Isang tahimik na baryo sa gitna ng kagubatan ang narating namin kasama si Ken. Puro alitaptap ang paligid na nagsisilbing ilaw nila. Hindi kasi maliwanag ang bwan ngayon. Wala na ring tao ang nasa labas nun, marahil ay nasa kani-kanila nang tahanan. Ang iba ay mga nakadungaw lang sa bintana nila at bumabati kay Ken. Sabi nya nasa Asyria parin naman daw kami at hindi masyadong nalayo. Ngunit nakapagtataka naman na hindi sila natutunton ng mga Agbor kung may mga nagroronda pala sa gubat.
"Ken, hindi ba kayo natatakot na baka makita kayo ng mga taga palasyo dito?" hindi ko na napigilan ang magtanong.
Ngumiti naman sya ng malawak. "Sa tingin mo ba papayag kami na mangyari yun? Alam namin ang bagay na 'yan kaya nagtulong-tulong ang mga elders na gumawa ng isang invisibility shield na bumabalot at nagpoprotekta sa buong baryo. Hindi makakapasok dito ang mga may masamang balak." sabi nya. "Nakapasok ka naman kaya hindi ka kabilang sa mga masasamang wizard na nagtatangkang pumasok dito."
So, he brought me here in purpose? Para malaman kung masama ba ako o hindi? Sa bagay, hindi ko naman sya masisisi. Nag-iingat lang sila. At hindi nya malalaman kung hindi nya susubukan.
"Ganun ba?" kaya pala may naramdaman akong parang manipis na tela na dumampi sa balat ko nung pumasok kami dito. Yun na siguro yung shield na sinasabi nya."Anong mangyayari kung nagkataong masama pala ang intensyon ko?"
"Simple. Mamamatay ka lang naman." komportable nyang sagot. Hindi pala basta basta ang shield na yun. It really protects them from hiding.
"Pero bakit nanatili parin kayo sa Asyria? Pwede naman kayo lumayo at manirahan sa ibang bayan para mas ligtas kayo."
"Naitanong ko na rin sa kanila 'yan noon. At ang sabi nila, hindi nila pwedeng iwan ang Asyria. Kailangan nilang bantayan ang bayang ito laban sa reyna dahil taga dito sila. Isa pa, nangako sila sa dating hari na hindi iiwan ang bayang ito kahit na anong mangyari." kapagkwan ay nakaramdam ako ng galak at guilt dahil sa sinabi nya. I'm glad to know na sa kabila ng masalimuot na nangyari sa kanila ay nanatili parin silang loyal sa ama ko at sa Asyria. Kahit hina-hunting parin sila ay hindi parin sila umaalis. Samantalang ako, ay piniling magpakalayo para sa pansariling kaligtasan. Anong magagawa ko eh bata pa ako noon? Pero kahit ganun, nakaka-guilty parin.
"Ken, nandyan ka na pala.... At may kasama ka." sabay kaming napalingon ni Ken mula sa likuran namin.
"Tita Kari." bati sa kanya ng katabi ko. "Si Eris nga pala. Nakita ko sya sa gubat kanina kaya isinama ko na dito." pakilala nya sakin. I awkwardly smile at his aunt dahil sa tingin na ibinibigay nya sakin.
"Yeah. I know her. Nagkita na kami sa palengke kanina na kausap si Karl." sabi nya kay Ken habang nakatingin parin sakin. "Ano pala ang ginagawa mo sa gubat ng mag-isa?"
"Ahh, nagpapalipas ng gabi. Wala po kasi akong matutuluyan dito kaya naisip ko na doon nalang gumawa ng tent." sagot ko.
"Alam mo ba na delikado sa gubat ng mga ganitong oras? Mabuti nalang at hindi ka nakita ng mga Agbor dahil kung nagkataon-"
"Tita Kari! Nasusunog na po yung niluluto mo!" isang batang lalaki ang sumulpot mula sa kung saan at patakbong nilapitan ang Tita Kari nya. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala para sa kakainin nila. I think, nasa 6-7 years old lang sya. May pagkakahawig sya kina Ken at Karl kaya naisip ko na kapatid nila ang batang ito. Cute!
"Naku! Oo nga pala. Mauuna na ko sa bahay. Sumunod na kayo. Doon nalang tayo magkwentuhan." she said and hurriedly walked away. Naiwan kami ni Ken at yung batang lalaki na nakatingin na pala sakin.
"Ahh, Eris. Kapatid ko nga pala. Si Kai." sabi ni Ken.
"Hello Kai." bati ko. Hindi naman sya umimik sa halip ay nagtago pa sa likuran ni Ken.
"Ah, pasensya ka na sa kapatid ko. Mahiyain lang talaga 'to. Di kasi sya sanay na makakita ng ibang tao. Ang mabuti pa siguro pumunta na tayo sa bahay para makakain na." sabi ni Ken.
"Mabuti pa nga. Kanina pa ako nagugutom." sabat ni Onyx na ngayon lang nagsalita mula ng umalis kami sa gubat. Akala ko nakatulog na 'to habang buhat ko.
Mula sa likuran ni Ken ay nakasunod lang ako sa kanya. Kapit naman nya sa braso si Kai na maya't maya ang sulyap sa likuran. Bahagya pang namumula ang pisngi nya kapag nahuhuli ko syang nakatingin sakin. Lihim nalang akong ngumingiti dahil dun.
"Nandyan na pala kayo. Kumain na tayo." sabi ng tiyahin nila Ken nang makarating kami sa bahay nila. Saglit kong inilibot ang paningin ko sa tahanan nila. Hindi ito gaanong malaki ngunit hindi din naman ganun kaliit. Tama lang sa isang pamilya na merong limang myembro.
Sa pagpasok ko sa bahay nila, nakita ko ulit ang kamukha ni Ken. Si Karl. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagkagulat ng makita ako. Napansin ko din ang pasa sa mukha nya na likha ng pagsuntok ko sa kanya kanina sa palengke. Di ko tuloy maiwasan na makaramdam ng guilt sa ginawa ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya. He doesn't sounds angry. Nagtataka lang sya kung bakit nandito ako sa bahay nila. Palipat-lipat din sya ng tingin samin ni Ken.
"Nakita ko sya kasama ang alaga nya sa gubat kaya isinama ko sya dito." si Ken na ang sumagot para sakin.
"GUARDIAN. Hindi alaga!" pagtatama ni Onyx na hanggang ngayon ay nasa mga braso ko parin. Nagkibit lang ng balikat si Ken at hindi na pinansin si Onyx.
"Mabuti nalang at hindi ka nakita ng mga Agbor. Sya nga pala Eris, saan ka nga pala ulit nanggaling?" tanong ng tita nila habang hinihila ako papunta sa lamesa kaya nagpaubaya nalang ako. Madaming pagkain ang nakahain. Bigla akong nagutom. Maging si Onyx ay naramdaman ko ang pagkulo ng tyan.
"Sa Maldera po." sabi ko nang makaupo na. Ibinaba ko na din si Onyx at ipinaglagay ng pagkain sa plato na para talaga sa kanya. Dalawa kasi ang plato na nasa akin kaya naisip ko na para kay Onyx ang isa.
"Maldera.... Ang layo naman ng pinanggalingan mo. Ano at nandito ka sa Asyria?" nakikinig lang kambal sa bawat sagot ko sa tanong ng tiyahin nila. Si Kai naman ay tahimik na kumakain habang pinagmamasdan si Onyx na nasa paanan ko. Naramdaman ata nya na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din sya sakin. Nginitian ko sya pero agad din syang umiwas ng tingin sakin at nagsimula nanamang mag-blush. Nakakatuwa talaga ang batang 'to.
"Hinahanap ko po kasi ang kuya ko. Bata palang po ako nung maghiwalay kami." sagot ko.
"Kung ganun, bakit naisip mo na dito hanapin ang kuya mo? Hindi ba dapat sa Maldera at hindi sa Asyria?" tanong na rin ni Ken.
"Wala sya sa Maldera. At marami na din akong lugar na napuntahan para hanapin sya pero wala. At malakas ang pakiramdam ko na dito ko lang sya makikita. Na hindi sya lumayo sa lugar na 'to mula ng maghiwalay kami."
"Nasaan ba ang mga magulang mo? Bakit hindi mo sila kasama sa paghahanap sa kuya mo?" si Tita Kari.
"Matagal na po silang patay." bahagya kong nginitian si Tita Kari. Napa "oh" naman sya sa sinabi ko. Hindi siguro nya inaasahan na wala na akong mga magulang.
"I'm sorry. Hindi ko alam." ramdam ko ang simpatya sa boses nya. Sanay na ako. Sa tuwing tatanungin din ako ng ibang tao kung nasaan ang mga magulang ko, iisa lang ang nagiging reaksyon nila sa twing sasagutin ko ito. Masakit. Pero sanay na ako.
"Okay lang po." hindi na muli silang nagtanong. Hinayaan nalang din nila na makakakain kami.
Natapos ang hapunan at pinagpahinga na ako ni Tita Kari. Doon ako pinatulog sa Kwarto ni Ken dahil ayaw ipagamit sakin ni Karl ang kwarto nya. Nakakahiya daw kasi dahil makalat doon. Si Ken naman ay doon nalang natulog sa kwarto ng kakambal. Okay lang naman daw sa kanila kaya hindi na naging problema pa.
"Haay! Ano na nga kaya ang sunod na mangyayari bukas? Saan ko naman kaya sisimulang hanapin ang kuya ko ngayong nandito na ako sa Asyria? Humingi kaya ako ng tulong kina Karl? Tsk! Nakakahiya naman." pumihit ako ng bahagya sa kaliwa ko para makaharap ako sa malaking bintana na katapat lang ng higaan ko-ni Ken. Mula dito ay kitang kita ko ang langit. Madaming bituin. Masarap pagmasdan. Ginagawa nitong payapa ang isipan ko hanggang sa unti - unti na nga akong nakatulog.