60: Unsaid

2.6K 51 15
                                    




Alyx's POV

'Nay,ma-late ako ng uwi ha? Wag nyo na po akong hintayin. Yes po. Matulog na kayo. Si M-mikko po.'

I put my phone sa bag ko at tahimik lang na tumingin sa kalsada.

He was driving to God knows where. Ayokong magtanong. Bahala na! Ibibigay ko na sakanya ang pagkakataong to. Para wala naman syang masabi saken sa hindi ko man lang sya nabigyan ng chance. Last na din naman to e.

He's not talking too. He just took a deep breath ng magpark sya sa labas ng isang Police Station.

Shit! No!

'I know what you're up to Mikko. Kung ito ang sinasabi mong hindi ko pa alam? Matagal ko nang alam. Let's get out of here.' i bit on my lip trying to catch my breathe.

'How?'

I look away. Ok,self! Tapusin nyo na to. Ilabas mo na lahat ng gusto mong sabihin. Para magka-closure na kayo. Para di ka na nya magulo pa.

'Seriously Mikko? Kasama ko si Bill. He lied to me once,pero una't-huli yun. He told me everything. Na nilaban mo sa korte ang pagkamatay ng mommy mo. Of course you'll do that. Alam ko kung gano mo kamahal ang mommy mo,at masaya ako for you na nakuha mo na yung justice sa pagkamatay nya. I'm sorry din na hindi ko agad nasabi sayo na alam ko pamilya ko nakapatay sakanya. I'm sorry!'

'Don't be sorry.'

'And thank you din, for saving me kahit hindi mo naman kailangan gawin. I know,hinayaan mo kong umalis dahil you're protecting me dahil may threat sa buhay ko? Para akong basurang itinapon dahil gusto ng may-ari saken na malinis at walang magulo sa paligid nya. I was thrown off to where I truly belong to--'

'Alyx, hindi yan totoo--'

I wave him off.

'Mikko,seryoso ba talaga? Nangyari lahat ng yun dahil pinoprotektahan mo ko? Alam ko iyakin ako. Matatakutin. Hindi rin naman ako kasing tapang ng iba dyan. Pero alam mong almost all my life,nabuhay akong walang nangyayari saken. Natatakasan ko sila. Nagagawan ko ng paraan. Umiiwas ako,oo. Pero pag kailangan kong harapin,hinaharap ko. Pero ikaw? Ghad! You let go of my hand when I needed you the most?'

Our eyes met. And all I can see were pain and sadness.

'Alam mong ginawa ko lahat ng yun dahil sayo? But you still hate me.'

'I don't hate you.' I whisper looking away. Pero ramdam na ramdam ko a rin ang lalim ng tingin nya saken.

'Yes,you do. And I deserve that.'

'Alam mo ba kung gano kasakit nun ng nawala anak ko?' i look on the other side to hide my tears.

'That's mine too! At nasaktan din ako.' On my peripheral vision kita kong iniangat nya ang kamay nya para punasan ang luha ko pero agad nya ding binawi.

'Pero alam mo mas masakit?' I dart back my teary eyed to him. 'His father didn't even have a gut to say goodbye to him.'

'I am talking and saying sorry to him everyday Alyx. Everyday.' and that,his tears fall.

'Talaga Mikko? Alam mo ba yung feeling na galit na galit ka sarili mo kasi hindi mo sya naalagaan ng maayos?'

'Ive been living a hell of a life with regret Alyx. Because of him. Pero lalong-lalo dahil sayo.'

'You choose that hell of a life Mikko. You choose to have a life of a hell alone. When you can choose to be with me. You know I'm willing too. Alam mong kahit anong klaseng buhay pa yan kakayanin ko with you. Ganun ako ka-confident sayo e. Ganun ko kayang i-risk lahat for you. Pero ikaw? Bakit yung simpleng pangako mo lang na hindi mo ko iiwan hindi mo nagawa? Anong mahirap dun?'

I took a deep breathe. Ang sakit. Ang sakit sa dibdib umiyak. Ang sakit pa rin.

'I'm sorry! I'm sorry naduwag ako.' he whispers. His tears flowing. His head bow down.

'Totoo! Sobrang duwag mo. Mikko,hindi mo kinatapang ang paglaban ng mag-isa. Hindi mo kinatapang ang gumalaw mag-isa para mapahuli at mapagbayad sila sa mga kasalanan nila. Mas matapang ka kung lumaban kang walang ibang nasaktan. Mas matapang ka kung lumaban kang buo at walang sinakripisyo. Ghad Mikko,pati nga yung pagtatrabaho ko sa kumpanya nyo? Ano? Kung gusto mo kong harapin at kausapin pwede mo namang akong puntahan sa Italy. I know you can. Pero ano? I was being sent here because of you. Ang duwag mo pa rin.'

'Alyx,please!! Anong kailangan kong gawin para makabawi sayo? Para patawarin mo ko?' he was about to reached for my hand when I tucked it inside my blazer.

'Mikko,I already forgave you. Kung yan ang kailangan mo. Ok na!'

'Anong kailangan ko gawin para bumalik tayo sa dati? Gagawin ko lahat sabihin mo lang.'

I shook my head,no. 'Tama na Mikko! Can we just act civil? Pwede bang magkita tayo na walang may pa-eksena. Walang iyakan? Can we not work calmly?'

'I can't.'

'Of course you can't. Selfish ka e. Iniisip mo lang lagi ang sarili mo. Laging mas makakabuti saken ang iniisip mo. Pero you're not even considering what I really want. What my heart really wants. Buhay ko to Mikko. Pwede bang magdesisyon ako for me? Pwede ko bang gustuhin at ayawan mga taong papapasukin ko sa buhay ko?'

'Three years na Alyx. Hindi pa ba sapat yun? Hindi pa ba sapat yung punishment na yun sa lahat ng nagawa ko? Para akong patay na nabubuhay sa loob ng tatlong taon. And now you're back I want to make things right--'

'Mikko,sa tingin mo anong naging buhay ko sa Italy? Alam mo din ba na araw-araw kitang hinihintay na balikan ako? Kahit mukhang tanga na ako,sige lang. Hindi ko alam kung kelan ako tumigil , siguro talagang nagising na lang ako isang araw na pagod na ako. Ubos na ubos na ko. Hanggang ngayon,I'm still trying to pick up those pieces na dinurog mo. Tapos ano? Papasukin na naman kita dito? Dito sa puso ko? Tapos?Uubusin mo na naman ako? Utang na loob naman,maawa ka naman saken.'

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon