Hingal na hingal ako nang makarating kami sa isang lugar na hindi ko nanaman alam kung saan. Letche tong kambal na 'to. Akala mo kung sino silang matapang. May pa-on three on three pa silang nalalaman aatras din pala. Yung expectations ko? Ayun. Lagapak sa zero percent!
Inamin din nila kanina na hindi nila kaya ang sampung yun. Na baka daw matamaan sila at mabasag ang mga mukha. What the hell, diba?! Daig pa ang babae sa kaartehan.
"Mabuti nalang nailigaw natin sila." sabi ni Ken matapos sumilip sa pader na pinagkukublihan namin.
"Mabuti kamo at mabilis tayong tumakbo. Kung hindi, baka naabutan na nila tayo." si Karl na hingal na hingal din.
"Hooh! Muntik na talaga tayo dun."
"Mga duwag..." bulong ni Onyx na umiiling- iling pa. Pero hindi ko na iyon pinansin. Para kasing may kulang. Parang biglang gumaan ang kamay ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at tinignan sila isa-isa. Kumpleto sila... Maliban sa isa. Si Kai! Nawawala si Kai!
"Guys... May problema tayo." kinakabahan akong tumingin sa kambal. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Naagaw ko ang atensyon nila at sabay-sabay silang tatlong tumingin sakin. "N-nawawala si Kai."
"What?!" tulad ng inaasahan. Nagchorus pa sila sa pag-sigaw.
"Hindi ba't kapit mo lang sya kanina?" halata sa mukha ni Ken ang pag-aalala. Natural. Kapatid nya yun. At masyado pa syang bata para mag-isa sa lugar na 'to. Kahit ako naman ay natatakot din sa pwedeng mangyari. At alam kong ako ang sisisihin nila sakaling may masamang mangyari man kay Kai dahil ako ang nagpumilit na isama ang bata.
"O-oo. Kapit ko lang sya kanina. Pero di ko napansin na wala na sya sa kamay ko. I'm sorry. I'm really, really sorry." mangiyak-ngiyak kong hingi ng paumanhin sa kanila. Bakit ba kasi hindi ko napansing nabitawan ko na pala sya? Ang tanga mo talaga Eris!
"Hahaha! Ano ba kayo, chill lang. Nasa likod ko lang si Kai." sabi ni Karl na natatawa pa. Oo nga pala. Binuhat nga pala nya kanina si Kai bago tumakbo. Nawala sa isip ko. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.
Dahil sa sinabi nya, sabay sabay kaming tatlo na tumingin sa bandang likuran nya. Pero...
"Nasaan si Kai? Bakit wala?" tanong ni Onyx. Ang malapad na ngiti ni Karl ay biglang naglaho at agad na tumingin sa likuran nya pagkatapos ay tumingin ulit sa amin ng may pag-aalala.
"Shit! Nawawala si Kai!" napa-face palm nalang ako dahil sa kapabayaan namin. Malalagot kami kay Tita Kari nito!
"Ano pang hinihintay nyo? Hanapin na natin sya. Baka umiiyak na yun ngayon." sabi ni Onyx.
Bumalik kami sa pinanggalingan namin kanina. Baka kasi makasalubong namin doon si Kai. Hwag lang sana sya umiba ng direksyon dahil mas mahihirapan kaming hanapin sya. Nauuna kaming maglakad ni Onyx habang ang dalawa ay nagbabangayan sa likuran namin. Muntik na nga silang magkasakitan kanina kung hindi lang namin sila naawat ni Onyx. Haaay! Ang paghahanap ko sa kapatid ko ay nauwi sa paghahanap namin kay Kai. Pero mas importante na mahanap muna namin si Kai ngayon dahil hindi kami pwedeng umuwi na hindi kumpleto. Siguradong malalagot kami kay Tita Kari. Madami pa namang pagkakataon para maghanap sa kuya ko.
"Kai! Kai!" sigaw ni Karl.
"Hwag ka nga maingay dyan. Baka mamaya iba ang makarinig sayo eh. Mamaya nyan, imbes na si Kai ang sumalubing sa atin eh mga Agbor pala." saway ni Ken sa kakambal. Malapit na kasi lumubog ang araw at hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita si Kai. Saan na ba kasi napunta ang batang yun?
"Eh paano naman sya magpapakita sa atin kung hindi nya malalamang hinahanap natin sya at malapit nalang tayo sa kanya?"
"Guys, what if maghiwa-hiwalay nalang tayo? Nang sa ganun, mas madali natin syang mahanap." suhestyon ko na sinang-ayunan din ng kambal. Nagkasundo kami na magkita- kita sa lugar na ito ng mga alas- sais ng gabi. Pasado alas quatro na at meron lang kaming dalawang oras para hanapin ang batang si Kai.