I suddenly woke up when i felt someone poking on my face. Nang magmulat ako ay nakita ko si Kai na nakatayo sa gilid ko at inosenteng nakatingin. Sya pala yung kanina pang sumusundot sa mukha ko.
"Kai." bati ko. I looked outside the window at nakita kong umaga na pala. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang maibalik ko ang tingin sa kanya.
"Pinapagising ka ni Tita Kari. Kakain na daw." I gently smiled when I heard his voice. Ang cute talaga ng batang ito.
Bumangon na ako at inayos ang kama. Napasarap pala ang tulog ko. Hindi ko agad namalayan na umaga na pala. Hinanap ko din si Onyx sa higaan nya pero wala ito doon. Nagising na ata pero hindi manlang ako ginising.
"Good morning." bati ko sa kanila pagkalabas ko ng kwarto. Naabutan ko sila na kumakain na pala kasama si Onyx. Lihim kong tinignan ng masama ang guardian ko dahil iniwan nya ako sa higaang tumutulo pa ata ang laway. Nakakahiya tuloy kina Tita Kari dahil ako pa ang huling nagising.
"Eris, gising ka na pala. Hali ka't sumabay ka na sa'min." nginitian nya ako tinuro ang upuan kung saan din ako pumwesto kagabi. Bahagya din akong nginitian ng kambal kaya lumapit na ako't sumabay sa kanila.
"Hmm... Lalabas nga po pala ako mamaya. Pupunta kami ni Onyx sa bayan." paalam ko habang nagsasandok ng pagkain. They all looked at me with a questioning expression. I decided na simulang hanapin ang kuya ko kung saan ang sentro ng Asyria. Baka makakuha ako agad ng clue doon tungkol kay kuya Red. Isa pa, madali ko namang malalaman kung sya yun dahil sa buhok at mga mata nya. Ash Gray. Same as mine.
"O sige. Papasamahan nalang kita kina Ken at Karl. Baka kung ano pa ang mangyare at may mangyare pang masama sayo doon." sabi nya. Hindi na sya nagtanong. Marahil ay alam na rin nya kung ano ang gagawin ko doon. Hindi na rin ako nagreklamo pa sa suggestion nya. Mas maganda na rin yung may makakasama kami ni Onyx.
"Tita, gusto ko rin pong sumama." lahat kami ay napatingin kay Kai.
"Kai..." si Tita Kari.
"Gusto ko rin pong samahan si Eris." my heart just melt when I heard what he said kaya napangiti ako.
"Kai, hindi ka pwedeng sumama sa kanila. Dito ka nalang. Masyadong madaming tao doon. Baka mawala ka." sabi ni Tita Kari.
"Oo nga Kai. Tsaka baka magpabili ka sa amin doon. Wala kaming pera. Tulungan mo nalang si Tita Kari sa pagdidilig ng halaman dito." segunda naman ni Ken.
Ngumuso naman si Kai. Naisip ko, wala naman sigurong masama kung isasama namin si Kai. Isa pa, tatlo naman kaming kasama nya at kasama din namin si Onyx. Wala rin naman sigurong mangyayaring masama habang nandoon kami as long as hindi kami gagamit ng mga kapangyarihan namin.
"Payagan nyo na si Kai, Tita. Para naman makapaglibang-libang din sya." tumingin ako kay Kai at nginitian ito. Biglang umaliwalas naman ang itsura nya. "Mukhang behave naman itong si Kai kaya wala naman sigurong magiging problema. Diba Kai?" sunod-sunod ang pagtango nya nang tugunin ako.
"Oo nga naman, Tita. Hayaan mo na si Kai. Tsaka hindi bagay sa isang batang katulad nya na araw-araw nalang na nagdidilig ng halaman mo. Gawaing pang matanda lang yun." sang-ayon ni Karl. Bumunghalit naman ng tawa si Ken sa sinabi ng kakambal kaya pati ito ay tumawa na rin habang pinagtaasan lang sila ng kilay ni Tita Kari.
"Tumigil nga kayong dalawa. At sinong matanda? Hindi pa ako matanda ano." ngumuso pa ito. "Bilisan nyo na nga lang kumain dyan. Kayong dalawa ha, hwag nyong aalisin ang tingin nyo dyan sa kapatid nyo. Malalagot kayo sakin kapag may nangyaring masama dyan. At ikaw naman Kai, hwag na hwag kang hihiwalay sa kanila ha." bilin nya na tanda na rin ng pagpayag. Ikinatuwa iyon ni Kai kaya naman ngumiti sya ng pagkalapad-lapad.