Chapter 2 - Ang first GIRLFRIEND ni Johnny
[Rein's POV]
Buti na lang sinabi ni Johnny 'yon. Kung hindi, patay talaga ko do'n!
Ang cool niya talaga!
Wait, nakatingin sakin si Macey.
Pero teka lang ha, wala naman akong masamang ginawa.
Uwian na.
"Tinuruan ka ba ng sagot ni Johnny kanina sa math?" Tanong ni Macey.
Bakit niya naman tinatanong? No coaching ba?
"Ah, kanina? Oo. Buti na nga lang eh. Hindi ko kasi alam 'yong sagot."
"Ahh." Sagot niya.
Eh kasi naman 'di ba, may gusto din ang isang 'to kay Johnny.
Biglang dumating si Johnny.
"Uuwi ka na ba?" Tanong niya.
"Ako?" Tanong ko din.
"Oo, lika na, sabay na ulit tayo tutal magkalapit lang naman 'yong uuwian natin."
Uy!
Naalala ko, nandito nga pala si M.P saka si Macey.
Tumingin ako sa kanila tapos ngumiti lang naman sila.
Pumayag na rin akong sumabay sa kaniya. Totoo naman kasing magkalapit lang kami ng uuwian.
"Sige,una na kami." Paalam niya sa tropa niya at umalis na nga kami.
Kinagabihan sa kwarto ko,
"Hay! Mababaliw na talaga ko! Pano ba kasi to? Ang hirap naman!!"
Jusme! Halos sa lahat ng subjects may assignment kami.
Eh pa'no 'yong Math? Hindi nga ko nakikinig dito kanina eh!
Naku naman!
Tapos sa tuwing maalala ko pa 'yong ngiti ni Johnny nawawala ako sa concentration.
Nakaka-distract. Hahaha!
11:30pm na. Gising pa din ako dahil dito sa Math tapos biglang tumawag si Angeline.
"Hello? Oh bakit gising ka pa?"
"Hindi ko kasi matapos 'tong assignment natin sa math eh."
"Ako nga din eh."
"Alam mo ba kung pano 'to?"
"Hay nako. Ako pa tinanong mo ah? Haha. Oh ano na?"
"Teka lang.. alam mo na ba?"
"Ha? Alin"
"Nililigawan ni Johnny si Janine!"
"Ano?!"
Wow, wait. Ano daw. Hoy?
"Oo, kanina ko lang nalaman."
Siguro mga 10 seconds muna 'yong lumipas bago ulit ako nakapagsalita.
"Ayos 'yon ah! Hindi man lang sinabi sakin?!' Pagtakip ko sa kung ano talaga 'yong nararamdaman ko ngayon.
"Eh bakit naman sasabihin ni Johnny sayo? Close ba kayo?"
Ahh...
"Medyo."
"Hay nako. Crush mo siya noh?"
"Ha?! Hahahaha! Hindi 'no! Adik ka ba?!"
"Eh? Haha. Oh sige na. Tatapusin ko na 'to! Goodnight!"
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob broke my heart (Under Editing)
Genç KurguMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. Mr. Heartthrob broke my heart by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious...
