InniaSaga Note: Psst. BASA-BASA DIN NG AUTHOR'S NOTE PAG MAY TIME.
Pasensya nga pala sa slow update. Minsan kasi nagiging tao lang ako at hindi palaging alien. Kaya mabagalan. Nagkasakit din ako kaya wala pumapasok sa utak na maayos na ideya. Nagiging loading kasi ako pag nagkakasakit ako kaya... Oh! Heto na! Heto na! Heto na.. Waaaaaah! Doo bi doo bi doo bido bido. Aahh. 🎤🎶🎤🎵
Mag-enjoy kayo mga repapeps, kuys at brad. Mahaba-habang update to, pambawi ko sa matagal na pag-update. 😉😉 Nga pala salamat din sa mga bago kong readers kahit hindi ko mga followers ina-add niyo pa rin. Salamat.
Hengmweh. 💋💋
Entry Number Seventeen
Marcos
Namangha ako sa isinagot niya sa tanong ko. Hindi ko kasi inaasahan na ganun ang isasagot niya. Gusto ko lang naman kasing malaman kung ano ang gusto nito sa isang lalake na katulad ko.
Inaamin kong matagal ko na siyang gusto. Maganda siya at mabait, na siyang hinahanap ko sa isang babae pero takot na akong sumubok muli sa pag-ibig. Takot akong magmahal muli. Pero sa mga oras nato napagtanto kong hindi naman sigurong masama ang sumubok at magmahal muli. Dahil sa larangan ng pag-ibig, tanging ang kaugnay nito ay sakit sa bawat subok nito. Hindi lahat sa pag-ibig ay masaya, palaging may sakit, hinagpis at pagdurusa. Alam ko 'yan kasi naranasan ko na rin ang magmahal. Magmahal ng taong niloko lang din ako kaya huwag na nating balikan ang nakalipas pa.
Kaya ngayon handa na akong magmahal muli. Handa na ulit akong magtiwala sa pag-ibig. Kahit pa muli akong masaktan, kakayanin kong muli.
Gusto ko si Annie at liligawan ko siya.
Matapos ng gabing 'yun ay bumalik ako sa hotel room ko na may ngiti sa labi ko. Dahil alam kong iba si Annie sa mga babaeng nakakasalamuha ko, isa siyang babae na minamahal at inaalagaan. Isa siyang babaeng hindi mahirap mahalin. Babaeng walang pakealam sa mundong mapanghusga. Yan ang naging dahilan kung bakit nabihag niya ang puso kong bato, ang puso kong takot na magmahal muli.
Kaya heto ako ngayon nakaharap sa salamin at nagpapaguwapo. Syempre, aamin na ako kay Annie ngayon. Huling araw na namin dito sa resort na'to kaya ngayon na ang araw para umamin.
"Relax Marcos, para ka namang first timer."
Sabi ko sa sarili ko. Siguro pag may nakakakita sa'kin pagkakamalan akong baliw dahil sa kinakausap ko ang sarili ko. Pero wala na akong pakialam at binilisan ko na ang kilos ko para masundo na si Annie sa room niya. Alangan namn siya ang mauna sa'kin at sumundo sa'kin. Ang ungentledog ko naman pag nagka-ganun.
Natapos na ako kaya agad akong lumabas sa kwarto at inilock 'yun. Tinungo ko agad ang kwarto niya para masundo na siya. Malapit na ako ng matanaw ko siyang papalabas na rin ng pinto sabay ini-lock 'yun. Mabuti naman at nauna pa rin ako sa kanya.
Hindi niya siguro ako napansin dahil diretso lang ang lakad nito. Nakalagpas na siya sa'kin pero hindi niya pa rin ako napapansin. Hahaha. Hay naku, Annie. Kaya lumingon ako sa kanya at sinabayan siyang maglakad.
"Hi Miss."
Sabi ko sa kanya. Mabiro nga 'to. Iniba ko boses ko kaya umepekto.
"Hi."
Sagot niya ng hindi man lang tumitingin akin. Haha. May pagka-snob pala 'tong si Annie pero nakakausap naman. Hahaha tama na nga to.
"Annie."
"Ay palakang gwapo!"
Bigla siyang napasigaw kaya halos pagtinginan kami ng kaunting mga tao sa hotel. Nagulat ba siya? Hindi ko naman plano 'yun.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!
HumorMahal kita, pero hindi pwede! -- Bakit nga ba???? This story is a work of my imaginative mind. The characters, organizations, and events portrayed in this story are only a product of the author's imagination. Any resemblance to an actual incidents...