"Siguraduhin mong madadala mo lahat ng kailangan mo doon. Iwanan mo dito lahat ng hindi mo kailangan. Tandaan mo, once you entered the Academy hindi ka na pwedeng lumabas unless palayasin ka doon. At hwag kang pasaway dun. Hindi kita mababantayan dun palagi." para akong bata na tumatango sa bawat bilin ni Onyx sa akin. Matapos ng mahabang suyuan, nagka-bati na rin kami sa wakas. Kaya heto ako ngayon, nagpapakabait sa harapan nya.
Madami syang ibinilin sakin. Like, hwag pasaway, hwag matigas ang ulo, hwag lalayo kay Zion, makinig palagi kay Zion at sumunod palagi sa sinasabi ni Zion. Ano bang meron kay Zion at ganun nalang kung ipagkatiwala nya ako sa lalaking walang ginawa kundi ang sungitan ako? Hindi kasi sya sasama sa akin sa Academy. Napagkasunduan kasi namin na habang nag-aaral at nagti-training ako doon ay nandito sya at ginagawa ang mission namin. Sya nalang daw ang maghahanap sa kuya ko. At para walang maghinala at para na rin makakilos sya ng maayos ay nagpalit sya ng anyo bilang tao. He's in his human form habang kausap ko sya ngayon at shit lang, ang gwapo pala ng guardian ko sa human form nya! Bakit ngayon lang nya ginawa yun? Nagpakabait sana ako habang kasama ko sya. Kahit daan-daang taon na ang edad nya, halos kaedad ko lang sya kung titignan.
"At ilang beses ko bang sasabihin sayo na itikom mo yang bibig mo. Tumutulo ang laway mo." agad ko namang tinikom ang bibig ko na nakabuka na pala. Pero letcheng to! Hindi naman tumutulo ang laway ko! Ang kapal ng mukha.
"Wala ka na bang ibang ibibilin?" tanong ko. Baka kapag isinulat ko lahat ng bilin nya, baka mapuno ko na ang isang buong papel at mukhang kukulangin pa ata. Yung iba nga hindi ko na matandaan eh.
"Yun nalang muna sa ngayon. Basta kapag kailangan mo ako, tawagin mo lang ako at darating ako. Nagkakaintindihan ba tayo, Eris?" tumango ako bilang tugon. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto. Kanina pang nasa labas ang kambal kasama si Zion halatang naiinip na. Kanina pa pala nila ako hinihintay.
Kasunod ko si Onyx na hindi parin nagpapalit ng anyo. Feel na feel nya ang pagiging tao ah.
"Woah! Sino 'yang kasama mo Eris? Anong ginawa nyo sa loob? Bakit hindi namin nakitang pumasok yan dito kanina?" si Ken. Halata din sa kanila ang gulat at pagtataka nang makita nila si Onyx na nakasunod sa likuran ko. Maging si Zion ay nakatitig din dito at masama ang tingin. Wala si Tita Kari at si Kai. Nauna na sa Academy dahil ihahatid daw nya si Kai sa dorm nito. Hiwalay kasi ang building ng mga studyanteng kasing edad ni Kai sa building naming apat nina Zion. Gaano pa kaya kalawak ang sakop ng protecting shield ng lugar na ito?
"Ah, guys si Onyx yan. Nasa human form lang kaya hindi nyo nakilala agad." paliwanang ko. Hindi pa nga pala nila kilala si Onyx sa ganyang anyo. Lahat sila ay gulat sa nalaman maliban kay Zion. Seryoso parin ang mukha nya na nakatingin kay Ony—sakin? Bakit sya nakatingin sakin? Bigla tuloy akong nailang.
"Ang angas! May itinatago ka rin palang gandang lalaki pareng Onyx ah. Pero pasensyahan nalang tayo bro, mas magandang lalaki parin ako sayo." sabi ni Karl.
"Pano ba 'yan brad, kami muna ang magbabantay kay Eris. Hwag ka mag-alala. Di namin sya papadapuan sa langaw. Diba Zion, pre?" si Karl. Tumingin ako kay Zion at hinintay ko ang isasagot nya. Pero wala akong ibang narinig kundi 'tss'.
"Zion, yung pinag-usapan natin. Hwag mong kakalimutan." sabi ni Onyx. Anong pinag-usapan nila? Bigla tuloy akong na-curious. Walang sagot si Zion kundi tango. Tinignan ko si Onyx ng may pagtatanong pero sinulyapan lang nya ako. I wonder, tungkol saan kaya ang pinag-usapan nila? Bakit walang sinasabi sakin ang guardian ko? May secret sila ni Zion? Hmm.
"Let's go. Kanina pa tayo hinihintay ng mga elders sa Academy." pagyayaya ni Zion. Tumayo na din sya at nauna nang tumungo sa labas. Sumunod na din ang kambal kaya kami nalang dalawa ni Onyx ang natira dito.