CHAPTER 6

6 1 0
                                    

Malapit nang mag-alas sais kaya kailangan na naming bumalik sa meeting place namin ng kambal. This time, mahigpit na ang kapit ko kay Kai. Si Onyx naman ay malayo sa akin at hindi ako kinakausap. Nakasunod din sa amin si Zion. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan sya pero dahil hindi naman nya sinaktan si Kai ay medyo nagtiwala na din ako kahit papaano.

Naabutan ko ang kambal na mukhang inip na inip na naghihintay sa amin. Kanina pa kaya sila doon?

Napansin naman nila kami kaagad kaya sinalubong na din nila kami. Sabay pa nilang niyakap si Kai nang makita ito. Nakakatuwa silang pagmasdan. Ako kaya? Kelan ko kaya ulit mararamdaman ang yakap ng isang kapatid?

"Ahh guys, si..."

"Zion! Pare! Long time no see. Anong ginagawa mo dito? Bakit kasama mo sila?" ipapakilala ko palang sana sa kanila si Zion pero mukhang magkakakilala na pala sila. Bigla tuloy akong na-out of place sa kanilang tatlo. At si Zion? Ayun, marunong palang ngumiti. Nakikipagtawanan pa sa kambal. Pero kanina lang napaka-seryoso ng mukha.

Ikinwento nya sa kanila ang buong nangyare. Mula sa pagkakahiwalay sa amin ni Kai hanggang sa pagliligtas nya sakin doon sa bangin. Akala ko nagmagandang loob lang si Kai sa pagtulong sa kanya, yun pala ay kilala pala talaga nya ang lalaki. At nalaman ko rin na sa Village din pala ito nakatira kasama nila. Umalis lang ito dahil sa mission na ibinigay sa kanya ng mga elder at ngayon nga ay babalik na sya dahil tapos na ang mission nya.

Nagmadali na kaming umuwi dahil mag-gagabi na. Siguradong kanina pa rin nag-aalala si Tita Kari sa amin dahil hanggang ngayon ay wala pa kami sa kanila. Tapos kasama pa namin si Kai. Ngkasundo nalang kami na hwag ng sabihin kay Tita Kari ang mga nangyari. Siguradong pagagalitan kami nun at masama daw magalit ang Tita Kari nila.

Awa naman ng Diyos at nakarating kami sa Village ng walang Agbor ang sumalubong.

"Bakit ngayon lang kayo?" salubong ang kilay at seryosong bungad sa amin ni Tita Kari.

"Ah, eh... Dumating na kasi si Zion, Tita. Nakita namin sya sa bayan kaya nag-happy happy muna kami. He he." paliwanag ni Ken na kakamot-kamot pa ng batok.

"Na kasama si Kai?!" mas lalo pa nyang pinaningkitan ng mata ang pamangkin. Nakakatakot. Baka pati ako ay mapagalitan.

"Ahh s-sa park naman Tita. Sa park kami nag-happy happy. Diba Zion, pare?" salo ni Karl sa kapatid. Lumingon naman ako kay Zion na nasa likuran lang namin na bahagya pang nagpipigil ng tawa. Sumunod din pala sya sa amin.

"Totoo yun, Ate Kari. Hwag ka na magalit. Ang ganda ganda mo eh. Papanget ka nyan sige ka." aba! Marunong din pala mambola ang isang 'to.

"Ay. Hihi. Hindi naman ako nagagalit eh. Nagtatanong lang ako. O sige na, kumain na kayo dito. Welcome back nga pala Zion." napanganga ako sa biglang pagbabago ng mood ni Tita Kari. Ganun lang yun? Kelangan lang bolahin para back to normal na ulit?

Sabay-sabay kaming pumunta sa lamesa. Tamang tama kasi nagugutom na din ako. Ang sarap pa naman magluto ni Tita.

"Onyx oh." alok ko sa kanya na may kasama pang matamis na ngiti. Ipinaglagay ko kasi sya ng pagkain. Dinamihan ko na pambayad manlang sa atraso ko.

"Hmp!" napanguso ako sa tinuran nya. Ang taray naman ng bumbwit na 'to. Nakikipagbati na nga ako sa kanya eh. Ibinalik ko nalang tuloy ang atensyon ko sa kwentuhan nila.

"Kumusta pala ang mission mo? Bakit parang napaaga yata ang uwi mo?" naabutan kong tanong ni Tita Kari kay Zion.

"Pinauwi na po kasi ako ng mga Elders. Malapit na rin daw kasing magsimula ang klase sa Academy. Hindi kasi pwedeng wala ako doon bago magsimula ang klase." paliwanag ni Zion. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila. Hindi kasi ako maka-relate.

Asyria (EDITING/ON GOING)Where stories live. Discover now