CHAPTER 2

16 1 3
                                    

Katatapos lang akong kwentuhan ng ina ko ng isang story tungkol sa isang prinsesa na nakoronahan na maging reyna ng kanilang kaharian. Pitong taong gulang pa lamang ako noon at puno pa ng kyuryosidad ang isip ko nung mga panahon na yun. Dahil sa kwento ng aking ina, nadagdagan nanaman ito ng isang tanong.

"Ina, mahirap po bang maging isang reyna?" bilang prinsesa ay hindi na rin naman bago sakin na balang araw ay magiging isa akong reyna. At kahit nasa murang edad palang ay iniisip ko na na malaking responsibilidad ang maging reyna.

Ngumiti sakin si ina at masuyo akong hinimas sa buhok. "Mahirap ang maging reyna, anak. Ikaw ang magsisilbing ina ng buong bayan. Ikaw ang magiging katuwang ng hari sa pagsasaayos at pamamalakad ng buong kaharian. Ikaw ang poprotekta at mag-aalaga sa mga nasasakupan mo. Mamahalin mo sila katulad ng pagmamahal ng isang ina sa anak. Napakalaking responsibilidad. Pero alam mo kung ano ang masayang part? Yung makikita at mararamdaman mo sa kanila ang respeto at pagmamahal nila sayo. Yung makikita mong maayos at nagtutulungan ang mga nasasakupan mo. Masarap sa pakiramdam. Worth it lahat. Hindi mo mararamdaman na meron kang mabigat na responsibility dahil sa pagmamahal ng mga tao sa paligid mo."

Sa mga oras na yun, nakita ko sa mga mata ng aking ina kung gaano sya kasaya at kakontento sa kabila ng mga bagay na meron sya. I idolized my mom and so my dad. Pakiramdam ko nun, ako na ang pinakamaswerteng nilalang sa buong Asyria nun. Maayos at maunlad na bayan, mababait na magulang... At mapagmahal na kapatid. Si kuya Red. Mas matanda lang sya sakin ng tatlong taon.

Pero nasira lahat ng yun isang araw dahil sa isang tao. Si Luanda. Isang witch na gumagamit ng itim na kapangyarihan. Nilinlang nya ang aking ama at ginamitan ng gayuma para mapaibig ito. Alam ko yun dahil nakita ko syang ginagamitan ng kapangyarihan nya si ama. Hindi matanggap ng aking ina na sa pag-aakala ay may iba na itong mahal. Masyado nya itong dinamdam at nagkasakit sya hanggang sa mabawian sya ng buhay. Sobrang nagalit si kuya Red noon sa ama namin at lumayas sya, dahil katulad ni ina ay wala din syang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hanggang sa dumating ang araw na ikinasal na si Luanda at ang aking ama. Wala akong nagawa noon dahil ano nga ba naman ang magagawa ng isang 7 years old na bata?

"Malayo nanaman ang narating ng isip mo." naputol ang aking pag-iisip sa aking alaala nang marinig ko ang maliit na boses ni Onyx mula sa likuran ko. Akala ko tulog na ang bubwit na 'to sa loob ng tent na tinayo ko sa kakahuyan ng Asyria. Habang ako, nakaupo lang at nakatitig sa apoy na ginawa ko.

"Naalala ko lang bigla si kuya." sabi ko nalang. "Nasaan na kaya sya? Ano na kaya ang itsura nya ngayon? Buhay pa kaya sya?"

"Ang dami mo naman tanong. Syempre malaki na yun ngayon. Ikaw nga lumaki na eh." umupo sya sa tabi ko.

"Pilosopo! Alam ko yun!" singhal ko dito. Alam ko naman na pinapagaan lang nya ang nararamdaman ko, at kahit papano ay natawa naman ako.

"May balak ka pa bang hanapin sya?" tanong naman nya.

Matagal ko na syang hinahanap. Sumasama ako dati sa mga manlalakbay ng Maldera dahil nagbabaka sakali ako na baka isa sa mga lugar na pupuntahan namin ay makita ko si kuya. Pero lumipas na ang sampung taon na palagi kong ginagawa yun, hanggang ngayon ay hindi ko parin sya nakikita.

"Sabi ni Lola Martha sakin noon, kapag pilit mo daw hinahanap ang isang tao o bagay mas lalo itong hindi magpapakita." sabi ko habang nakapatong ang baba ko sa mga tuhod ko.

"So, hindi mo na sya hahanapin?"

Umiling ako. "Hindi ako titigil na hanapin sya, Onyx. Alam ko at nararamdaman ko na malapit ko na syang mahanap. Umaasa ako na isang araw magkikita ulit kami. Baka bukas makalawa nasa harap ko na sya."

"As expected! Kahit ang matandang Martha hindi nagawang baguhin ang isip mo. Ano nga bang aasahan ko sa katulad mo na matigas ang ulo?"

"Hindi matigas ang ulo ko. Desidido lang talaga akong hanapin ang kuya ko."

Asyria (EDITING/ON GOING)Where stories live. Discover now