Entry No. 19

13 1 0
                                    

Entry Number 19

Okay Annie? Kaya mo 'yan! Fighting lang mga 'te! Kasi naman 'tong kabobohan ko walang sinasalto't walang preno. Kung saan-saan nalang sumusulpot. Nakaka-shookt! Kasi ba naman kung dikitan ako ng malas super dikit talaga. Ayaw humiwalay sa akin.

Dear Malas,

Pwedeng sa susunod araw ka nalang dumating? 'Yung hindi ako mapapahiya? pwede ba 'yun?

Nagmamahal,
Bobo.

Ayan, pinadala ko na kay Malas 'yung letter of consideration. Baka kasi gusto niya lang na masulatan. Kasi diba? Baka lonely lang ang peg ni malas.

"Annie."

Ay! tinatawag na ako ni Boss Marco. Dati rati kung makatawag siya sa pangngalan ko mga 'te kung makasigaw parang walang bukas. Eh' ngayon mahinahon na niya akong tinatawag sa pangalan ko. Improving 'to mga 'te ha! Alam naman niyo na siguro no? HAHAHAHAHA

"Yes, sir?" sagot ko naman sa pagtawag sa akin ni Sir Marco at lumapit sa kanya. Andoon kasi ako kanina sa table ko't nag-iisip kung paano ko babayaran 'yung sira ng kotse.

"Pakibigay nga ito kay manager." sabi ni Sir Marco sabay abot ng mga papers sa akin. Di ko nga alam kung ano ang mga ito. Basta maibigay ko lang ito sa manager ni Sir Marco, oks na! Aba malay ko mga 'te no!

Lumakad na ako papunta sa office ni Manager. Pumasok ako sa loob pero wala namang tao kaya inilagay ko nalang sa table niya pero sinigurado kong madali niya lang itong makita. Pagkalagay ko ay agad na din naman akong bumalik sa table ko. Pagka-upo ko agad akong nanlumo dahil sa naisip ko na naman kung paano ko babayaran 'yung nasira ko. Kasi mga 'te kanina....

Ganito 'yun.... tsk!

Ayaw ko mag-flashback mga 'te! Di kaya ng pag-iisip kong balikan ang mga nangyari no! Kaya pwede ba! Ikukwento ko nalang!

Kasi ganto papalabas na ako ng bahay namin. Pagkalakad ko nakakita ako ng bato sa harap, sinipa ko 'yun dahil highblood na highblood talaga ako sa nanay kung umuwi lang para guluhin umaga ko. Kasi naman no! Mga 'te! Umagang-umaga ipapa-blind date ako sa kung kanino-kanino diyan. Eh hindi ko nga mga kilala ang ipapa-blind date niya. E' paano pag holdaper pala? E' kung rapest mga 'te? Eh nawala na 'yung bataan na perlas ng sinilangan ko? Neknek oy! Eh' siya kaya ang ipa-blind date ko sa mga ipapa-blind date niya sa akin, aber!

Naloka ako sa nanay ko na'yun! Walang magawang matino. Eh' yung matinong ginawa niya lang naman ay 'yung ipanganak ako sa mundong ito. Kaya ayun! 'yung batong singlaki lang naman ng kamao ang nasipa ko. Hindi naman kasi masakit dahil naka-converse shoes ako. Pero nagulat nalang ako nang...

"Hoy! Baklang aninipot na ito!"

Nakarinig lang naman ako ng sigaw galing sa baklang taxi driver na ito. At siya na naman?! Lalong umiinit umaga ko mga 'te. Nakakasira ng araw ang baklang ito eh!

"Oh! Problema mo?!" Sabi ko sa kanya.

Ano bang ipinuputok ng butchi nitong baklang hinayupak na taxi driver na ito. Kulang na naman ba 'yung naibayad ko? Eh' sa pagkakatanda ko sobra pa nga 'yung naibayad ko sa kanya ah. Siguro hindi ito pinuntahan ng jowa niya kagabi.

Tsk, tsk! Napailing nalang ako sa kanya.

Kawawang bakla.

"Ikaw! Shikaw ang problemabels ko!" Sabi nito sa akin na may paturo-turo pa.

Oh? Anong ako?! BAKLANG ITO!

"Bakit ako! Hooy!" Sabi ko sabay duro din sa kanya at naglakad papalapit sa direksiyon niya.

Mahal Kita, Pero Hindi Pwede!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon