Attention: Last 10 chapters or less. Or more. Hahaha. Di ko din sure. 🙈😝 Basta konting kembot na lang talaga. 😉😌😘Alyx's POV
This morning umuwi ako ng hindi na nagpaalam kay Mikko. Dumiretso ako ng bahay. Checked on nanay. Cooked her breakfast. Then do spend time with her. Wala akong ibang ginawa. Weekend naman ngayon so dito lang talaga ako sa tabi nya.
I checked on my phone. Wala pa kong natatanggap na tawag o kahit text man lang galing kay Mikko. Seems like wala lang naman sakanya na nagising sya na wala na ako. Hindi nya man lang kinamusta kung nakauwi ba ako ng safe? Wala. Wala.
I shook my head. Wag mo ngang isipin yan self. Wala lang naman kasi talaga yung nangyari. Bakit ba masyadong big deal sayo? Kalma.
'Tawagan mo na kaya,kesa sa naghihintay ka?'
'Po? Sino po?' I crawl to her bed and lay my head on her lap. She brushes my hair as she's watching me intently.
'E sino ba yang kanina mo pang hinihintay dyan sa cellphone mo?'
'Nay,wala po. Wag na natin pagusapan. Pasensya na po hindi ako nakauwi kagabi si--'
'Nak,magkasama kayo ni Mikko kagabi. Umuwi kang parang wala sa sarili. Tapos ngayon parang gusto mong itapon yang cellphone mo. Anong problema? Akala ko ba ok na kayo?'
Ang fishy ni nanay. Pwede ko bang sabihin na may nangyari samen ng magaling nyang anak-anakan,pero may parte saken na parang nahihiya ako sa sarili ko na nangyari yun. Tapos sinabi nyang mahal nya ako pero hindi ko masagot pabalik. Tapos ngayon wala syang paramdam at nagi-guilty ako at naiinis at the same time.
'Nay,medyo naiinis lang po ako kasi hindi man sya nagte-text. Wala naman pong problema.' simplehan na lang natin. Ma-stress pa tong si nanay.
'E di tawagan mo na nga.'
'Ayoko po. Hayaan nyo na.'
'Anak,inaayos nyo ang relasyon nyo diba?'
Eye rolling question,pero di ko magawa kasi nakatingin sya saken na parang mine-memorya nya ang mukha ko.
'Sinusubukan po.' Sinusubukan po namin pero parang lalong gumugulo.
'Mabuti naman. Hindi na ko magtatagal--'
'Nay please!!'
'Hay gusto ko sanang makita ka na maayos ang buhay at may sariling pamilya bago man lang ako mawala.'
'Nay,maayos naman po ang buhay ko. At saka wag nyo ng masyadong isipin ang samin ni Mikko. Maaayos din po yun kung talagang dapat maayos.'
'Mahal mo pa ba sya?'
Mahal ko pa nga ba sya?
'Hindi ko po alam.'
'Hindi mo ba talaga alam o ayaw mo lang aminin sa sarili mo?'
'Nay,parang ang hirap po kasi. Medyo takot pa rin po ako e. Kapag ba minahal ko sya ulit hindi na kami masasaktan ulit?'
'Walang kasiguraduhan ang pagmamahal. Araw araw mo dapat pinipili ang sumugal.'
I let out a deep sigh. And I reach for her hand.
BINABASA MO ANG
Marriage with Benefits - COMPLETED
RomanceEDITING. *kasi wala akong magawa* ?? She needs MONEY. He needs a WIFE. They will meet and fulfill each other needs through MARRIAGE. And there is where it all started. :D Highest Ranking: #148 in Romance ❤