Mr. Heartthrob broke my heart
Chapter 1 - when I first met Johnny
[Rein's POV]
First day of school. Freshman palang ako. Transferee kaya syempre wala pa akong gaanong kakilala bukod sa mga classmates ko no'ng elementary na lumipat din dito sa school na nilipatan ko.
Hi! ako ng pala si Sofia Rein Buenaventura.
Kasama ko 'yong bestfriend ko no'ng elem, si Irish. Hinahanap namin kung saan 'yong room namin.
"Parang nakakailang 'no? Highschool na tayo tapos nag-transfer pa tayo ng school. Nakakapanibago talaga." Sabi nya.
"Oo nga eh. lika na hanapin na natin 'yong room natin."
Hinanap na nga namin 'yong naka-assign na classroom sa section namin.
Ang gugulo ng mga classmates namin! Parang ang tatagal na nilang magakakasama. Ahh siguro magka-klase na sila no'ng elementary kaya nakaka-out of place tuloy. Buti na lang may kasama akong kaibigan.
Marami din namang transferee na nakaupo sa gilid at nagkukunwaring nagbabas ang libro. "yong iba, pinapanood lang magkulitan 'yong mga lalaki.
Umupo kami malapit do'n sa aircon. Sa bandang likod namin may grupo ng mga lalaki na nagtatawanan.
Uy, ang gagwapo ha! Ay nako Rein, first day pa lang! 'Wag kang humarot!
Maya-maya pa, pumasok na 'yong teacher namin.
"Good morning class."
Tumayo kaming lahat at nag greet back tapos naupo na rin.
"Let me introduce myself to you first, I am Lian Zamora, your adviser. I am pleased to meet you all. So, welcome to the most exciting part of your life as a student."
Wow. Sana lang exciting talaga.
"I already know some of you but I want you to introduce yourself for you to know each other 'cause starting today, we are already a family. Let's start at the right side, first row."
Tumayo 'yong babaeng nandoon. Nahihiya pa nga eh. Siguro transferee din sya.
Nagtuloy-tuloy 'yong introduction hanggang sa makarating sa 'min.
"Next?"
I stood up, smiled, tapos nagpakilala.
"Sofia Rein Buenaventura po." Confident ko pang sabi. Nagtanong pa kung ao ang hobbies, at ang mga expectations sa klase.
Tapos umupo na agad ako. nakakahiya kasi lahat sila nakatingin sakin. Hindi talaga ako sanay na pinagtitinginan ng iba eh.
Nakarating na din sa last row kung saan nando'n 'yong mga lalaking sinasabi ko.
Unang nagpakilala 'yong gwapong lalaking una kong napansin kanina.
"Daniel Johnny Fernandez."
Ooh.
Ang tangkad niya ah.
Hindi ko na siya masyadong natitigan kaya hindi ko pa ma define yung itsura niya. Pero swear, attractive.
Sunod-sunod na silang nagpakilala.
Jan Carlo Flores.
Sherwin Kyle Rodriguez.
Joshua John Samaniego.
Christian Third Francisco.
Kung may "the boys" meron din syempreng "the girls."
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. Mr. Heartthrob broke my heart by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious...
