kami. Sabay naman silang lumingon sa amin at bahagya pang nagulat.
"Ay! Eris, andyan ka na pala. Kanina ka pa ba?" tanong ni Flor na biglang nawala ang lukot sa mukha at ngumiti. Ganun din si Amphy. Agad din silang nagbaba ng tingin nang makita si Ella tanda ng paggalang dito. Perks of being a princess. "Nandyan ka rin pala Princess Luella, pasensya na po kung hindi ka namin napansin agad. Ito kasing si Amphy eh, may galit yata sakin kaya sinabotahe ang maganda kong buhok." sumbong pa nito. Agad naman syang siniko ng katabi.
"Ahh, pasensya na po kayo Princess at naabutan nyo pa ang pag-aaway namin. Bakit nga po pala kayo nandito? May kailangan po ba kayo?" magalang nitong tanong kay Ella na hindi mawala-wala ang ngiti.