Mr. Heartthrob broke my heart
PROLOGUE
Sabi nga nila, Ang pinakamasayang stage ng pagiging estudyante ay ang high school.
Tama ba? Madaming mga bagay talaga na nangyayari at super unforgettable experiences during high school years.
Lalo na 'yong mga panahong may crush or first love ka na. Parte 'yon ng pagiging high school eh. Doon talaga karaniwang nagsisimula.
Mga kaibigang mapang-asar, classmates na magugulo, terror teacher at marami pang iba.
isa na sa listahan ng mga unforgettable experience na 'yon ay ang masaktan. Ang masaktan dahil nagmahal ka.
May mga feelings talaga na hindi na natin kayang itago kahit anong tago ang gawin natin, lalabas at lalabas pa rin.
People fall in love unexpectedly.
Ano nga ba 'yong feeling ng ka-close mo 'yong taong gusto mo nang hindi niya alam ang tunay na nararamdaman mo?
May side na maganda.'Yon eh dahil nga close kayo, madami kayong alam tungkol sa isa't-sa.
Pero may side din na hindi gano'n kaganda. 'Yon naman yung part na, hindi mo masabi 'yong feelings mo para sa kanya kasi baka magbago yung pakikitungo niya sa'yo, na baka malamatan 'yong friendship niyo dahil lang do'n.
Aminin na natin, karamihan sa 'tin, nasaktan dahil nag-assume. 'Di ba?
Isa 'yan sa marami pang mga bagay na natutunan ko. Nasasaktan ka, dahil nag-assume ka. Pero hindi mo naman pwedeng sisihin 'yong sarili mo, kung sa tingin mo ay nagpakita din siya ng motibo.
Hindi mo alam kung sino ba ang mali sa inyong dalawa. Siya na nagpapakita ng motibo o ikaw na mabilis umasa at mag-assume?
Hindi talaga mawawalan ng mga taong paasa. Mga paasa! Magsama-sama kayo! Hahaha!
Mayro'n namang sweet lang talaga sa lahat, kaya nami-misunderstood siya at assuming ka lang talaga.
Naranasan ko na ang ma-inlove, magpaka-martir, masaktan, umiyak, makapag-move on tapos maiinlove ulit... at uulit nanaman lahat.
Paikot-ikot lang na parang wala nang chance na mag-stay sa isang lugar.
Minsan nga iniisip ko, pinaglalaruan ba 'ko ng tadhana? Bakit ba laging ako ang gusto niyang pagtripan? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Sila na lang ba lagi? At ako... lagi na lang mabibigo tuwing mafa-fall? Charot!
Ang hirap naman kasing mahulog sa isang tao na hindi naman nakahandang saluhin ka. Madalas ganyan ang sitwasyon. Swerte mo na lang talaga kung ang gusto mo ay gusto ka rin.
Lahat nga ba nagiging masaya? Lahat nga ba may happy endings? Do you believe in second chance?
Do you believe in fate? Fate, na kapag para sa'yo, mapupunta sa'yo. It may take time pero kung say'yo talaga, mapapasa'yo at mapapasa'yo rin.
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. Mr. Heartthrob broke my heart by SooRinn This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious...