Author's Note:
Hi mga brad, tol, kapuso, at kapamilya!! Sana hindi kayo naging atat d'yan hahaha. Hindi, pasensya sa paghihintay sadyang tinupak ang facebook at wattpad dahil kada iu-update ko na ay nabubura talaga.
Kaya heto na!! Mag-enjoy kayo mga kutung lupa. Hahahaha
*****
Entry No.1
- ANNIE'S POINT OF VIEW -
"Patay!!" usal ko at lumabas na ng aming bahay.
Oo, mga 'te talagang patay ako kung hindi ako magmamadali ngayon. Agad kong pinara ang taxi na paparating, mabuti nalang at bakante ito.
"Sa No. 8 building nga po." sabi ko kay kuyang driver na gwapo. Oo gwapo ito pero wala akong pagnanasa sa kanya no, kay halimaw na gwapong boss lang ako may pagnanasa.
Patay! Speaking of halimaw na gwapong boss. Patay talaga ako doon, late na naman ako. Tangina naman kasi 'yung nanay kong lasinggera nanghingi pa ng pera, ipapa-foot spa daw niya. Sosyaling nanay na 'yun. At talagang nauna pa siyang naligo sa'kin kaya ayun, na-late ako. Walangya! Kailangan ko na talagang makarating sa boss na halimaw at gwapo. Halimaw pa naman 'yun.
"Kuya, pakibilisan naman po uh! Kailangan lang para sa ekonomiya." pagsusumamo ko kay kuyang taxi driver.
"Naku 'te! Waley na ibibilis itey, hindus itey kabayo no!" sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan.
Sandaling napamaang ako at napanganga ng kaunti ang labi ko. Naloka ako sandali kay kuyang taxi driver, akalain niyo mga 'te? Baklush na taxi driver! Mayroon pala talaga. Hahaha sayang ang gwapo pa naman niya.
"Bakleta ka, wag mo'king ma-waley at eketch ha! Kailangan mong bilisan para sa'king ekonomiya." sabi ko sa kanya at dinuro-duro ko pa siya. "Atsaka kung singbagal pa sa may patay ang yung pagpapatakbo, aba sanay nag lakad nalang ako. Letse!" dugtong kong singhal sa kanya.
"Malaysia aketch kung naghu-hurry ka ateng!! Pero dahil pretty ka naman like me, bibilisan ko na!!" sabi niya at binilisan ang takbo ng taxi.
Hindi na ako umimik, baka mag-init lalo 'yung ulo ko sa bakletang ito. Nakarating na din kami. Agad akong humagilap ng pera para ibayad sa bakletang taxi driver na'to.
"Oo! Alam ko. Hayan oh!" sabi ko ng ituro ang nakapaskil sa sementong pader.
(NO. EIGHT BUILDING)
"Kitang-kita ko!!" inabot ko na sa kanya ang bayad ko. Php 500.00 yun.
"Keep the change ateng bakla!!" sabi ko sabay bukas ng pinto at isinara agad akong tumakbo, sukbit-sukbit ang aking bag.
Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ko para lang makarating na sa loob ng bahay ng halimaw gwapo kong boss.
Wala ng katok-katok pa at binuksan ang pinto. Nagmamadali na talaga ako, atsaka kilala na naman akong ng mga kasambahay at guard dito kaya gora lang ako ng gora. Nang makarating ako sa living room ay agad kong nakita ang halimaw este, yung boss ko na naka-upo.
Unti-unti akong naglakad, huminto lang ako ng may mga limang hakbang siguro.
"Go-good Morning po, S-S-Sir Marcos." nauutal kong pagbati sa kanya. Tumingin siya ng naiinis sa'kin.
Patay!!
"Bakit ngayon ka lang?" kalmadong ang tono niya. Huh! Akala nio lang na kalmado siya pero galit talaga yan! Huhuhu, hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatayo dun.
"Tutunganga ka lang ba dyan!" sabi nito at nakataas na ng kaunti ang boses.
"O-o-opo!" sabi ko at agad ng pumunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga damit at mga bagay na gagamitin niya. Halos hindi ako magkaundagaga sa pagkilos at panghagilap ng mga kakailanganin niya sa shoot.
"Annieeeee!" sigaw niya sa labas.
"Patay!" usal ko at mas lalo pang bilisan ang kilos ko. Nakasigaw na naman siya. Huhuhuhu
Lord, ikaw na po ang bahala sa halimaw na gwapo kong boss. Amen.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...