"Raaawwwr!" agad akong napaatras nang biglang sumugod sa akin ang isang halimaw na kasing laki ng isang dambuhalang oso. Kakasimula palang ng laban ngunit ganito na kaagad ang mga nakakalaban ko.
Tama si Zion na may iba pa akong makakalaban dito. Hindi ito basta-basta laban lang sa pagitan namin ni Mavis. Nandito kami ngayon sa isang room na ginamitan ng illusion para magmukhang gubat. Kailangan naming makumpleto ang sampung maliliit na flag na hahanapin pa namin sa hindi ko alam kung saan. Ngunit hindi ganun kadali yun kung ganitong bigla nalang may manggugulat sayo sa daan.
Pangatlong halimaw na 'tong nakakasagupa ko kaya meron na rin akong mga galos sa katawan dahil sa mga atake nila. Idagdag pa 'tong si Mavis. Lima na sana ang flag ko pero naagaw nya mula sa akin ang dalawa kaya tatlo nalang ngayon ang kapit ko. Iisipin ko sanang pandaraya yun pero kasama yun sa mechanics ng game.
Nakaka apat na flag na sya kasama ang flag na naagaw nya sakin kaya anim pa ang kailangan nya. Tatlong flag nalang ang natitira kaya kailangan ko syang maunahan dun. Tsaka ko na aagawin ang flags na nasa kanya para makumpleto ko na ang sampu.
Nang mapatumba ko ang halimaw gamit ang espada ay sakto namang nakita ko sa likuran nito ang hinahanap ko. Ayos! Tatlo na. Dalawa pa at si Mavis naman ang hahanapin ko.
Hindi pa nga ako nakakabawi mg lakas dahil sa halimaw na yun ay may isa nanamang sumulpot. Seriously? Hindi nyo ba talaga ako tatantanan?
Sa pagwasiwas ng malaki nyang braso sakin ay sya namang pagtalon ko ng mataas para mailagan ito. Sa pagbagsak ko ay inihanda ko na rin ang espadang kapit ko para sana putulin ang kanyang braso pero laking gulat ko nang ang espada ko ang maputol. Patay! Ito lang ang tangi kong sandata.
Hindi pa ako nakakarecover sa nangyari sa espada ko nang makaramdam ako ng malakas na paghampas sa likod ko kaya tumalsik ako at tumama sa puno.
Napaubo ako at nakita ko ang dugong lumabas mula sa bibig ko. Shit!
Pilit akong tumayo at hindi ininda ang sakit. Kumusta kaya sa labas? Singuro ay pinagtatawanan na ako ng mga kaklase kong nanonood sa amin.
Naalala ko pa ang sinabi ni Headmaster bago kami sumabak sa laban.
"Kung sino ang tatanghaling champion sa battle na ito ay bibigyan ng reward at syang pipiliin para makasama sa isang mission kasama ang royalties."
"What mission?" tanong ni Mavis na halata ang excitement sa pananalita. Bahagya pa syang sumulyap kay Zion na katabi lang ng ibang royalties at ng kambal. Kasama namin silang pinatawag ng headmaster bago magsimula ang battle.
"Ang hanapin ang future king ng bayang ito. Si Prince Alfred Hendix Clain" agad akong napatingin ng direcho sa headmaster at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. I chose to be silent. Napuno ng excitement ang puso ko. Napansin kong bahagyang napatingin din sa akin si Ella at binigyan ako ng isang ngiti. Alam kong alam nya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
"What? Eh diba patay na ang prinsipe? Bakit hahanapin pa namin sya?" nagtatakang tanong ni Velga.
"No. May nakapagsabi sakin na buhay pa ito at nagtatago lang. Nakita sya sa isang bayan na kalapit lang ng bayan natin." sabi ni headmaster.
"Are you sure na ito nga ang prinsipe? At tsaka paano nalaman ng informant nyo na sya nga ang dapat naming hanapin? Ayokong mapunta lang sa wala ang mission na 'to." napatingin ako kay Jax. Nagiging seryoso din pala ito kapag nasa ganitong usapan. Akala ko ay puro pangungulit at paglalandi lang ang alam nito.
"Are you questioning my ability, my dear little bro?" mula sa isang silid sa likuran ni headmaster ay lumabas doon ang isang maganda at maputing babae. Brown ang mahaba at kulot nitong buhok at may pagkakahawig kay Jax. Mabini pa itong nakangiti habang lumalapit sa amin.