5: Etchuserang Attorney ^^

39.3K 359 23
                                    



dedicated to the ONE who inspire me.. XD











Chapter 5







Mikko's POV





After kumain nagyaya na ako umuwe. Parang timang yung baklang yun, halos masuka-suka ako ng sabihin niyang nilagyan niya ng gayuma yung kinain ko? Gagong yun niloloko lang pala ako.

Nagbihis lang ako. And again ready to go. I have to meet my legal counsel.

"San ka pupunta?"

"Pakialam mo."

"Alam mo ang BV mo. Grabe ka."

BV? Ano yun?

Hindi ko na siya pinansin. Naglakad na lang ako palabas. Sa tingin ko since this day, wala ng katahimikan ang bahay na ito. Hay!

"Hoi wait!" hinabol niya ako sa may gate kahit na pipilay-pilay pa siyang maglakad.

"ARAY."

"Tanga ka ba o talagang gusto mo lang saktan ang sarili mo?" Tss.

"Ehhh kasi. Awwww. San ka ba kasi pupunta? Dapat alam ko." Paiyak niyang sabi habang nakahawak sa balakang niya. Tanga tumakbo ba naman.

"At bakit ko naman sasabihin sayo? Wala ka na dun."

"Mamba-babae ka noh? Kakakasal mo pa lang, pupunta ka na agad sa babae mo. Lakas mo ahh!"

I can't help but grin.

"Ano? Ngiti-ngiti ka dyan?"

"Possesive."

"Asa ka! Diba ikaw ang sabi na we have to act like true married couple. Ikaw na nga ang tinutulungan dyan eh. Para sasabihin lang kung san pupunta di pa magawa. Paano pag dumating dito yung stepmother mo, tapos hanapin ka e di ko alam ang isasagot ko. Eh di buking na. Aish! Kainis."

Daldal. Ang daming sinabi. Tss! Pero may point siya.

"I'll go to my legal counsel." e di sagutin na lang ang tanong para matigil na.

"San??"

"Law office." Ayy ang slow.

"Ahhhhhh.."

Iniwan ko na siya dun na parang napahiya. Akala mo kasi kung makapagtanong---

But before I start my car my phone rang.

"Yes? Atty. Cabrera??"

(If you're going to my office Sir. Bring with you you're wife. She needs to sign some documents too.)

"Is that necessary?"

(Yes.)

"Fine."

I ended up the call at bumalik sa loob ng bahay.

"Oh? Ang bilis mo naman. Hahaha."

Nakita ko siyang may hawak na vacuum. Diba may masakit sa sakanya bakit siya maglilinis.

"Kailangan mong sumama sa akin."

Pinandilatan nya ako ng maya. May sinabi ba akong mali??

"OH NO. May ginawa ba akong masama? Dadalhin mo ako sa pulis? Kasama abogado mo? Uwwwaaaahhhhh..."

God gave me patience please. Baka masaktan ko na talaga ang babaeng ito. STUPID!

"STUPID! Aish. Magbihis ka na nga lang, you need to sign some documents daw kaya kailangan ka dun. For God sake, bakit kita ipapakulong. Tanga mo naman."

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon