Chapter 4 - bakit bestfriend ko pa? </3

3K 69 9
                                        

Chapter 4 - bakit bestfriend ko pa? </3

[Rein's POV]


Walang duda, elementary pa lang marami na talaga ang nagkaka-crush sa kanya. Ayon sa mga kwento ng mga chismosang may gusto din sa kanya. Nung grade 5 siya lumaban siya ng pageant, hindi ko lang alam yung pinaka-detalye, pero nanalo siya. :D

Ang sabi pa nila, yung ka-partner niya na girl dun sa pageant na nanalo din, ay super crush niya. hindi ko na kailangang magtaka, nakita ko na siya, maganda talaga siya, poised, maputi, mukhang koreana, matalino.. kumbaga, perfect na para magustuhan ng isang 'Johnny'

In other words, silang dalawa ang 'Campus Crush'

Oh well, balik na tayo sa topic natin kanina.. so ayun na nga.. nakakainis talaga tong si Macey. alam ba niyang kalat na sa buong school ang paghahabol niya kay Johnny?

Madalas din siyang topic ng "THE GIRLS"

Medyo may kaartehan din kasi tong si Macey. hindi naman talaga kami ganun ka-close ehh. mas close kami ni Angeline. Si Angeline yung Bestfriend ko! :D

OK. Today is the day. Birthday na ni Johnny. Para saakin, nakakagulat yung mga eksenang nakikita ko. Pero sa mga matatagal na niyang classmate, normal na lang yun tuwing birthday niya. Lalo naman tuwing Valentine's day.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom, napansin ko na napakaraming babae ang nagkukumpulan sa tapat ng classroom namin. haayy, alam ko na kung bakit. lalo na ngayong single na ulit si Johnny.

Ang daming bulaklak, love letters, mga lobo na hugis puso, chocolates, teddy bears, at kung anu-ano pa. daig pa ang artista! HAHAHA! Pano pa kaya sa Valentine's day diba? Siguro kayang mapuno ng mga regalong yun ang isang boung classroom.

Hindi na nga ako makadaan para pumasok ehh. kaya napilitan akong makipagsiksikan. 

"Johnny!! kunin mo naman to!!"

"Johnny! pansinin mo naman ako!!"

"Johnny~~!!!"

 

GRABE! Nakakabingi! ang sarap pagsusungalngalin ng mga babaeng to! Loljk. :D Naipit na tuloy ako, hindi na yata ako makakalabas dito. >.< 

Nagkakatulakan pa! biglang  may tumulak sakin kaya napunta ko sa gitna.

Sa harap ni Johnny!

NAKAKAHIYA! >//<

Nagkatinginan lang kami. Tapos bigla siyang nagsalita..

"Oh. Rein."

hindi ako makapagsalita. hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya..

Mr. Heartthrob broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon