"Guys, guys gumalaw na sya."
"Gising na sya?"
"Hope so. Tatlong araw na din syang sleeping beauty ha."
"Lagot talaga sakin ang bitch na yun. Kakalbuhin ko yun."
"Relax babes. Papangit ka nyan."
"Che! Babes mo muka mo!"
Kilala ko ang mga boses na yun. Anong ginagawa nila dito? Ang iingay nila.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang puting kisame ang sumalubong sa akin. Puting kurtina at mgahigaan na sa infirmary lang makikita na ang ilan ay okupado pa ng ibang studyante.
Infirmary. Nasa infirmary ako.
Tsaka lang isa-isang nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari.
Si Mavis...
Battle of the month...
At si Zion.
Iginala ko amg paningin ko para hanapin ang lalaking dalawang beses nang iniligtas ang buhay ko. Ngunit hindi ko sya makita.
"Eris..." si Flor.
"S-si Zion?"
"Uyyy. Bakit mo hinahanap si Prince Zion ha, Eris? Ikaw ha." sabi ni Amphy na may ngiting nakakaloko. Sabay pa silang nagtawanan ni Flor na akala mo ay kinikiliti sa kili-kili.
"Kinausap lang sya ni Headmaster regarding sa mission na ibinigay nya, Eris. But he will be here the moment na matapos ang usapan nila." sabi ni Ella na nasa tabi ko lang. Nandito din si Jax ganun din si Vega na prenteng nakasandal sa may bintana at nakatingin sa labas.
Oo nga pala. Ang mission.
"Sino nga pala ang nanalo sa laban?" tanong ko.
"Hay naku! Dahil sa kadayaan ng Mavis na 'yun naging draw ang laban. Walang nanalo. Ewan ko ba kung bakit ginawa pa nilang draw ang laban. Kahit hindi mo nakumpleto ang sampung flags ikaw dapat ang nanalo. Ang galing galing mo kaya. Natalo mo ang mga halimaw samantalang sya, naghihintay lang ng pagkakataon para maagaw sayo ang mga nakuha mong flags." sabi ni Flor.
"Tama. Ikaw ang nagpapakahirap habang sya ang nakinabang. Napaka-tuso nya." segunda ni Amphy.
Kaya pala nung nagharap kami ay wala manlang akong nakitang kahit isang galos sa kanya. Samantalang ako ay halos magkabali-bali na ang buto dahil sa mga nakalaban kong halimaw.
"But you're so lucky dahil ikaw ang pinili ni Headmaster na isama sa mission namin." nakangiting sabi ni Ella.
They all congratulated me except Vega na nananatili paring nakatingin sa labas. Ano kaya'ng tinitignan nya dun?
Ikinatuwa ko ang balitang yun. Not bad. Hindi man ako nanalo pero sobra sobrang award ang natanggap ko.
Lahat kami ay nagtatawanan dito nang bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang headmaster, si Zion, at ang kambal.
"Mabuti naman at gising ka na, Eris." simula ni Headmaster Baron. "How are you feeling?" pormal na tanong nito.
"I'm okay now. Thanks." sagot ko.
"Good. Siguro naman ay nasabi na rin nila sayo na ikaw ang sasama sa royalties sa mission na ibinigay ko?" tumango ako. "Mabuti. And since nandito na rin naman ang lahat, dito ko na rin sasabihin ang ibang detalye about sa mission nyo. But before that..." humarap sya kina Flor at Amphy na nakikinig din sa usapan namin. "Ms. Dorvick and Ms. Rias pakigising ng ibang nandito at pumunta na kayo sa mga klase nyo." utos nito na agad namang sinunod ng dalawa kahit na nakasimangot.