"Buong araw ka nalang bang tutunganga dyan? Ano ba talaga ang plano mo?"
Mula sa kinatatayuan namin ay pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad at nagke-kwentuhan sa paligid. May mga nagtatawanan, na halata ang karangyaan sa katawan. May mga batang naghahabulan at nag-aagawan sa kapirasong pagkain na nakuha nila sa isang tindahan ng tinapay. Nagkalat din sa daan ang mga paninda, mga taong naglalakad at mga namimili. Malaki ang pinagkaiba ng bayang ito sa bayang pinanggalingan ko. Ang Maldera. Desiplinado ang mga tao doon. Tahimik. Masaya. Walang mahirap, walang mayaman. Pantay ang estado ng pamumuhay ng mga tao doon. Maayos ang pamamalakad ng kanilang kaharian. Kabaligtaran sa kung anong meron ang Asyria.
Tumingin ako kay Onyx. "Hindi ko pa alam." simpleng sagot ko. Mukhang hindi nya nagustuhan ang sinagot ko base sa reaksyong nakikita ko sa mukha nya. Alam ko na magagalit sya sakin kapag sinabi kong wala akong matinong plano. The truth is, hindi talaga sya sang-ayon sa pagpunta ko dito sa Asyria. Masyado pa daw kasing maaga para bumalik ako.
Kung paano ko sya napapayag? Mahabang paliwanag.
"Anong hindi mo alam? Akala ko ba may plano ka na tungkol dito?"
I looked at him apologetically. I lied to him that I have already a plan. Sinabi ko lang yun para mapilit na sumama sya sakin. Alam kasi nya na once nakapag-plano na ako, hindi na 'ko mapipigilan. Kahit si Lola Martha na syang kumupkop samin ay wala na ring nagawa. I'm a stubborn, and I know that. Isa pa, masyado na rin akong desperada nun na makabalik ng Asyria.
"I knew it! Wala ka talagang plano. Manang-mana ka talaga sa ama mo. Matigas ang ulo!" he turned his back to me and walked away. Sinundan ko sya.
"I'm sorry. Please, hwag ka sana magalit." I awkwardly smile facing him. Alam kong nagpadalos-dalos ako without having a concrete plan. Malakas lang talaga ang pakiramdam ko na dito ko makikita ang hinahanap ko, at hindi ko pwedeng balewalain yun.
Magsasalita pa sana si Onyx nang makarinig kami ng mga nagkakagulo sa malapit. Walang paalam na pinuntahan ko yun dala na rin ng curiosity.
"Tulungan nyo ko! Magnanakaw! Parang awa nyo na! Kinuha nya ang wallet ko!"
Naabutan ko ang isang ale na nagmamakaawa sa mga tao ngunit wala ninuman sa kanila ang nag-abala na tumulong. Marahil ay natatakot at ayaw na madamay sa gulo. Kilala rin ang bayan na ito sa mga masasamang gawain katulad na nga lang ng pagnanakaw. Dala na rin siguro ng kahirapan kaya nagagawa ng mga tao ang gumawa ng masama para lamang malamanan ang tiyan. My hand turned to fist because of that thought. Hindi ganito ang Asyria noon bago pa maging reyna ang kasalukuyang namumuno sa kaharian ngayon. Alam ko dahil minsan ko nang nasaksihan ang pantay at maayos na pamamalakad ng hari noon- ng aking ama.
Nakita kong tumatakbo palapit sakin ang lalaking tinuturo ng ale. Hinahabol na ito ngayon ng mga kawal ng palasyo na napadaan lang siguro sa bayan. Ito marahil ang magnanakaw na tinutukoy nya. Na-confirm naman yun dahil nakita ko na hawak nya ang isang wallet.
"Tabi!" sabi nya bago pa sya tuluyang makalapit.
Imbes na tumabi ay hinila ko sya at dinala sa maliit na eskinita na malapit lang sa pwesto namin. Sinuntok ko sya sa mukha at agad na dinaganan sa likod ng matumba ito. Inilagay ko din ang isang braso nya sa likod para hindi makapalag. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahwak sa kanya. Wala akong planong ipahuli sya sa mga kawal dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa lalaking ito. Nasa puso ko parin ang awa at naiintindihan ko kung bakit nya ito nagawa. Gusto ko lang syang tanungin at pakakawalan ko na rin.
"Argh! Bitiwan mo 'kong babae ka! Lagot ka sakin kapag nakawala ako!" pilit parin syang pumapalag. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Sayang. May itsura pa naman. Mukhang halos kaedad ko lang ang isang 'to. Mukhang maayos naman ang pananamit nya pero bakit nagawa parin nya ang magnakaw?