6: Tiptoe Kiss

39.5K 350 15
                                    



*** Dedicated to you. waaahhh, sana nakapaghintay ka! ^^, Basahin mo 'to ha.. tenkiess!! ^^,









Chapter 6







Alyx's POV







Friday nung kinasal ako. (-___-)

Saturday nung nagpunta kami 'kay attorney at nag-sign ng kung ano-anong papel, ang saya nga eh. Haha. Sana nga lang walang kakaiba dun or something na ikakapahamak ko. Kapag nagkataon, uubusin ko talaga ang natitirang buhok ng abogadong yun. Chos, haha. Joke lang, mabait naman si attorney eh.

Nag-grocery nga din pala kami, kahit hirap ako sa paglakad eh pinilit ko kesa naman magutom ako noh? Wah ako paki sakanya kung di siya kumain, basta ako kailangan ko mabusog. At para kaming aso at pusa sa supermarket, hindi kami magkasundo. Kasi naman puro nilalagay niya sa cart eh mamahalin at imported e ang dami namang local products na mas mura. Nakakastress siya, grabe. Nakishare ako sa pambayad kasi naman dahil sa kaartehan niya inabot yung bill ng P5460.00, medyo gipit pa ako ngayon kaya inabutan ko siya P260. Pinagtawanan lang ako. Ayy! Ayoko lang naman na sabihin niyang abusado ako noh, sorry naman P500 lang pera ko e P200 nga lang dapat ibibigay ko nahiya naman ako kaya sinama ko na yung butal.

Sunday kahapon. Isang super duper boring na araw. At dahil ayoko ng walang ginagawa, naglinis ako ng bahay. Katulong mode ako, pero okey lang kahit nakakapagod e masaya naman at nag-enjoy ako. Ang nakakainis lang talaga yung master kong masungit e hindi man lang ako tinulungan, nakatingin lang siya at pinapanuod ako. Tapos nung gabi na umalis siya, hindi sinabi kung saan pupunta. Iniwan niya akong mag-isa sa napakalaking bahay. Hay, imagine mag-isa lang siyang nabubuhay sa mala-palasyong bahay na ito. Sana nag-rent na lang siya o bumili ng mas maliit diba? Mas maliit ang gastos pag ganun. Ayyy, nakikialam na naman ako.

Mabalik tayo, umalis nga siya diba tas malay ko sa pinanggalingan niya. Hindi ko na din siya hinintay, natulog ako. At sobrang nakakainis ba naman, kasi 12mn e ginising ako. Halos sirain niya yung pinto ng kwarto magising lang ako. Inistorbo lang ang napakasarap kong tulog para sabihin na:

"HOY, IPAGLUTO MO AKO BUKAS NG BREAKFAST HA. GEH, MATULOG KA NA."

Ganun na yun. Parang ewan lang, feel na feel niya naman na may katulong siya. Waaaaaah.. Kaasaaaaaaaaarrrr.

Kaya heto ako ngayon. Ipinagluluto si Master, lagyan ko kaya ng lason ? Bwahahahahaha. Nice right? Talino ko talaga.

"Hindi pa ba yan tapos?" nilingon ko si master na bihis na. Nga pala Monday ngayon at kailangan naming bumalik sa school. Absent kami pareho nung Friday.

"Heto na po master." Inilapag ko sa lamesa yung fried rice at bacon. Mero ding hot chocolate.

"Bakit yan lang?" tanong niya pagkaupo.

"Tayo lang naman ang kakain. Grabe, sobra pa nga yan eh."

"I want egg, ham, hotdog, bacon and bread or pancake. I want a lot of options."

"Dun ka kumain sa restaurant madaming options. Arte!" nakakainis talaga. Gusto niya bang ubusin lahat ng laman ng ref sa isang kainan lang e for sure hindi naman naming yun mauubos, like hello? Dalawa lang kaya kami noh.

"Tss." Akala ko magwo-walkout na at sa restau nga kakain pero kinain niya din naman yung nasa harap niya. Arte pa, kakkain din naman pala.

Ni hindi man lang niya ako inalok na kumain or sabayan siya. Napaka-isnabero. Pero kahit hindi siya nagsasalita, umupo na ako at kumain. May pasok din kaya ako, malate pa ako. Di na uy!

BTW. Kami nga pala ni Master Mikko ay nag-aaral lamang sa iisang university. He is majoring music. Ako naman business.

"Oh? Mauna na ako sayo. Ligpitan mo muna yan." Tinutukoy niya yung pinagkainan namin.

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon