Entry No. 7

54 5 1
                                    


Entry No. 7

- Annie's Point Of View -

Haaays...

Buhay nga naman kapagod mga 'te. Katatapos lang ng trabaho ko kay Sir Marcos kaya ito ako ngayon nasa bahay nakasalampak sa kama. Nakatingin sa kisame at nakatulala na parang baliw.

Charot! May iniisip lang!

Mag-iisang buwan na kasi ang nakalipas simula noong hindi na nagsusungit sa'kin si Sir Marcos. Ewan ko nga ba! Gustong-gusto ko 'yun pero minsan nakakamiss rin. Oo no! Nakakamiss kaya 'yung pagsusungit ng halimaw na 'yun. At hindi ako sanay na kinakausap na niya ako nang hindi nag-uutos o nakasigaw.

Jusko! Himala na nga ba ito? Kasi nung isang araw marami siyang tinatanong sa'kin tulad nalang kung ano ba daw paborito kong ulam, kulay, lugar, at etc.,

Jusko na jusko talaga!! Bago pa ako mag-flashback sa mga nangyari isang buwan ay tumayo na ako at nagpuntang banyo para maligo.

Nang matapos ako ay hindi muna ako natulog dahil mage-impake pa ako ng gagamitin ko nang isang linggong pananatili sa isang beach kasama si Sir Marcos.

Wag kayong mag-isip ng masama mga 'te! May mga kasama kami dun! Doon kasi gaganapin ang usang event na kinuha siya para irampa ang mga damit. Hahaha ang bakla nung rampa! Pero totoo, bukas na nga 'yung alis namin kaya nagpa-pack up na ako ngayon para naman makapagpahinga ako at nang may energy ako bukas. Nang matapos ako ay agad kong itinabi ang maleta ko at humiga sa kama.

"Haay, nakakapagod!" usal ko at pumikit na para matulog. Dahil sa pagod ay agad akong dinalaw ng antok.

Nagising ako dahil sa alarm clock ko na tumutunog. Dinampot ko ito na nasa side table ko lang at pinatay habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

Ang ingay-ingay kasi! Letse! Natutulog 'yung tao eh.

Tinakpan ko 'yung ulo ko ng unan at matutulog na sana ng bigla akong napadilat. Narealize ko na tumutunog na pala 'yung alarm clock ko, ibig sabihin lang nun. Kailangan ko ng maghanda para sa isang linggong pag-estay sa beach na kasama si Sir Marcos. Bumangon ng nakaupo sa kama at kinusot-kusot ang mga mata ko pagkatapos ay tumingin sa digital clock.

5:00 A.M palang ng madaling araw pero kailangan ko ng maghanda para hindi ma-late. Mahirap na baka kasi bumalik sa pagiging masungit si Sir Marcos. Alam niyo naman!! Tumayo na ako para lumabas ng silid ko at nagtungo sa banyo para maligo.

Mabuti nalang at wala si nanay ngayon dahil baka siya na naman ang unang maligo, maunahan pa ako nun!! Ewan ko ba dun sa nanay kong sosyalin na lasinggera at wala ngayon dito. Malaki na naman 'yun at kaya na nun ang sarili niya mga 'te. Yung tatay ko naman, ayun nalunod na sa sabaw at hindi na nakauwi pa!! Wag nating pag-usapan ang wala dito mga 'te.

Nang matapos akong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili. Simpleng t-shirt na V-neck gray na tenernuhan ko ng tattered pants na faded blue, at nag-doll shoes na na kulay blue. Nang matapos sa lahat-lahat ay agad akong tumingin sa wrist watch ko.

7:00 A.M, 30 minutes lang naman ang biyahe. Hindi ako aabutin ng 8:00 sa daan. Hindi na ako nag-almusal dahil hindi naman ako mahilig kumain sa umaga kaya lumabas na ako ng bahay na dala-dala 'yung maleta ko. Syempre ini-lock ko lahat ng dapat ilock mga 'te baka madisappear lahat ng bagay sa bahay pag-uwi ko.

Jusko!

Hindi ako nag-abang ng taxi kasi may agad na huminto sa harap ko na taxi. Agad kong binuksan ang pinto at ipinasok sa loob ang maleta. Maliit lang naman ang maleta na dala ko alangan naman na malaki, diba?! Jusko! Hindi po ako mangingibang bansa.

Pumasok na ako at umupo. Syempre naman!! Uupo diba?! Alangan namang tumayo!!

"Sa Number Eight Building po." sabi ko ng hindi tumingin sa harapan dahil sinisira ko ang pinto ng taxi.

"Ay! Ateng, bad to see you again."

Sa pananalita palang alam ko na kung sinong bakla ang nagsasalita. Tumingin ako ng masama sa kanya.

"Bad to see you again too!" sabi ko, note the sarcism mga 'te at umirap ako.

Hindi na siya sumagot at pinaandar nalang ang kotse. Buti nalang din para maayos ang lahat at matahimik ang biyaheng ito. Itinuon ko nalang sa labas na makikita ko ang aking atensyon. Naasiwa ako sa kanyang pagmumukha. Jusko!!

Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon