"Change of plan. According to Javvy, wala na sa bayan ng Atlan si Prince Hendrix. Nakita nya itong kasama ng maraming Agbor patungong dungeon kung saan nila kinukulong ang mga preso nila." rinig kong sabi ni Zion sa mga kasama nya. Nasa loob sila ngayon ng malawak ma session hall at doon nag-uusap-usap. Hindi nila kasama ang headmaster dahil may iba itong inaasikaso ngayon. Habang kaming tatlo nina Onyx at Leila ay pilit na pinagkakasya ang mga katawan sa likod ng bilog na posteng kasing lapad lang ng katawan ng dalawang tao. Nakikinig kami sa usapan nila at sana lang ay hindi nila kami mapansin.
Kung bakit kasi hindi nalang sila bumalik sa dati nilang anyo para hindi kami nagsisiksikan dito ngayon. Mga tanga talaga.
"What? So, naunahan tayo ng mga Agbor?" si Ella.
"Yes. Marahil ay alam ng reynang buhay ang prinsipe at matagal na rin syang pinaghahanap nito."
"Grr. I really hate that queen."
"Kung nung una palang sana ay ginawa na natin ang mission, tayo sana ang unang nakakita sa prinsipe at hindi ang mga Agbor."
"Sino yung mataray na babaeng yun?" bulong sakin ni Leila.
"Si Vega yun. Get away from her kung ayaw mong masira ang araw mo." sabi ko dito.
"Shhh. Hwag na kayong magkwentuhan. Baka marinig tayo." mahinang saway samin ni Onyx.
"Ang bilin kasi ni Headmaster ay hintayin nating magising si Eris." sabi ni Karl.
"Then look what happened. Mas lalo tayong mahihirapan ngayon dahil sa kanya. Masyado syang pa-special."
"Bakit ka nya ganyan pagsalitaan? Hindi ba nya alam na ikaw ang prinsesa ng bayang kinasasakupan nya?" bulong ulit sakin ni Leila.
"No. Hindi nila alam ang pagkatao ko. Hayaan mo lang sya."
"Tumahimik sabi kayo eh." saway nanaman samin ni Onyx.
"Someone's here." patay. Mukhang narinig na kami ni Zion.
"Tsk. Ayan tuloy! Ang kulit nyo kasi." naiinis na bulong samin ni Onyx. Alanganin naman kaming ngumiti sa kanya.
"Get out from where you're hiding. Now." ma-awtoridad na utos ni Zion. Wala naman kaming nagawa kundi ang magpakita na sa kanila.
"You." sabi pa nito nang tuluyan na kaming malantad sa harapan nila.
"Tss." si Vega at inirapan pa ako.
"Eris? Anong ginagawa mo dyan? At kasama mo si Onyx?" si Ken.
"Sino 'yang cute na chix na kasama mo Eris? Pakilala mo naman ako oh." sabi ni Jax na ang tinutukoy ay si Leila. "Aray naman Ella babes! Masyado mo na akong sinasaktan." nakangusong sabi nya. Siniko kasi ito ni Ella sa tyan.
"Ang landi landi mo kasi!"
"Suuus! Nagsiselos ka lang pinsan eh. Panunukso ni Karl. Nag-apir pa silang dalawa ni Jax.
"I'm not! Pwede ba tigilan nyo 'ko"
"Explain yourself. Anong ginagawa nyo dito? And who's that girl with you?" tanong samin ni Zion pero ang mata ay sakin lang nakatutok. Bigla tuloy akong nag-iwas ng tingin. Ayan nanaman kasi sya kung makatitig eh.
I took a deep breath bago sumagot. Wala na rin namang dahilan para magsinungaling. Hindi ko naman pwede sabihing itinu-tour ko ang dalawa kaya kami nandito.
"Eavesdropping."
"Eavesdropping?" ulit nya. Nakakunot pa ang noo nya.
"Uhm-hmmm." tumango ako. "Gusto kong malaman ang plano nyo. Gusto kong sumama sa mission nyo. Gusto ko ring iligtas ang prinsipe. And I won't take a no for an answer. Sasama ako whether you like it or not." matapang kong sabi sa kanya. Nakita kong nginitian ako ni Ella, ng kambal at ni Jax. Si Vega? Hindi na ako aasang ngingitian pa ako nun ever. "And this girl? Err... She's my friend."